Bakit Wag bibili ng bagong kotse? Bat muna bibili ng bagong sasakyan?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Maaaring isa sa pinaka-pangit na pamumuhunan na magagawa mo sa iyong buhay ang pagbili ng kotse. Unang-una, kelangan namin linawin na walang masamang bumili ng kotse kung sobra ang iyong pera o mayaman ka naman. Pero kung sakto lang naman ang pera mo, o uutangin mo lang pala ang pambili, mas maganda na ipasabukas muna ang pagbili ng sasakyan. Pwera na lang kung gagamitin mo ito sa negosyo,  o meron ka ng negosyo naitayo, at kumikita na.

So kung sakto lang ang iyong pera sa pang-araw-araw o may kaunting extra cash ka na pinagiisipan kung saan gagamitin, bakit wag bibili ng kotse? Dahil pag dating sa usaping financial investment, ang sasakyan ay di magandang pamumuhunan.
 
Maraming nag-aakala kasi na parang investment ang pagbili ng kotse. Hindi po ito investment, kung di mo naman gagamitin ang kotse sa negosyo. Dahil ang kotse ay nawawalan kaagad ng halaga pagka-bili mo. Ang tawag dito ay depreciation. Di tulad ng lupa na tumataas habang tumatagal, ang kotse ay bumababa ang presyo o nagde-depreciate habang tumatagal. Halimbawa, pagkabili mo pa lang ng bagong kotse, bababa kaagad ang presyo nito ng mga 20%. Ang iba pa nga ay bumababa ng hanggang 30-50% pagkaraan ng unang taon. So halimbawa kung binili mo ang sasakyan ng 1Million, kinabukasan mabebenta mo na lang ito ng 800,000 o mas mababa pa.
 
Kung kelangan talaga ng kotse, halimbawa para sa negosyo o importante na gagamitin sa biyahe pangaraw-araw ng buong pamilya o ng maraming tao, maaaring bumili nalang ng second hand na kotse, lalo na yung ilang taon pa lang nagagamit. Sa ganun, mas makakatipid ka ng malaki. Halimbawa, kung bumili ka ng kotse na 1 taon pa lang nagagamit, walang sira at mababa lang ang mileage, malaki ang discount na makukuha mo. Isa pa, kadalasang mas mataas ang insurance rates at ang tax sa bagong kotse, kesa sa lumang sasakyan. At halos bagong bago pa lang din naman ang segunda-manong sasakyan na 1 year pa lang nagagamit.  Pagpapasensyahan mo na lang, kung di amoy bago ang kotse.
 
Dagdag pa rito, madaling pag-interesan ng iba ang bagong kotse. Kumbaga, takaw tingin sa mga carnappers o magnanakaw. Kadalasan kasi tina-target ng mga magnanakaw ang mga bagong modelo ng sasakyan, kaya’t mas kelangan pagingatan ang bagong kotse.
 
Panghuli, ang mga pinaka-bagong modelong sasakyan ay di pa subok na subok, dahil di pa na-testing o nausisa ng mga ordinaryong drayber. Kaya’t walang customer reviews o pagpuna ng iba na pagbabasehan. Samakatuwid, wala ka masyadong ideya kung matibay ba ito, o may negatibo ba sa modelong ito. Ngunit pagkaraan ng ilang taon, mas marami ka ng mababasa o maririnig na pagpapatunay kung anong modelo ang pinaka-maigi. At kung may ganito kang mahalagang impormasyon, mas makakapasya ka kung aling second-hand car ang matibay at maaasahan.
 
Sa madaling salita, kapag may konting extra cash ka, mas maigi na ipamuhunan mo na lang sa negosyo o lupa. Malamang mas tutubo pa ito kaysa sa sasakyan.  
 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.