Bakit Masarap ang Bawal? Pang-akit sa masustansya na pagkain

Medical Team
is a Medical expert in United States

Bakit masarap kumain ng mga bawal? Pero pag masustansyang pagkain ay parang hirap kainin?

Ang problema kasi sa maraming pagdiyediyeta natin ay dinadaan sa dahas. Imbes na pilitin ang sarili, pwede naman nating idisenyo ang buhay natin, para (maakit) ang utak na kumain ng mga masustansya.
 
Narito ang iilang mga teknik (pang-akit sa masustansya)
1.     Pwesto ng pagkain - Para kumain ng masustansyang pagkain at maiwasan mga junk food o nakakasama sa katawan, simple lang ang gagawin. Layuan o ilagay sa liblib na lugar ang mga pagkain na di masustansya. Halimbawa, sa taas na aparador, kung saan mas mahirap makuha. Sa kabaligtaran, ilagay naman ang mga masustansyang pagkain sa malapit o sa lugar kung saan mabilis ito abutin. Halimbawa, pwedeng ilagay ang prutas sa harapan o lamesa, para pag bilgang nagutom, ayun kaagad ang aabutin. Sa ref, ilagay ang mga masustansyang pagkain tulad ng prutas sa tapat ng mata pagbukas. At ang mga di masustansyang pagkain naman ay ilagay sa ibabang parte ng ref, o sa mga sulok sulok. Mas malaki ang tsansa na kunin mo ang masustansyang pagkain pag nasa harapan lang ng mata ang pagkain, kesa nasa ibaba, nasa mataas o nakatagong lugar. Minsan gusto natin kumain pag nalulungkot, at inaabot nalang kahit ano sa harapan. Pero pag andyan na masustansyang pagkain sa harapan, yan na lang ang kukunin mo.
2.     Gumamit ng mas maliit at mas magaan na plato. Mukang mas marami ang pagkain pag mas maliit ang plato na ginagamit, at parang mas mabilis ka mabubusog. Pag mas magaan naman ang plato, mas mararamdaman mo na marami ka na nalagay na pagkain.
3.     Hiwain ng mas maliit na piraso ang mga pagkain. Pag mas marming piraso ang pagkain, mas mabilis sabihin ng utak na busog ka na dahil marami ka ng piraso na nakain.
4.     Iwasan kumain kapag nanunuod ng pelikula, lalo na kapag nakakatakot o horror ang palabas, dahil di mo mapapansin na napapadami ka ng kain pag kabado ka.
5.     Malutong na pagkain – Mahilig tayo sa mga tsitsirya dahil masarap malutong at nakakatanggal ng stress ang pagnguya ng malulutong. Ngunit di masustansya ang mga chichirya. Pero marami rin naman masustansyang pagkain na malutong, tulad ng mansanas, cereal, mani, carrots at celery.
6.     Panghuli, wag ipagkait ang gustong kainin - Kapag may gusto kang pagkain kahit di masustansya, maaaring kumain ng pakonti-konti paminsan minsan. Dahil pag pinagkait mo sarili mo palagi, maaaring magrebelde katawan mo at kumain ng sobra sa sunod para makabawi. Halimbawa, may handaan at nakita mo na may litson baboy sa lamesa, gusto mong kumain subalit pinipigilan mo ang sarili dahil takot kang tumaba. Sa kakapigil mo kumain kahit konti, darating ang araw na di mo na matiis kaya mapapasobra ang kain dahil sa gigil.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.