Humalakhak sa tuwa, sumakit tiyan sa kakatawa at kalimutan ang problema. Narito ang mga pinakatakakatawang tuksuan ng estudyante at guro:
1. Estudyante: Ma’am, tingin ko di dapat zero lang nakuha dito sa test.
Teacher: Sang ayon ako. Kaya lang yan na ang pinakamababang score na maibibigay ko eh!
2. Sa classroom, itinuturo ng guro ang kahalagahan ng bokabularyo.
Teacher: Gamitin ang isang salita ng sampung beses, at magiging sa iyo na ito habang buhay.
Sa likod ng klase, may isang mahinang boses ng lalake ang maririnig: Jenny, Jenny, Jenny, Jenny, Jenny…
3. Guro: Bakit meron kang bulak sa tenga, Allan?
Estudyante: Kasi po ang dami ninyong sinasabi na pasok sa isang tenga at labas sa kabilang tainga. Kaya po hinarangan ko para hindi makawala!
4. Estudyante: Teacher, paparusahan ninyo po ba ako sa isang bagay na hindi ko naman po ginawa?
Guro: Siyempre naman hindi.
Estudyante: Salamt po. Kasi hindi ko po ginawa assignment ko!
5. Si Junior ay isang batang estudyante ang mababa ang grades sa eskuwela. Isang araw, lumapit si Junior sa kanyang guro.
Junior: “Ayaw ko pong takutin kayo, pero sabi po ng mama ko, kapag di raw tumaas grades ko, may mapapalo.”
6. Guro: Kumopya ka sa paper ni Ben, ano?
Estudyante: Paano po ninyo nalaman?
Guro: Sabi sa test paper ni Ben “Di ko alam”, at ang nilagay mo sa papel mo “Di ko rin alam.”
7. Teacher: Pedro, alam mo naman na hindi maaaring matulog sa klase.
Pedro: Alam ko po, ma’am. Pero kung tatahimik lang po kayo sana ng kaunti, maaari po sana.