BABALA: Nagbigay ng babala ang lahat ng istasyon ng TV at balita tungkol sa umano’y may nadiskubre nag mga siyentipiko-scientist ng nakakamatay ng ahas. Paniwala ng marami nanggaling ahas sa isang matapang at matalinong uri na reptilya. Ayon sa National Geographic ang ahas na ito ay haumahaba ng 0.6cm tuwing kumakain. Ayon pa sa mga siyentipiko mabilis ang metabolism ng ahas na ito, dahil halos wala pang 30 minuto ay gutom na naman ito.
Ang ganitong uri daw ng ahas ay hindi basta basta natatablan ng sandata, ang katawan daw nito ay parang goma na kapag binaril o sinaksak ay tumatalbog lang ang sandata o bala ng baril. Mamamatay lang daw ito kapag nakagat ang sariling katawan. Hanggang ngayon patuloy sa pananaliksik ang mga scientist kung paano mapatay ang nasabing ahas.
Ayon pa sap ag-aaral ito daw ay ang pinakamakamandag at nakakamatay na ahas sa kasaysayan ng mundo. Ayon pa sa eksperto matatagpuan ang ahas na ito sa Nokia 3310. Tingnan sa option ng mga laro.
Maraming salamat po sa pagbigay ng oras sa pagbabasa. Hehehe