Matagal ng walang trabaho ang Inhinyero, hindi din siya natatanggap sa mga kompanyang kanyang pinapasukan. Nagpasya siyang magpatayo na lamang ng klinika para may makakain siya. Naglagay siya ng karatula sa labas ng kanyang klinika, “ konsultasyon sa halagang LIMANGDAANG PISO, kapag hindi gumaling ibabalik sa halagang ISANG LIBO PISO”.
Habang naglalakad ang doctor nadaanan niya ang klinika ni Inhinyero. Nagulat siya sa kanyang nabasa sa labas ng pinto nito. Natuwa din siya dahil pagkakataon niya ng kumita. Pumasok ang doctor sa klinika ng inhinyero.
Doktor: Nawalan ako ng panlasa, hindi ko na malasahan ang mga pagkain.
Inhinyero: Nars, pakikuha ng gamot galing sa kahon numero 15 at patakan mo ang pasyente ng tatalong patak.
Doktor: Pwe…Bakit Gasolina ang pinatak mo sa bunganga ko????
Inhinyero: Naku! Congrats bumalik na ang panlasa mo. Limang daang piso lang ang bayad.
Sobrang nainis ang doctor dahil imbes makapera ay siya pa ang nawalan. Ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang doctor. Ilang araw ang makalipas bumalik siya sa Klinik.
Doktor: Nagka-amnesia ako, wala akong maalala kahit na ano.
Inhinyero: Nars, pakikuha ng gamot galing sa kahon numero 15 at patakan mo ang pasyente ng tatalong patak.
Doktor: Wait…wait… gasolina yan ah…
Inhinyero: Congrats ulit, bumalik na ang memorya mo. Limang daan piso lang ang bayad.
Galit na lumabas ng klinika ang doctor. Sa gustuhing mabawi ang pera naibayad, bumalik siya ulit kinabukasan.
Doktor: Magandang umaga, napansin ko na ang mga mata ko ay lumalabo na. Hirap na akong makakita.
Inhinyero: Pagpasensyahan mo na po pero wala po kaming gamot para sa mga lumalabong mata. Ito, kunin mo ang isang libong piso.
Doktor: Pero….teka…Eh limang daan piso lang to ah!!
Inhinyero: Congratulation, bumalik na ang paningin mo, malinaw na ang mga mata mo.Para dyan limandaang piso lang ang konsultasyon.