Bakit pabago-bago ang Regla?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Ipapaliwanag nitong artikulo ang iilan sa mga karaniwang problema sa regla ng babae, tulad ng malakas na pagregla, irregular periods at dinudugo ng kaunti.

Ang regla o menstruation ay ang buwanang paglinis ng matris. Paraan ito ng katawan na nagsasabi na ang iyong reproductive system ay gumagana ng maayos.

Ngunit paiba-iba rin ang menstruation ng tao. Ang ibang regla ay matagal habang ang iba naman ay maikli lamang. Ang ibang regla ay malakas habang ang iba naman ay mahina.

Ngunit sadya bang may tinatawag na “normal period”?
Ang sagot dito ay wala. Ang karaniwang babae ay mayroong menstrual cycle na ang haba ay 28 days, at ang karaniwang regla ay tumatagal ng 3-5 days bawat buwan. Ngunit ang haba ng regla ay paiba-iba din sa bawat babae. Kaya, mas pagtuunan mo ng pansin kung nag-iba ba ang cycle o buwan-buwan ka ba nagkakaroon.

Ano ba ang ilan sa mga karaniwang problema sa regla?
Ang isang problema ng mga babae ay ang paghinto o pagbagal ng regla. Kung ikaw ay nakakaranas nito, ang dapat itanong mo sarili ay, “Ilang taon na ba ako?”

Ang paghinto ng menstruation ay nababatay sa edad ng babae. Kung ikaw ay 25 years old pa lamang, hindi ito normal, habang kung ikaw ay 50 anyos na, malamang normal na ito sa’yo dahil nasa menopausal age ka na.

Kung ikaw ay nasa edad 20s or 30s at aktibo sa sex, baka buntis ka.
 
Kapag huminto ang menstruation sa isang babae na nasa edad na 45 pataas, malamang ito ay dahil sa menopause. Sa menopause, humihinto ng paggawa ng estrogen ang iyong mga ovaries, na nagdudulot ng paghinto o pagbagal ng iyong regla. Kung isang taon ka nang hindi dinadatnan at nasa edad 45 ka na pataas, ikaw ay nag-memenopause na.

Ang labis na pag-ehersisyo ay makakadulot din ng pagbagal o paghinto ng regla. Ang tawag ng mga duktor dito ay exercise-induced amenorrhea, at ito ay karaniwang makikita sa mga runners at ballet dancers.
 
Kung ikaw ay nagdidiyeta ng labis, pwede ring huminto ang iyong regla.
 
Ang iba pang mga posibleng dahilan ng paghinto ng regla ay ang mga sakit sa thyroid or pituitary gland, sakit sa hypothalamus, pagpapasuso sa anak, labis na katabaan, pag inom ng oral contraceptive pills, stress, polycystic ovarian syndrome, ovarian failure at sakit sa uterus o bahay-bata ng babae.

Kalimitan nagtatagal ang regla ng 2-7 araw. Ang karaniwang bilang ng araw naman ng regla ay 3-5 days. Ang pagiiba ng kulay at lapot ng dugo ng regla ay nangyayari sa karamihan na kababaihan. Ngunit mayroon din mga problema na nagdudulot ng hindi normal na namuong dugo.
 
Tandaan na importante makipagusap sa doctor tungkol sa anumang karamdaman o problema sa kalusugan. Maging mapag-matiyag sa mga pagbabago sa iyong regla at isangguni sa iyong doktor ang mga katanungan. Palaging ilista ang panahon kung kailan ka nagre-regla at subukang ilista ang pagsisimula nito at kung ano-ano ang mga hindi mo gustong sintomas na naramdaman.



References:
National Institute of Child Health and Human Development. (2017, January 31). What causes menstrual irregularities? Retrieved from https://www.nichd.nih.gov/health/topics/menstruation/conditioninfo/causes

Office of Women’s Health. (2018, March 16). Period problems: Irregular periods. Retrieved from https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/period-problems

Cleveland Clinic. (2015, January 16). Abnormal menstruation (Periods). Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/14633-abnormal-menstruation-periods

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.