Bat po ganon nangangati po yung maselang parte ng katawan ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Bat po ganon? Nangangati po yung maselang parte ng katawan ko. Kahapon pa po siya nag start mangati. Everyday o araw araw ko naman pong hinuhugasan at sinasabunan. Bakit po?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Bukod sa pangangati may iba ka pa bang nararamdaman? May lumalabas ba na kakaiba galing sa iyong ari? Kabaliktaran sa ating alam ang sabon ay hindi magandang panglinis ng ari dahil natatanggal nito ang bacteria na pumoprotekta dito. Mas mainam na gumamit ng panlinis katulad ng ph care o lactacyd na nakakatulong linisan ang ari nang hindi natatanggal ang normal bacteria.
Cherry Roda
is a Barista in the Philippines
Hi po. May tanong lang po sana ako kasi last last month po yung period ko takes 7days which is usually 3 or 4 days lang. tapos po ngayon delayed na po ako. I feel po hungry always po kahit kakain ko lang tapos masakit po tiyan ko minsan din yung puson ko. Hirap din po ako sa pag hinga lalo na po pag nakahiga ako sa nakahapa kailangan nakatagilid po ako. And ngayon po hirap po ako sa pag discharged po ng dumi. Kanina po I thought mag popo ako pero pag tingin ko po wala meron pong white na parang saliva na hindi ko po ma explain kong bakit ganun. I am confused po I badly need your reply po. Thank you
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Maaring ikaw ay nago-ovulate. Kung ang nakita mo ay mala-sipon ay ibig sabihin nito ay ikaw ay fertile at maari kang mabuntis kung ito naman ay mala-keso ay ibig sabihin hindi ka nagoovulate at maaring padating na ang dalaw mo.
Cherry Roda
is a Barista in the Philippines
Kahit po wala pa po akong period last month po? Pwede pa rin ba akong mag ovulate kahit wala pa akong period last month?
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Stressed ka ba, Umiinom ng pills, gumagamit ng contraceptions,o may sakit sa thyroid? Maraming dahilan ang pagkadelay ng period hindi lamang ang pagbubuntis lalo na kung ikaw ay gumagamit naman ng contraception.
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Maaring delayed ang period mo dahil nadelay ang ovulation mo dahil sa isa sa mga sinabi ko sa taas.
Cherry Roda
is a Barista in the Philippines
Hindi naman po ako stress wala po akong work. Tapos hindi rin po ako umiinom ng pills or even contraceptives hindi rin po. Wala rin po akong sakit sa thyroid po. Kaya po na confuse po ako kon ano po ba talaga kon pregnant po ba ako or hindi.
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Nagpregnancy test ka na ba? Simula ba ng nagkaron ka ng period regular na ito dumadating buwan-buwan? May pagkakataon ba na nangyari na din to dati?
Cherry Roda
is a Barista in the Philippines
Hindi pa po ako naka pag pregnancy test po. And yes po every month po ako nagkakaroon ng period hindi lang siya sa exact date pero every month naman po. Tapos po noong May it takes 7 days yung period ko. Which is 3 or 4 days lang yung period ko.
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Kung ganun po maganda kung makapagpregnancy test ka agad. Yung period mo ba nung May gaano kadaming pads ang nagagamit mo sa isang araw?
Cherry Roda
is a Barista in the Philippines
Ano po mga 4 ata kasi pag gabi na hindi po ako gumagamit ng pads po.
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Kung ang lumabas sa pregnancy test mo ay negative. Mainam na ikaw ay magpakonsulta na sa doktor upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkadelay ng period mo dahil marami itong pwedeng sanhi.
Cherry Roda
is a Barista in the Philippines
Hi po doc nag pt po ako kanina pero negative po siya.
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.