Pinakanakakatawang Jokes Kabit Kalaguyo Manloloko Asawa Funniest biro mistresses

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Narito ang mga pinaka nakakatawang biro, patama sa mga may kabit, kalaguyo o pangalawang asawa.

Para rin ito sa mga manloloko o linoloko ang kanilang asawa. Funniest jokes about mistresses:

1. Gustong malaman ng isang lalake kung ang asawa at kabit ba niya ay tapat sa kanya.

Kaya napagisipan at nagpasya siya na ipadala sila parehas lumakbay sa isang parehong cruise ship o barkong pampasahero. Pagkatapos, kunwaring itatanong niya sa kanilang dalawa ang inasal ng bawat isa.

Paguwi ng kanyang misis, kunwaring itinanong niya ang inasal ng isang pasaherong alam naman niya na kabit niya.

Misis: Ang landi niya! Halos lahat ng lalake sa barko ata linandi niya e!

Nalunggot ang lalake at nakipagkita sa kanyang kabit. Kunwaring itinanong naman niya tungkol sa ikinilos ng isang pasaherong alam niya na ay kanyang asawa.

Kabit: Mukang desente siya at kagalang -galang.

Lalake: Bakit mo nasabi?

Kabit: Kasama lang niya ang asawa niya. Palagi silang magkasama at hindi niya ito hinihiwalayan.



2. Paguwi ni Sarah, nakita niya ang kanyang asawa na nasa kama nila na may kasamang babae.

Sarah: Walang hiya ka talaga! Paano mo nagawa sa akin ito! Maghiwalay na tayo!

Eric: Sandali lang! Hayaan mo muna ako magpaliwanag.

Sarah: Sige, pero huling beses na kitang papakinggan!

Eric: Ganito kasi yan, nag-drive ako pauwi nang makita ko ang isang babae na pumara sa akin. Muka siyang nakakaawa kaya ipinasakay ko siya sa kotse.

Napansin ko rin na ang payat niya at ang sabi niya 3 araw na siyang di kumakain. Sa awa ko, inuwi ko siya dito at ipinakain ko sa kanya ang fried chicken na ibinili ko sayo kagabi na hindi mo naman kinain, dahil sabi mo tataba ka. Hay, nakakaawa talaga ang dalaga at saglit lang nilamon at naubos kaagad ang pagkain.

Pagkatapos napansin ko rin na medyo madungis siya at kelangan maligo. Kaya sinabi kong pwede siyang maligo. At napansin ko na butas-butas ang mga damit niya, kaya pinasuot ko sa kanya ang pantalon na binili ko sa iyo nuon pero hindi mo sinuot kasi sabi mo masyado masikip. Binigay ko na rin yung panty na binigay ko sa iyo nakaraang taon, na di mo naman ginamit kasi sabi mo wala akong taste.

Huminga ng malalim si Eric at itinuloy: Sobrang pasalamat ng babae at nang hinatid ko siya sa pintuan, sabi niya sa akin ng may luha pa sa mata: ‘Sir, meron ka pa bang ibang hindi na ginagamit ng iyong asawa?’

Hehehe!

 


3. Nakipagkita ang isang lalake sa kanyang kabit isang gabi at sinabi ng kabit na mas gusto niya na walang bigote at balbas ito sa mukha.

Kabit: Leo, ayaw ko sa bigote mo. Pero mas type ko sa lalake yung clean cut at walang balbas.

Leo: Pero gusto ng asawa ko itong balbas ko. Magagalit yun kapag inahit ko itong balbas ko.

Kabit: Sige na love, gusto ko talaga ng malinis ang mukha at walang buhok.

Leo: Sige na nga!

Bumigay din si Leo sa gusto ng kanyang kabit at nagahit ng balbas sa mukha. Nung gabing iyon paguwi niya sa bahay nila ng asawa niya, dahan dahan siyang humiga sa kama, dahil tulog na ang kanyang misis. Nagising ang asawa ni Leo at kinapa ang mukha niya.

Misis: Mario, hindi ka dapat andito! Pauwi na mister ko!

Aray ko!

 


4. Pinagdiriwang ni Lolo Jose at Lola Delia ang kanilang ika-50 wedding anniversary.

Lolo Jose: Mahal kong Delia, nagtataka lang ako, sa tagal tagal natin, may panahon ba na pinagtaksilan mo ako?

Lola Delia: Mmm…mahirap magsalita… O sige, total matagal na rin naman tayo at dapat maging honest…3 beses.

Lolo Jose: Ha? 3 beses? Kelan nangyari mga yan?

Lola Delia: Naalala mo ba nung dumating isang araw ang president ng bangko at in-approve kaagad ang utang natin sa bangko ng walang sabi sabi?

Lolo Jose: Ah, talaga, ginawa mo yun Delia? Para sa kinabukasan natin? Ang laki ng sakripisyo mo para sa atin, Delia. Kelan naman yung pangalawa?

Lola Delia: Naalala mo nung inatake ka sa puso nun at wala tayong pera pang-opera? Naalala mo biglang dumating si Dr. Santos at binigyan tayo ng napakalaking discount sa operasyon at gumaling ka kaagad?

Lolo Jose: Ah. Talaga? Ganyan mo ako kamahal, at binigay mo sarili mo para lang mabuhay ako? Mahal na mahal mo talaga ako, Delia. At kailan naman yung pangatlo?

Lola Delia: Naalala mo nung kamakailan lang nung gusto mong maging president ng inyong school alumni batch at kulang ka nalang ng 15 boto para manalo ka?

Ngek! Labin-lima!

 


5. May dalawang abogado ang kumuha ng isang maganda at batang secretary. Pinagpustahan ng dalawang abogado kung sinong unang makaka-score sa secretary.

Pagkaraan ng ilang linggo, naka-score din ang unang abogado sa secretary. At gusto ngayon malaman ng pangalawang attorney kung ano ngyari.

Abogado 2: O, kamusta? Ayos ba?

Abogado 1: Mas magaling ang asawa ko.

Pagkaraan ng ilan pang buwan, naka-score din si Abogado 2 sa secretary.

Abogado 1: Ano, kamusta? Ok ba?

Abogado 2: Tama ka nga.

Bistado!

 


6. Nagkwekwentuhan ang 3 magkakaibigang babae: Isang malapit na ikasal, isang may asawa at isang kabit. Napagusapan nila na susubukan nilang sorpresahin ang kanilang mga lalake ng pagsuot ng sexy underwear. Pagkaraan ng ilang araw nagkita ulit ang 3 magkaibigan:

Babaeng malapit ikasal: “Nung isang gabi, paguwi ng boyfriend ko, nakita niya ako naka sexy lingerie at panty. Sabi niya sa akin: ‘Mahal na mahal kita at ikaw lang ang babae sa buhay ko.’ Pagkatapos, nag-sex kami magdamag.”

Babaeng kabit: “Pumunta kami nung isang gabi sa motel. May suot akong jacket at sexy panty at bra lang sa loob. Pag bukas ko ng jacket para ipakita sa kanya, lumaki ang kanyang mata, wala siyang sabi sabi at tuloy diretso na lang nakipag make love sa akin buong gabi.”

Babaeng may asawa: “Pinatulog ko mga anak namin dun sa nanay ko nung isang gabi. Nag-ayos ako ng sarili at nagsuot ng super sexy na underwear na binili ko. Paguwi ng asawa ko galing trabaho, kinuha niya agad ang remote control ng TV, kumuha ng beer sa ref at agad inubos ito at sinabi, ‘Uy, isa pa nga…’”


Deadma?

About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.