Bagay ba Taurus at Cancer? Sino makakatuluyan ko? Sino kapalaran tadhana

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

TAURUS at CANCER

Karaniwang isang mabuting kombinasyon kapag nagsama ang Taurus at Cancer sa pag-iibigan. Sila’y nakahiwalay ng dalawang posisyon sa Zodiac, at ang mga signs na ito’y nagbibigayan ng karmic ties at malalim na pagkakaunawaan. Sila’y may mga pagkakapareho: pinahahalagahan nila ang seguridad sa isang relasyon sa anumang bagay; pareho silang mapagbigay (ang cancer ay emotionally nurturing habang si Taurus ay gustong-gustong napapaligaya ang kanilang partner sa mga sensual na kaligayahan, mga regalo, pagkain). Gusto nila ng tahimik lang at manatili sa tahanan sa gabi kasama ang kanilang sinta.


Ang Taurus-Cancer na pares ay masaya dahil pareho nilang binabahagi sa isat’ isa ang seguridad at pagiging komportable. Gusto nila ang matatag na pagsasamahan, isang malakas na relasyon, mga ari-arian, masarap na pagkain: mga bagay sa simpleng pamumuhay. Kanila ang ideyal na pamilya na gustong makamtan ng ibang Signs, may matatag na samahan sa pagitan nila, at isang relasyong family-oriented kesa nakatuon lamang sa ibang bagay sa mundo. Ang pinaka problema nila ay kapag maging mapagpumilit si Taurus sa kanyang mga gusto at walang gagawin si Cancer kundi magmukmok. Kailangang maintindihan ni Taurus ang pagiging emosyonal na sensitibo ni Cancer, at kailangan din ni Cancer na maging open, at magkaroon ng honest communication kay Taurus kesa gumamit ng emotional blackmail.


Karaniwang sinasarili ni Cancer ang kanyang emosyon, na maaaring maging resulta sa pagkapuno minsan. Kaya gusto nila ang pagiging bukas, tapat, at tapang ng Taurus. Sentimental din si Cancer, at mas gusto ng dalawa ang magsama kesa makisalamuha sa iba.


Ang Taurus ay Earth sign at ang Cancer ay Water Sign. Bagay ang Water at Earth bilang tangible, physical entities. Bilang Water Sign, ang Cancer ay ipinanganak bilang alagaan ang isang Earth Sign gaya ng Taurus, tulad ng pag-aalaga ng ulan sa lupa at magpatubo ng mga pananim. Sa kabaligtaran, ang Taurus ay stable ang paningin sa buhay kesa sa Cancer, at malimit magkaroon ng mga problema sa emosyon. Kailangang maging maingat ng dalawa sa kanilang relasyon: maaaring mapuno ang Taurus sa pagkakaroon ng mood swings ng Cancer, at ang Cancer naman ay mararamdamang insensintibo si Taurus sa kanilang mga pangangailangan.


Ang Taurus ay Fixed Sign at ang Cancer ay Cardinal Sign. May mga fixed habits ang Taurus; hindi sila pabago-bago ng isip lalo na pag buo na ito. Ito’y magbibigay ng solid na seguridad sa Cancer, dahil ang Taurus ay buo ang dedikasyon sa kanilang relasyon. Si Cancer naman ay magbibigay ng inspirasyon at magsimula ng mga bagay na magugustuhang matutunan ni Taurus sa di kalaunan.



Ano ang pinakamagandang aspeto sa kanila? Ito’y ang matibay, maaasahang pagsasama na nagagawa nila. Ang dalawang Signs ay parehong maaasahan at maalaga, at may matibay na kagustuhan sa simpleng pamumuhay na magkasama. Ang kanilang gusto sa buhay at seguridad ang ideyal na pangmatagalan, buhay-pamilya na pagsasama.


About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.