Ang bilis lang ng panahon at ngayon dalawang taon na ako dito sa Saudi at pauwi na sa Pilipinas. Sobrang saya ko kasi maraming mga bagay at biyaya ang dumating sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Parang kelan lang ang dating pinapangarap ko sa buhay ngayon ay nasa kamay ko na, nasa harapan ko na.
Sabi nga nila kapag may tiyaga may nilaga. Kailangang paghirapan upang makamit ang mga pangarap. Maraming maraming salamat po talaga. Sa wakas ito na siya, nakapagpundar nap o ako ng cellphone na may napakalinaw at mabilis na camera. Hehehehe