Bakit kelangan ng Bacteria sa Katawan?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Takot at naiinis tayo sa bacteria, dahil maraming sakit at impeksiyon ang nadudulot nito, bata ka man o matanda. Kaya’t naghuhugas tayo ng kamay bago kumain o nag-aalchohol. Kaya nililinis din natin ng mabuti ang banyo o ang mga lugar sa bahay na madumi o may germs.

Ngunit hindi lahat ng bacteria ay masama. Sa katunayan, mayroong mga 1 trillion na good bacteria sa loob ng ating katawan. Trillion ha, at di milyon. Ibig sabihin, isang milyon na isang milyon o 1 milyon times 1 milyon. Di lang nakakabuti sa katawan itong mga good bacteria na ito, kundi kelangan natin mga ito para mabuhay.
 
Halimbawa, tinutulungan ng good bacteria ang ating katawan na magtunaw ng pagkain at magsipsip ng sustansya na kelangan ng katawan. Pinoprotektahan din ng mabubuting bacteria ang ating katawan sa mga masamang bacteria, sa pamamagitan ng paggawa ng asido na nakakapigil sa kanilang pagdami at pagpalakas ng ating immune system o resistensiya.
 
Tagapagtanggol ng ating katawan ang good bacteria. Ngunit kapag umiinom tayo ng mga antibiotics para patayin ang mga masasamang bacteria, namamatay din ang mga good bacteria. Kaya’t nawawalan ng balanse ang ating katawan at maaaring magkaroon ng problema sa tiyan, sa pagtunaw ng pagkain na nagsasanhi ng pagtatae.
 
Mayroong mga pagkain na naglalaman ng good bacteria. Ang tawag dito sa mga pagkaing ito ay probiotics. Halimbawa ng mga ito ay ang:
-       Yogurt
-       Atchara
-       Dark Chocolate – Matutuwang malaman ng mga mahilig sa tsokolate na nakakatulong sa pagdami ng good bacteria ang cocoa, na sangkap ng dark chocolate. Tandaan na ang tinutukoy dito ay ang dark chocolate at hindi ang mga ordinaryong milk chocolate. Siyempre, ingatan din na wag mapasobra ang kain ng dark chocolate, dahil kahit anong pagkain ay napapasama kapag naparami.
-       Cheddar cheese – May nilalaman din daw na probiotics ang cheddar cheese. Ngunit ingatan rin na wag mapasobra ang kain ng cheddar cheese, dahil nakakataas ito ng kolesterol sa katawan.
Mayroon ding mga binebentang probiotics supplements na pwedeng inumin, ngunit hindi ito pinapayuhan, dahil marami nito ay hindi safe at epektibo. Mas mabuti nang kumain nalang ng mga natural na probiotics na binanggit.
 
Ano ginagawa ng good bacteria?
-       Tumutulong sa pagtunaw ng pagkain
-       Kino-control ang pagdami ng bad bacteria, para makaiwas sa sakit
-       Tumutulong sa pagpasok ng nutrisyon at sustansya sa katawan

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.