GEMINI AT LIBRA
Kung magsasama sa pag-iibigan ang Gemini at Libra, maaasahan nila ang magandang relasyon na nakabase sa intelektwal na mga interes at bilis sa pag-iisip. Gustong-gusto ng Gemini ang balanse ng Libra, at nae-engganyo ang Libra sa katalinuhan ng Gemini. Gusto ng Libra ang sining at kagandahan nito habang gusto ng Gemini ang kagandahan ng isang ideya, at ang mga kagustuhang ito ay hindi nalalayo sa sa bawat isa. Parehong may mental na enerhiya ang dalawa. Naiisip nila ang halos lahat nga bagay kung gagawin nila itong magkasama, alisto ang Libra sa paggawa ng mga bagay, isang kalidad na medyo wala sa Gemini. Mas magaling ang Gemini sa pag-iisip kaysa sa gawa, ngunit itoy mahalaga naman sa pag-iisip ng Libra. Parehong ngangailangan ng kalayaan sa pag-isip ang dalawa, na maibibigay naman nila sa bawat isa.
Bagay ang dalawa; naiko-combine nila ang pwersa ng pagmamahal at komunikasyon. Habang pinahahalagahan ng Libra ang pagkakasundo sa kanilang mangingibig sa lahat ng bagay, hindi masisingit ng Gemini ang kanilang hilig sa pakikipag debate ng madalas; mas gugustuhin ng Libra ang ibang bagay kayasa makipag-away.
Nagugustuhan ng Gemini ang enerhiya ng Libra at kayang makipagsabayan dito sa anumang bagong bagay o ideya. Parehong maraming interes, naibibigay nila sa bawat isa ang magagandang usapan tungkol dito.
Nais ng Libra ang maging lider sa isang relasyon. Mas may ideya sila halimbawa sa mga date, at ang flexible na Gemini ay sang-ayon dito-- basta kaya nilang baguhin ang kanilang isip sa huli. Nagkakaroon ng problema ang Libra na tapusin ang mga bagay na nasisimulan nitong gawin.; at adaptable naman ang Gemini, kaya nitong magbago ng isip para sa ibang bagay kung nakikita nitong hindi na ito gusto ng Libra.
Ang pinakamagandang aspeto sa relasyong Gemini-Libra? Ang kanilang abilidad bilang maging isang intelektwal na magkapareha. Nai-expose nila ang bawat isa sa mga bago at magkaibang pananaw at interes, at tintulungan ang nila ang bawat isa buksan ang kanilang magkaibang mundo.