Ngayong taong ito ay magkakaroon ka ng kalayaan na gawin ang anumang gusto mong gawin, haharapin mo ang pagsubok ng buhay ng may pag-asa at katapangan.
Sa katapusan ng buwan ng Hulyo ay magkakaroon ka ng pagkakataon upang makatulong sa iba. May mga taong gagamitin ka para sa kanilang pansariling pangangailangan, at kailangan mong maging maingat sa kanilang tunay na motibo.
Karera / Negosyo: Ang emosyon at kalooban ay maayos sa umpisa ng taon at ang iyong mga pangarap ay matutupad ng walang kahirap-hirap. Tataas ang iyong tiwala sa iyong sarili magagamit mo ang iyong ideya ng hindi nakakasakit ng ibang tao sa pamamagitan ng iyong galing sa pakikipagkomunikasyon.
Mag-ingat sa mga bagong taong makakasalamuha sa gitna ng buwan ng Setyembre at Nobyembre 2017.
Kalusugan: Ang iyong kalusugan ay magiging maganda sa umpisa ng taon hanggang Nobyembre. Magkaroon ng sapat na pahinga upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.
Love Life: Ito ay napaka-gandang taon para sa mag-asawa na magkaroon ng anak. Para sa mga single o dalaga o binata, ang buwan ng Mayo ang pinakamainam upang maghanap ng pag-ibig. Huwag pumasok sa isang relasyon kung hindi sigurado, upang hindi mauwi sa kabiguan. Ayon sa Chinese Horoscope ang mga magka-partner ay mas magiging seryoso at mauwi sa kasalan.
Mga iba’t ibang klaseng Pig: Metal Pig- Born in 1971, Water Pig- Born in 1983, Wood Pig- Born in 1995, Fire Pig- Born in 1947, Earth Pig- Born in 1959.
Updated: January 2017