Bakit wag kakain sa gabi? Ano ang Intermittent Fasting sa pag diyeta o After 6 diet?

Medical Team
is a Medical expert in United States

May benepisyo ba ang hindi pagkain sa gabi? Ang tawag dito ay ‘After 6-diet.’. Ang ‘After 6 diet’ ay isang diskarte sa pagdydyeta kung saan di ka kakain sa gabi mula 6pm. Kakain ka lang ulit, pag dating ng umaga ng almusal. Kilala rin ito sa tinatawag na intermittent fasting o I.F..

Sa karamihan ng mga nag-a-after 6 diet, kumakain sila ulit kinabukasan ng mga 10 am ng umaga. Samakatuwid, hindi kakain ng 16 hours sa intermittent fasting. Ngunit pwede rin ito iksian, tulad ng pag diet lamang ng 14 hours o 12 hours.
 
Kaya’t kung di mo kaya ang gutom ng ganun katagal, maaari rin mas maaga kumain. Maaari rin umpisahan ang fasting o diet ng mas maaga, tulad ng alas 5 ng hapon, para makakain ng mas maaga kinabukasan
 
Para di magsawa o magrebelde ang katawan, maaaring gawin lamang ang intermittent fasting ng 5 days o week o limang beses lamang sa isang linggo. Para may 2 days ka na day-off (kid laughs sound)
 
Natuklasan ng mga eksperto na maraming nabawasan ng timbang dahil sa after 6-diet.  Ayon sa pagsusuri ng iilang doctor, maaaring mas epektibo pa ang ‘After 6-diet’ sa pagbawas ng timbang, kaysa sa pagkain ng konting calories buong araw.
Mas mabilis din gawin ang ‘After 6-diet’ para sa maraming tao, dahil di mo na kelangan magbilang ng calories ng nakain sa buong araw.
 
Ngunit hindi bagay para sa lahat ang intermittent fasting o ‘after 6-diet’. Kapag may ibang karamdaman o hindi handa ang katawan na di kakain ng matagal, maaaring magkaroon ng aberya.
 
Tips:
Uminom ng maraming tubig sa buong araw. Kapag tuwing gustong makatikim ng panlasa, maaari ring uminom ng herbal tea, imbis na softdrinks na may calories. 
 
Para di madaling gutumin, damihan ang paglagay ng pampalasa sa pagkain, tulad ng bawang, sibuyas, spices at suka, tuwing kakain. Dahil puno ng lasa ang mga ito, mas mababawasan ang gutom ng matagal na oras, at hindi madaling gutumin agad. 
 
Babala: Bagamat maraming nagpapatunay na epektibo ang ‘after 6-diet’ o intermittent fasting, hindi ito nababagay para sa lahat. Halimbawa, kapag late ka na natatapos sa trabaho at kelangan mo kumain sa gabi. May mga tao din na mas gusto na kumain ng pakonti konti buong araw, kaysa hindi kumain ng matagal. At higit sa lahat, kapag ikaw ay may karamdaman tulad ng diabetes o hypoglycemia, maaaring hindi nababagay ang intermittent fasting para sayo. Kausapin ang iyong doctor.
 

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.