Bakit maglagay ng sibuyas sa medyas? Talampakan, paa

Medical Team
is a Medical expert in United States

Pwera sa pang-rekado sa pagkain, alam nyo ba na ang sibuyas ay epektibo na panlaban sa iba’t ibang sakit?
Mayroong 7,000 nerves sa ating paa na konektado sa ating buong katawan. Kaya’t pag naglagay ng sibuyas sa paa, malilinisan daw ang dumi sa katawan, kasama na germs at bacteria. Dahil manipis lang ang balat ng ating paa, mabilis masipsip ang chemical ng sibuyas sa ating dugo.

Paguusapan natin sa videong ito kung paano ito gawin at kung may katotohan ba ito.
 
Maaaring nanggaling ang paniniwalang ito sa Europa noong ilang daang taon nakalipas, na ang paglagay ng sibuyas sa bahay ay makaka-protekta laban sa sakit, kasama na mga germs sa hangin.   Maaaring nanggaling din itong paniniwala sa Chinese foot reflexology, na naniniwalang may koneksyon ang paa sa ating mga laman loob sa katawan.
 
Narito ang iilang pinaniniwalaang epekto ng paglagay ng sibuyas sa medyas sa ating kalusugan:
 
Panlinis sa katawan at dugo
Una, mas mainam na pumili ng sibuyas na organic, yung hindi na spray ng kemikal. Kundi maaaring pumasok sa katawan o dugo ang masamang kemikal. Nakakatulong daw ang paglagay ng sibuyas sa sinuot na medyas sa sakit sa bato, pananakit ng tenga at pananakit ng ngipin. Matagal na uso sa Tsina ang paggamit ng sibuyas panggamot.
 
Para gawin ito, hiwain ang sibuyas ng bilog-bilog. Maglagay ng iilang piraso sa iyong talampakan atsaka isuot ang medyas bago matulog. Iwanan lang ang sibuyas sa iyong medyas hanggang sa magising sa umaga.
 
Mabuting maghugas ng paa pagkagising sa umaga.
 
Sipon
Mas mabilis din daw gumaling ang sipon kapag nagsuot ng medyas na may nakaglagay na sibuyas bago matulog. Maginhawa rin daw ito sa pakiramdam, dahil nakakatanggal daw ng masamang amoy sa hangin ang sibuyas. Nasisipsip din daw ang mga bacteria sa katawan, at malilinisan ang iyong dugo. Ngunit importante daw na gumamit ng organic onions, o yung walang halong kemikal.
 
Totoo nga ba ito?
Wala pang masusing pagaaral kung epektibo nga ba ang paglagay ng sibuyas sa medyas o sa katawan. Karamihan ng ebidensya ay nakasalalay sa mga kwento at pagpatunay ng mga nakasubok. Kaya’t maaaring resulta lamang ang benepisyo nito sa tinatawag na placebo effect, o paniniwala ng mga nakasubok nito.
   
Maaaring nakakatulong ito sa paggamot ng karamdaman, dahil nakondisyon sa iyong utak na gagaling ka talaga at umaasa kang gagaling ka talaga. Halimbawa, maaari na ang mabisang epekto ng sibuyas ay dahil sa paniniwala ng pasyente na makakagamot ito sa kanya. Sa siyensiya, tinatawag itong “Placebo effect”. Base sa pagaaral, malaking tulong sa paggaling ng pasyente ang paniniwala niya na gagaling siya sa paggamot.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.