TOP 10 JOKES O MGA NAKAKATAWA

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Mga nakakatawa na siguradong matanggal ang stress ninyo, makalimot sa problema at mawala ang wrinkles sa mukha.


1. 1. SI JUAN SA MATH SUBJECT


Teacher: Okay class 1+3?

Juan : Teacher ako po! Sabay taas ng kamay.

Teacher: Hmm..Pedro anu sagot?

Pedro: 4 po ma’am.

Teacher : 3 +1? Ohh ikaw Juan anu ang tamang sagot.

Juan : Napakamot sa ulo. Ayan na! Ayan na! Kapag mahirap sa akin!!


2. LALAKING NGONGO HABANG NAKIKIPAGSEX SA ASAWA


Lalaking ngongo : muk’a mo mapute!

Asawang babae : di naman, eh!

Lalaking ngonngo : muk’a mo mapute!

Asawang babae : di nga sabi mapute, eh!

Lalaking ngongo : ang abi ko, muk’a mo mapute!! (galit na)

Biglang sumagot ang kanilang anak na nasa kabilang kwarto lang.

Anak : Ma, ang sabi ni papa “IBUKA MO DAW MABUTI”. Mga istorbo talaga kayo sa pagtulog ko!!!


3. PROBINSYANANG GIRLFRIEND


Ang probinsyanang babae habang kausap ang kaibigan.

Inday : alam mo frend, nagdinner kami kagabi ng boyfriend ko.

Frend : Talaga? Saan naman?

Inday : sa isang malaking resto at ang dami pang choices, sobrang naimpress nga ako eh.

Frend : wow kainggit nman, anu name ng resto?

Inday : ang laki pa ng name mabuti natandaan ko, FOODCOURT.

Frend : ammffff....


4. PANGARAP NI JUAN


Teacher : class ano ang pangarap nyo paglaki?

Juan : Ang pangarap ko po ay makapagtrabaho at kumita ng $20,000 kada buwan, tulad ng tatay ko.

Teacher : WOW!! $20,000 kada buwan, ang sweldo naman ng tatay mo?

Juan : Hindi po! Yan din po ang pangarap niya!


5. ATTENTION SA MGA PALAINUM NG ALAK


Salamat! Sa araw araw na pag-inum...at dahil dyan may promo ang REDHORSE. Para manalo? Bumili lang ng redhorse araw araw. At magregister.

TYPE: “AMBULANCE”and send to 5050

Makakakuha ka ng premyong colored TB, BRAND NEW KABAONG, TINAPAY AT UNLIMITED NA KAPE gabi-gabi. Libre hated sa SEMENTERYO, kaya anu pa ang hinihintay niyo mga kakusa!! Sali na!! Now na!!

See LAPIDA for more details (R.I.P)

I-tag o i-share mo sa mga lasinggero at lasinggera......


6. NGONGONG NAGBABANTAY NG PARKING AREA


Sigaw ng ngongo : “a-asya...a-asya”

Atras din ang driver

Sigaw ulit si ngongo : “a-asya...a-asya”

Todo atras pa din ang driver

Nang bigla may malaking KALABOG, sumalpok ang truck.

Galit ang driver na bumaba ng truck : Akala ko ba kasya bakit nabangga pa ako huh!!!

Nang pumunta ang driver sa likuran ng truck upang tingnan kung anu ang nabangga niya, meron pala puno ng akasya.


7. ISANG ARAW SA TINDAHAN


Lalaki : tao po! Tao po!

Tindera : anu yun?

Lalaki : ate may load ba kayo?

Tindera : meron, magkanu papaload mo?

Lalaki : pwede po bang patxt?


8. KUTO SA ULO


Pasyente : Doc anu po ang gamot sa kuto?

Doctor : Anu ba ang sakit ng kuto mo?


9. ANG MAYAMANG MATANDANG BABAE AT ANG INOSENTENG MANAGER


Isang araw pumunta sa bangko ang mayamang babae para ideposit ang 5,000,000.00. Lumapit siya sa clerk na andun.

Clerk : Magandang umaga po ma’am.

Matandang babae : Magandang umaga din, balak ko na magdeposit dito ng limang milyong peso. Pero bago yan gusto ko makausap ang manager mo.

Clerk : Wala pong problema ma’am, sasamahan ko po kayo.

Dinala ng clerk ang matandang babae sa manager niya.

Manager : So ma’am magdedeposit kayo ng malaking halaga sa aming bangko,malaking karangalan po sa amin at kami po ang napili ninyo.

Matandang babae : Actually, marami akong bangko at isa kayo sa napili kong pagdepositohan ng 3% ng kita ko araw-araw.

Manager : Wow!! Napakayaman niyo naman po pala ma’am, anu po ba ang pinagkakakitaan niyo?

Matandang babae : GAMBLING

Manager : Gambling??? Paanu po?

Matandang babae : Bigyan kita ng example

Manager : Okay, makikinig po ako.

Matandang babae : Pupusta ako ng 10 Million pesos na square ang shape ng balls mo.

Manager : Huh?? (gulat) ibig mo sabihin ang balls ng kuwan ko? (sabay turo sa harapan niya). Niloloko mo lang ako.

Matandang babae : Hindi, seryoso ako sa sinabi ko.

Manager : Sige! Ipapakita ko po sa’yo pero kukunin ko ang 5 Million pesos mo.

Matandang babae : Ooopppss... Huwag sobrang bilis, ipapakita mo sa akin sa pamamagitan ng PAGHAWAK ko dito, at magkakaroon ng witness ang aking lawyer para masigurado na ang lahat ng ito ay legal.

Manager : Ohhh.. sure! Wala pong problema, bukas na lang po ng umaga.

Siguradong-sigurado ang manager na siya ang mananalo dahil alam niya na hindi square ang “balls” niya at walang lalaki na square ang balls nito.

Kinabukasan...

Matandang babae : Okay, manager kasama ko na ang lawyer ko, ipakita mo na ang “balls” mo. Huwag ka mag-alala hindi naman ako interesado sa ari mo, balls lang ang hahawakan ko.

Manager : Okay, ito na po. (sabay hubad)

Hinawakan ng matandang babae ang “balls” ng manager at bilog nga ang shape nito.

Manager : Sa palagay ko po natalo kita ma’am, pwede ko na po makuha ang 10 Million pesos ko?

Matandang babae : Ohhh...sure, sabay abot ng pera.

Tuwang-tuwa ang manager na biglang naging milyonaryo samantala ang kasamang lawyer ng matanda ay ilang beses inuuntog ang ulo sa pader. Nagtaka bigla ang manager.

Manager : Bakit??

Matandang babae : Dahil Nakipagpustahan ang lalaking yan (sabay turo sa lawyer) bago ako pumunta dito na bibigyan niya ako ng 100 Million pesos kapag nahawakan ko ang “balls” mo. Yan ang sinasabi kong pinagkikitaan ko at tinatawag na GAMBLING.

Nakaalis na ang matandang babae pero tulala pa din ang manager ng bangko.


10. LALAKI SA DYIP


Isang lalaki nagmamadaling sumakay ng dyip at lahat ng sakay nito nakatingin sa kanya, ng magbayad na siya walang umaabot sa kanyang pera.

Matanda : Boy bumaba ka na dito hanggat may pagkakataon ka pa.

Lalaki: Bakit po? (nagtatakang tanung ng lalaki)

Matanda : Tanga!!! Inarkila namin ito.


About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.