Ano kahulugan ng Araw ng mga Puso? Kasaysayan, saan nanggaling Valentine’s Day

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang Kasaysayan ng Araw ng mga Puso

Karamihan sa mga tao sa buong mundo ay pinagdiriwang ang ‘Araw ng mga Puso’ o Valentine’s Day upang ipakita ang kanilang pagmamahal at paghanga sa kanilang minamahal. Ang iba dinadala ang kanilang mga mahal sa romantikong lugar at kainan at ang iba naman ay pinipili ang araw na ito upang mag alok ng kasal sa kanilang minamahal sa buhay.

Ano kahulugan ng Araw ng mga Puso, Kasaysayan, saan nanggaling Valentine’s Day

Nakasanayan na natin na magbigay ng greeting cards, mga tsokolate, magagandang alahas at bulaklak sa araw na ito.

Isa rin itong panahon kung saan pwede nating ipakita sa ating mga kaibigan ang ating pagpapahalaga sa kanila. Halimbawa dito ay sa bansang Finland na tinatawag ang araw na ito na ‘Friend’s Day’.Mas binibigyan nila ng halaga ang pagkakaibigan sa araw na ito kumpara sa pagpapakita ng romantikong pag-ibig sa isang minamahal.

Ang ‘Araw ng mga Puso’ at ang santa sa pagdiriwang na ito ay walang malinaw na kasaysayan. Ang alam natin ay noon pa man ay pinagdiriwang na ang araw ng mga puso. Ngunit mayroong kwentong kristiano at romano na maaaring pinagmulan ng araw ng mga puso.

Ayon sa kwentong katoliko mayroong hindi kukulang sa tatlong kristianong santa na may pangalang Balentino. Lahat silang tatlo ay naging martir noong Pebrero 14.

Isa sa mga kwentong tungkol sa pinagmulan ng araw ng mga puso ay ang kwentong tungkol kay San Balentino na noo’y nagdaraos ng mga sekretong kasalan para mga sundalo. Ito ay sumasalungat sa utos ng noo'y emperor na si Claudius II na hindi pinahihintulutan ang mga sundalo na maikasal dahil naniniwala ang emperor na ang pagpapakasal ay nakakabagabag laman sa mga misyon ng sundalo. Ayon sa kanya, ang pagpapakasal ay nagpaparupok ng katauhan ng isang lalaki.

Ang martir na si San Balentino ay naging saksi sa pagkalungkot ng mga sundalo at halos pagsuko nila na maikasal sa taong mahal nila. Kaya naman ay hindi sumangayon si San Balentino sa utos ng emperor. Sa mga panahong gustong magpakasal ng mga sundalo ay lumalapit sila kay San Balentino upang magdaos ng sekretong kasal. Ngunit ang sekretong kaganapan na ito ay nabunyag din sa emperor na sanhi ng pagpapa-aresto sa kanya.

Habang nasa kulungan ay pinaniniwalaang ginamot ni San Balentino ang isang bulag na babae. Dito pinamalas ni Balentino ang kanyang mirakulo. Di naglaon ay namangha ang emperor sa dignidad at pagkatao ni San Balentino at pinaki-usapan ito na tulungan syang isakatuparan ang utos nitong walang kasalan para sa mga sundalo. Ngunit hindi ito sinang-ayunan ni San Balentino at nanindigan sa kanyang prinsipyo. Ito naman ay ikinaglit ng emperor at iniutos na ipinapatay sya.

Isa rin sa mga kwento ay nakakonekta sa pagkakakulong ni San Balentino. Pinaniniwalaang si Balentino ay ang kauna-unahang nagbigay ng valentines card sa kanyang iniibig nang bumisita ito sa kanyang kulungan isang araw. Bago ang kanyang kamatayan, ibinigay niya ang sulat na may signaturang “galing sa iyong Balentino”/ “From Your Valentine”, na isang pahayag na hanggang ngayo’y ginagamit pa rin.

Ang ikatatlong kwento naman tungkol sa pagsisimula ng araw ng mga puso ay nagmula sa Englatera at Pransya kung saan pinaniniwalaan nila na ang mga ibon ay nagtatalik tuwing Pebrero 14.

Marami man ang mga kwento tungkol sa araw ng mga puso, isa lang ang dapat nating ipamalas at yan ay ang pagmamahal sa kapwa, sa pamilya at lalo na sa iyong iniibig hindi lamang sa araw na ito kundi sa bawat araw. Ang araw na ito ay nagsisilbing paalala laman sa ating lahat na biyaya ng pagibig sa atin.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.