Ikaw ay makakaranas ng maraming problema sa mga interpersonal mo na relasyon tulad ng mapagbintangan o magtrabaho ng mabuti ngunit hindi ito bumunga dahil sa isang taong sisira ng iyong interes ng hindi mo alam.
Buti na lang at ikaw ay bibiyayaan ng maswerteng bituin kaya ang pangkabuuang impact ay hindi magiging seryoso. Ang mga lalaking Aso ay magkakaroon ng ibang swerte kumpara sa mga babae.
Pera
Ikaw ay makakakuha ng maraming pera dahil sa basbas ng maraming maswerteng bituin at ikaw ay magkakaroon ng maraming oportunidad para makakuha ng pera dahil sa pagbubuti sa trabaho. Ang mas maganda pa, ikaw ay masinop sa paggamit ng pera kaya hindi ka mag-iinvest sa delikadong investments ng basta basta kaya magiging mas maabilidad ka sa pag-ipon ng pera. Ang tanging problema ay ang pagsakit mo sa iba. Sabi nga na ang posibleng pagkawala ng pera ay dahil sa mutual harming. Para maiwasan ang impluwensya nito, kailangan mong tandaan na huwag maging sakim at umakto nang naaayon sa iyong kakayahan. Kung iyong maoobserbahan sa taas, hindi ka magkakaroon ng malas sa pera.
Karera
Ang mga aso ay pangkalahatan na magkakaroon ng magandang swerte sa karera dahil sa basbas ng maswerteng mga bituin. Ikaw ay magkakaroon ng napakaswerteng kapalaran sa isang benefactor at kailangan mong gamitin ng mabuti ang iyong interpersonal relationship para makakilala pa ng mga kaibigan mula sa iba’t-ibang pinanggalingan sa buhay, para makuha ang kanilang tulong at matutunan ang pinakabagong impormasyon mula sa industriya. Ngunit ikaw ay dapat maging maingat sa mga kontrabidang sasaksak sa iyo mula sa likod.
Ang mga lalaking Aso ay magkakaroon ng magandang swerte sa benefactor at makakakuha ng maraming oportunidad sa pagbubuti ng karera basta mayroon kang normal na interpersonal relationship. Para naman sa mga babae, kailangan mong magtrabaho pa ng mabuti para maiwasan ang pagbaba ng performance mo sa trabaho at magbigay pa ng effort para maiwasan ang malas.
Pag-ibig
Sa ilalim ng basbas ng maswerteng bituin na may hawak sa buhay pag-ibig ng tao, ikaw ay magkakaroon ng mabungang kapalaran sa opposite sex, lalo na sa mga single na babaeng Aso. Ang mga lalakeng Aso ay malabong magkaroon ng estableng swerte sa opposite sex at makakaranas ng setback sa pag-ibig. Parehong ang lalaki at babaeng Aso ay kailangang pagtuunan ng pansin ang hindi paborableng mga kaibigang opposite sex na dulot ng napakagandang swerte sa opposite sex, lalo na sa inyong kasal na babaeng Aso na kailangang bigyan ng atensyon ang mga third party. Kung may lalaking may crush sa iyo, kailangan mo siyang tanggihan agad at ipakita ang iyong katapatan sa iyong asawa at pag-ibig kesa sa maging malabo ka sa kanya o baka mabiktima ka ng iyong kagagawan.
Kalusugan
Sa 2017, kayong mga aso ay magiging mababa ang enerhiya at walang interes sa mga bagay sa bulay. Madali kang magkakaroon ng kaunting problema sa buhay at trabaho at magiging mas sensitibo kay madali kang maghihirap dahil sa mga inimagine mong takot. Ikaw ay pinapayuhang magpakawala ng emosyon mo sa mga maayos na paraan tulad ng pagtakbo, pag-akyat, pagkanta at makipag-usap ng mas maayos sa iyong mga kaibigan sa araw-araw. Masasabi mo ang iyong problema sa kanila, o magkakaroon ka ng problema sa pag0iisip dahil sa pagbubuo ng masamang mood. Dagdag pa, kailangan mong maglaan ng atensyon sa kalusugan ng iyong pamilya dahil hindi ka magkakaroon ng swerte. Lalo na sa mga matatandang kapamilya na madaling maaaksidente, kaya kailangan mo laging ikonsulta ang kanilang kalusugan, dalhin sa doktor agad-agad kapag hindi maganda ang kanilang pakiramdam at laging ipakonsulta ng regular.