LEO AT CANCER
Kapag nagsama ang Cancer at Leo sa isang tambalan ng pag-iibigan, nauunawaan nila at alam nila kung paano matutugunan ang mga pangangailangang emosyonal ng isa’t isa. Ang parehong sign na ito ay nangangailangan ng tapat at maarugang pagmamahal. Ngunit habang ang hinahanap ng Cancer ay katatagan at emosyonal na pagkakasundo, ang nais naman ng Leo ay taos-pusong papuri at tapat na paghanga. Pareho silang tunay na matapat, na umaabot sa punto ng pagiging mapang-angkin. Sa bahagi ng Cancer ay dahil sa kagustuhan ng seguridad, at sa bahagi ng Leo ay dahil sa kagustuhan magkaroon ng tiwala sa sarili. Pareho din silang tapat sa tumatagal at kapakipakinabang na ugnayan. Dahil magkapareho ang kanilang mga kagustuhan, kayang punan ng bawat isa ang mahahalagang kakulangan sa buhay ng isa’t isa.
Parehong mas gusto ng Leo at Cancer ng kaginhawahan at seguridad sa antas na hindi lamang pangkaraniwan. Ikinasisiya ng Caner at Leo ang magandang tahanan at malapit na relasyong pampamilya. Ibinibigay ng Leo ang likas na talino at damdamin, at dala naman ng Cancer sa tahanan ang sensitibo ngunit malakas na katangiang mapag-aruga. Ang Leo ang mas malaki, mas matapang, at mas matingkad sa relasyong ito—isang larawan ng kamaharlikaan at mataas na katayuan. Dahil pareho silang malakas ang pag-iisip, kailangan nilang palaging pagsikapan ang pag-unawa at pagtanggap sa isa’t isa.
Nagsisikap ang Leo gamit ang masigasig na enerhiyang naghahangad ng pagpuri at pagpapahalaga, habang ang Cancer ay naghahanap ng seguridad at katatagan. Gusto ng parehong sign na siya ang masunod, ngunit ang kanilang mga tungkulin sa pamumuno ay lubhang magkaiba. Maaaring walang pagtatalong maganap dahil sa pagkakaibang ito. Hangga’t hindi pinababayaan ng Cancer at Leo ang kanilang relasyon, hangga’t tinitiyak nila sa isa’t isa sa praktikal at romantikong paraan na ang kanilang relasyon ay mahalaga sa bawat isa, malamang na makahanap sila ng paraan upang maging masaya. Kapag napapagod, nagiging mataas ang pagkilala ng Leo sa sarili at tumitigas ang kanyang ulo, at maaaring maging tusong mapagkontrol na pwersa ang Cancer. Ang Cancer ang matiyagang tagapagsimula ng mga pinagsasaluhang plano, ang inilalagay naman ng Leo ang kanyang enerhiya at kumikilos upang isagawa at tapusin ang mga plano. Kung bibigyan ng pamimilian, pipiliin ng Alimango ang kalmado at matatag na buhay, nang hindi nangangailangan ng pagkilala. Ang Leo, sa kabilang banda, ay gustung-gustong paguluhin nang kaunti ang mga bagay-bagay at niyayakap ang hindi inaasahan at makabago. Bagama’t maaaring maglaan ng maraming emosyon ang dalawa sa relasyon, ang bawat isa sa kanila ay kayang magpatuloy na sundin ang kanilang natural na instinct AT iukol ang kanilang mga sarili nang buo sa isa’t isa.
Gayunman, kung hindi nila inilinaw ang kanilang mga hangarin sa pag-ibig sa isa’t isa, maaari silang magkaroon ng walang-tigil na kaguluhan sa relasyon. Ang Cancer, na nagtatago sa kanilang inosenteng shell, ay kayang tahimik na kumontrol sa relasyon at sa isang antas ay manipulahin ang Leo kapag kinakailangan.
Ano ang pinakamagandang aspeto ng relasyong Cancer-Leo? Ang kanilang mutwal na katapatan sa dalisay na relasyon. Kapag magkasama, kayang nilang magkaroon ng nagsusuportahan, positibo at malusog na pananaw sa buhay. Nakikita sila ng mga tao bilang napakagandang kombinasyon, at itinutulak sila ng kanilang mutwal na hangarin para sa matatag at mapagmahal na relasyon na magsikap upang magkasundo.