Bakit umiinit ang cellphone? Ano ang mga pwede gawin para mawala?

Steph Liora
is a Student in the Philippines
Ang ating mga cellphone ay pwedeng uminit sa maraming mga dahilan. Mayroong ilan dito na posibleng dahilan ng pag-init ng iyong cellphone.
Impact-Site-Verification: f1458e64-d407-41e4-a069-7be00cebf749 

1.      Mataas na usage
Nagdudulot ng pag-init kapag ginagamit mo ang cellphone para sa mga gawain na tulad ng gaming, video streaming, o multitasking, ang panloob na mga bahagi tulad ng processor ay nagiging aktibo nang matagal na oras. Para mawala ito ay i-pahinga mo muna ang cellphone at iwasan ang mga nabanggit na gawain.
2.      Background Apps
Ang mga apps na naka-bukas sa background ay pwedeng maging sanhi ng pagkainit. Kailangan mo i-check at isara ang mga apps na hindi naman ginagamit.
3.      Mahinang signal
Kapag ang iyong cellphone ay nasa lugar na mayroong mahinang signal, kinakailangan nito na gumamit ng mas maraming enerhiya para sa paghahanap ng network connection. Kailangan iwasan ang paggamit ng cellphone sa mga lugar na may mahinang signal o kapag hindi maiwasan ay gamitin ang airplane mode kung hindi naman kailangan ng signal para hindi uminit ang iyong cellphone.
4.      Mga isyu sa software
Ang mga software issues gaya nalang ng bugs o glitches minsan ay pwedeng maging dahilan ng pagka-init ng iyong cellphone. Para maiwasan ito, siguruhin mong updated ang operating system at mga apps ng iyong cellphone.
5.      Overheating na Battery
Kung nararamdaman mong mainit ang likod ng iyong cellphone, pwedeng nag-overheat ang battery nito. Para maiwasan, huwag sobrahan ang paggamit at huwag rin ilagay sa mataas na temperatura.
6.      Charging Issues
Kapag naka-charge ang iyong cellphone ay pwede itong uminit dahil sa proseso ng pagpapadala ng enerhiya papunta sa battery. Tandaan na huwag ito gamitin habang nagcha-charge at siguruhin na ginagamit mo ang tamang charger para sa unit mo.
7.      Hindi gumagana ang Hardware
Ang sira o malfunction sa hardware kagaya naalng ng battery o processor minsan ay pwede ring  maging dahilan ng pag-init. Kapag ganito, kailangan mo ng repair o replacement ng iyong battery.

Impact-Site-Verification: f1458e64-d407-41e4-a069-7be00cebf749

About the author

Steph Liora

Profession: Student
Philippines
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)