Ano pwedeng gawin ngayong darating na tag-ulan! Ambon, Baha, Bugso

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Pagkatapos ng sobrang init na panahon,umpisa na ng tag-ulan.

Ano pwedeng gawin ngayong darating na tagulan Ambon, Baha, Bugso

Baka naiisip mo palang na malapit na ang tag-ulan, pakiramdam mo sangkatutak na abala at problema na agad ang idududlot niyan sayo. Para naman sa mga pluviophile o yung mga taong gustong-gusto kapag umuulan, exciting ang panahon na yan. Anoman ang nasa isip mo, wag ka ng mag-alala dahil napakadaming gawain ang pwede mong subukan. Heto ang mga tips kung paano mo makakasundo ang masungit na panahon at kung ano ang mga pwede mong pagka abalahan:


-Dahil malamig sa labas, baka eto na ang panahon para bumisita kayong pamilya sa mga museum. Ilista ang mga lugar na gusto mong puntahan.


-Mas masarap mamili o magshopping kapag tag-ulan. Bihira din ang tao sa mga pamihilihan , karaniwan na sa mall kapag tag-ulan.


-Mag-general cleaning at iorganisa ang mga gamit sa bahay. Dahil maginhawa ang panahon, mas mas relax ang pakiramdam mo at mas madali kang makakapaglinis sa loob ng bahay.



-Baka pwede mo sing samantalahin ang panahon para makipagbonding sa mga kapamilya mo. Kung may mga bata, pwede niyong subukan ang mga indoor games gaya ng, treasure hunting, sharades at madami pang iba. Panahon din yan para mas maging malapit kayo sa isat-isa. Madaming indoor activities ang pwede mong gawin o yung mga paglilibang kahit nasa bahay kalang gaya ng basketball, tennis, badminton o volleyball. Pwede ka ding mag-gym. Baka pwede ka ding bumisita sa mga kamag-anak mo na malayo sayo. Mas masayang mag-reunion kapag tag-ulan kasi siguradong makokompleto kayo.


-Kung gusto mo namang salubungin lamig, madaming hot spring resorts na mapagpipilian. Makakabuti pa yan sa katawan mo dahil nakakarelax ang mga hot spring. At ang magandang kapartner niyan? Mainit na kape.


-Mas gusto ng iba yung may natutuhan. Samantalahin ang tag-ulan para matuto ng mga bagong bagay gaya ng pagluluto, pagmamaneho at iba pa. Dahil nasa bahay ka lang, mas madami kang pagkakataon na matuto sa internet.

Subukan ang mga DIY Projects o yung mga gamit na gawang-kamay na yari sa mga materyales na makikita mo lang sa paligid ng bahay mo.



-Syempre, mas masarap kumain sa panahon ng tag-ulan gaya ng mainit na noodles, rice cake o mga kakanin, mga soup o bakit hindi mag-imbento ng sarili mong recipe . Masarap yan lalo na kung kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Tyak na magandang panlaban yan sa malamig na panahon.


-Gamitin din ang panahon na to para pag-handaan ang mga posibleng problema gaya ng bagyo. Baka mas maganda kung aayusin mo na agad ang mga sirang tubo o bubong. Maghanda ng mga safety bags o kit sakaling magkaroon ng problema.



-Magpamasahe o mag-paganda. Baka matagal mo nang gustong gumawa ng hair treatment o marelax habang nagpapamasahe. Gumawa ng mga recipe na hindi mo na kailangan pang bilhin sa labas. Madaming natural na treatment na makikita sa internet. Sa halip na gumastos ng malaki sa mga spa o salon, gawin nalang ito sa bahay.



Kung sa gagawin lang at pagkaka abalahan, kulang ang listahan na yan. Enjoyin ang tag-ulan. Kung iniisip mong eto ang pinaka boring na parte ng taon, eto naman ang pinaka-iniintay ng marami. Sanay nakatulong sayo ang artikulo na to.


About the author

Rizza Floro

Profession: Talent scout
Japan , Tokyo , Tokyo

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.