Ano Swerteng pagayos pwesto ng kagamitan sa buong bahay sa 2019: Feng Shui Horoscope

Precious Gomez
is a Nurse in the Philippines

Swerteng pag-ayos paglagay pwesto ng kagamitan sa buong bahay 2019-Dapat Iwasan-Feng Shui

Kwarto o Bedroom - May mga naniniwala na kailangang nasa tamang kaayusan ang paglagay ng mga kagamitan sa loob ng kwarto upang mabilis pumasok ang swerte. Ayon sa mga eksperto ng feng shui kailangan nakadayagonal ang kama sa pintuan ng kwarto dahil nagdala ito ng magandang enerhiya o good vibes at swerte sa mga nakatira.

Sala o Living room - Malaki man o maliit ang espasyo ng sala dapat tama lamang ang laki o sukat ng mga upuan o sofa nito. Kailangang may sapat na espasyo sa loob ng sala upang makapasok at makakaikot ang swerte. Malas din ang paglagay ng salamin sa tapat ng pangunahing pinto o mas kilala sa tawag na main door. Iwasan din ang paglagay ng mga matutulis na bagay at nakausli sa kanto o nakalawit. Malas din ang paglagay ng larawan ng mga hayop na agresibo o mabangis. At iwasan din ang paglagay ng mga nakalantad na estante dahil maari itong kumontra sa swerte o sa magandang enerhiyang papasok.

Kusina o Kitchen - Ayon sa feng shui ang lababo ay hindi pwedeng nasa gilid ng lutuan o kalan. Ang elemento ng apoy ay kumakatawan sa stove o lutuan. Ang tamang paggawa ng kusina ay dapat hugis trayanggulo o tringle na binubuo ng lutuan, lababo at refrigerator o pridyider upang maging balanse. Maswerte din kapag nasa gitna ang lababo na kilala sa tawag na “kitchen island”, dahil komukontra ito sa mga malas na pumapasok sa kusina. Ang pagkakaroon ng salamin o makintab na bato sa taas ng lutuan o kalan ay nakakadagdag ng liwanag at laki ng lugar, pero higit sa lahat nagdadala ito ng swerte. Iwasang maglagay ng mga matutulis na kanto at gilid ng kabinet dahil nagdadala ito ng negatibo sa loob ng bahay. Ang mga kutsilyo ay hindi pwedeng nakadisplay, dapat itong nakatago sa loob ng drawer o cabinet. Huwag manghinayang magtapon ng gamit kung ito ay may konting sira dahil nagdadala ito ng malas sa loob ng bahay. Ugaliing mag inspeksyon parati kung may sira ang mga gamit.

Hapag kainan o Dining room - Mabilis pumasok ang swerte kung napapanatiling malinis at maaliwalas ang buong bahay. Kinakailangang simple pero maliwanag ang kulay sa pader o dingding ng kainan. Mahalaga din ang pagkakaroon ng larawan o painting na ang desinyo ay pagkain o bulaklak. Ayon sa feng shui malas ang pagkakaroon ng trayanggulo o tringle at diamond na hugis ng mesa, maswerte ang bilog o kwadradong lamesa. Swerteng lamesa ang gawa sa salamin at marble, iwasang nakaharap ang lamesa sa main door or front door, palikuran o cr at hallway.

Banyo o Comfort room - Swerte ang kubeta na lagging tuyo ang sahig at malamig sa loob ng bathroom. Mainam na gumamit ng marble o granite. Swerteng kulay sa cr ay puti, itim at asul. Iwasang gumamit ng plastic na kurtina sa banyo o shower curtain upang maiwasan ang disgrasya pagdating sa kuryente.

Bintana o Window - Isa sa mga importante sa loob ng bahay ay ang bintana, ayon sa feng shui malas ang pagkakaroon ng trayanggulong bintana o matutulis na gilid at kanto nito. Swerte ang hugis bilog, kwadrado at parihaba, mainam na hugis sa kwarto at sala ang bilog o di kaya ay parihaba. At swerteng hugis naman sa kainan at study room ay kwadrado. Kung ang bintana mo ay nakaharap sa ospital, matulis na kanto o maduming lugar, takpan ito ng blinds na yari o gawa sa kahoy at huwag buksan ng madalas.

Study room - Iwasang nakaharap sa kusina o banyo ang study room mo. Mabilis pumasok ang swerte kung ang mga gamit sa loob ay matingkad na kulay. Iwasang magkaroon ng sinag ng araw sa sinusulatang lamesa, swerte kung ang lamesa ay nakaharap sa bintana na walang matatanaw na flagpole, wire pole, at hindi mausok. Mabagal ang pagpasok ng swerte kung ang lamesa ay nakasandal sa pader ng banyo o kaya nakaharap dito. Maswerteng maglagay ng halaman na lucky bamboo sa taas ng lamesa.

Opisina ng May ari o manedyer or Executive office - Ang lamesa ay dapat nakalagay sa Silangan ng konkretong pader, nakaharap sa may pintuan. Dapat na konkreto ang pader dahil ito ang nagdadala ng swerte at sumusuporta sa iyong karera at trabaho. Malas ang paglagay ng lamesa na nakaharap sa may bintana dahil hindi ito konkreto at hindi matibay. Sa likod ng mesa maswerteng maglagay ng mababang cabinet o tinatawag na credenza at patungan ito ng table lamp at halaman na ang dahon ay pabilog o oblong. Swerte ding maglagay ng ilaw sa pintuan ng opisina. Kailangang nakapwesto ang conference table at mga upuan nito sa sulok ng hilagang kanluran ng kwarto. Ang pagkakaroon ng istante para sa mga libro ay maswerteng ipwesto sa hilaga, kasama ng mga aquarium o maliit na fountain. Siguraduhing dumadaloy ang tubig ng fountain para mabilis ang pagpasok ng swerte.


Maliit na Opisina or Small office - Kagaya sa executive office, ilagay ang maliit na kabinet sa likuran ng lamesa at kailangang may nakapatong na lampshade at halaman dito. Ang upuan ay nakalagay sa kabila ng lamesa kung saan hindi ito nakaharang sa daanan. Maglagay ng ilaw sa magkabilang pintuan ng opisina. Ang pader na nasa timog ay nangangahulugan ng karangalan at pagkilala kung saan doon nakalagay ang mga diploma, recognition, parangal, tropeo at iba pa. Sa may bandang hilaga naman nakalagay ang isang malinis na aquarium o kaya isang water fountain na ang tubig ay dumadaloy para pumasok ang suwerte.

Next: Ano mga bagay na magdadala ng malas o swerte sa 2019?

Ano swerte at malas na kulay sa 2019?

Ano buwenas at malas na numero sa 2019?

 

About the author

Precious Gomez

I am knowledgeable in the use of computer and online apps. I've done freelance article writing for more than 5 years. I am hard working. I still have a lot of things to learn and very open for training and guidance. Thank you so much for viewing my profile.
Profession: Nurse
Philippines , National Capital Region , Pasig

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.