Bakit nauuso ang mga mobile games sa mga kabataan ngayon?

Steph Liora
is a Student in the Philippines

Maraming dahilan kung bakit nauuso ang mga mobile games sa mga kabataan ngayon, naka lista rito ang ilan sa mga dahilan:
 
1.      Iba-iba – ginagawa nating libangan ang mga cellphone sa dami ba naman ng pwedeng gawin dito. Isa na riyan ang pagdo-download ng mga mobile games. Mula sa mga larong pang-palaisipan hanggang sa puno ng aksyon sa mga nakaka-engganyong role-playing game ay maraming pagpipilian depende sa gusto ng manlalaro.
2.      Matipid – Marami ang mga mobile games na pwede mong may-download dahil halos karamihan dito ay libre lang at pwede pa laruin nang hindi ginagamitan ng data. Maituturing ito na mas abot-kaya kaysa sa mga laro sa computer na kailangan ng mas matataas ng investments.
3.       Accessibility – Madali nang ma-access ang mga ito dahil sa smartphones at tablets na ginagamit ng karamihan sa mga kabataan ngayon. Madadala at malalaro mo ito kahit saan.
4.      Escapism – Mula sa salitang escapism mismo, na ang ibig sabihin ay napapaalis nito ang stress at problema sa mga manlalaro/kabataan sa pamamagitan ng virtual na mundo ng mobile games.
5.      Mga uso at pop culture – Maraming mga sikat na artista ang nilalagay na characters sa mga mobile games kaya ang mga kabataan ay tinatangkilik ang mga ito lalo na kung paborito nila ang mga character/artista na iyon.
6.      Pakikipag-ugnayan - Maraming mobile games ang pwede laruin nang multiplayer, ito ay nagpapalakas ng komunikasyon at interaksyon sa pagitan ng mga magkakaibigang naglalaro. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga virtual na bonding.
7.      Tuloy-tuloy na update – Madalas na naglalabas ng mga updates at bagong content sa mga mobile games ang mga gumagawa nito para mapanatili ang kaayusan at kalidad ng mga nilalaro.
8.      Madaling matutunan pero mahirap i-master – Maraming mga mobile games na  nagbibigay ng madadaling matutunan na laro pero may mga malalalim pala na mga pagsubok na dapat mong lagpasan. Pinapalakas nito ang pakiramdam ng pag-unlad at kasayahan sa paglalaro.
9.      Kumpetisyon at Ranggo – Ang mga aspeto sa kumpitensiya gaya ng mga ranggo sa leaderboard ay nagpapalakas sa diwa ng pagiging mapagkumpitensya ng mga manlalaro. Ito ay nanggaling sa gagustuhan ng mga kabataan na patunayan ang kanilang kakayahan sa larangan ng paglalaro.
10.  Mga gantimpala at nakakamit – May mga natatanggap na gantimpala sa mga natatapos na laro at pag-angat ng level sa mga palaro, ito ay nagbibigay ng pakiramdam na tagumpay sa mga kabataan. Motibasyon ito sa kanila na ipagpatuloy ang paglalaro.
 
Ang pag-usbong ng mga mobile games sa mga kabataan ay nagdudulot ng mga teknolohikal na pagbabago, accessibility, at mga sikolohikal na mga kadahilanan gaya ng entertainment, escapism, at pakikipag-ugnayan sa kapwa manlalaro. Gayunpaman, mahalaga rin na ma-maintain ang balance sa pagitan ng gaming at iba pang mahahalagang aspeto ng buhay ng kabataan dahil lahat ng sobra ay masama.

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)