JOURNEY TO KUWAIT (PART 2) -Stories of OFWs

MICHAEL TRINIDAD
is a Food Service Supervisor in Canada

 


April 11, 2006 lumapag ang aming sinasakyang Eroplano sa Kuwait Intenational Airport. Halus halo-halong emosyon ang aking naramdaman sa himpapawid pa lamang. Kita mu sa baba nag naglalakihang infrastracture at malalawak na daan. Ang Kuwait ay 11th sa pinakamaunlad na bansa per capita isa rin siya sa top oil exporter.Napakaliit na bansa lamang kung ikukumpara parang mas malaki pa ang Luzon sa bansang ito at puwede mung libutin ang buong kuwait sa loob lamang ng 3 oras . Ang tawag sa mga Lokal na naninirahan(citizens) ay kuwaiti, at ang kanilang Monetary currency ay Kuwaiti Dinar. ang exchange rate ng PHP155=1K.D., isa sa pinakamalaking palitan ng Currency. Sa klima nman di masydong maganda between June to November ay napaka init umaabut ng 50'F, halus pwede ka ngang makaluto ng itlog sa semento,sa buwan na nabangit madalas din and SANDSTORM(Umuulan ng Alikabok) dahil sa subrang tuyo ng Lupa. May panahon din na subrang Humid na Lahat ng bagay ay nagpapawis at nagbabasa. Between Dec. to May winter nman Umaabot ng 0'F sobra nman ang lamig na hindi ka makalabas ng walang kumpletong winter gear. Islam ang main religion almost 100% ng kuwaiti ay muslim. Dahil sa mahigpit na pagsunod sa tinatawag nilang SHARIA LAW bawal ang alak sa kuwait. Bawal din ang sugal, pagkain ng baboy at kadalasan hinihiwalay ang babae at lalaki sa public places at even sa transportation

Sa Eroplano Nakilala ko rin ang mga magiging kasama ko sa company. 5 babae at anim na lalaki kming lahat. Di maitagu sa amin ang exitment kci halus lahat kmi ay first time mag abroad. Pagbaba ng eroplano sa departure area dali dali nmin hinanap ang amin sundo. Lakad ng konti at may nakita kmi na mistulang Indian guy na may dala ng napakalaking plackard na may pangalan ng aming company, dali dali nmin syang nilapitan. Lumapit din sya sa amin at nagpakilala. Inabut nya sa amin ang documents na may picture at sinamahan sa kmi Immigration. pagdating sa Immigration pinaghiwalay ng pila ang mga lalaki at babae. Alam na nmin un kasi sa PDOS pa lng ini-orient na kmi na ang kuwait ay isang islamic country at napaka-conservative, bawal din ang alak at baboy.Pagdating sa immigration hinanap ang aming passport at Visa. Mabilis lang ang process kasi may sistema at high tech ang kanilang mga kagamitan.

Paglabas sa immigration sinalubong uli kmi ng aming Guide, Tinuro nya kung saan service car kmi sasakay. Dating gawi pinaghiwalay ng sasakyan ang babae at lalaki. Sa daan makikita ang kaularan ng bansang kuwait, halus nag lalakihang building, malinis na kapaligiran at napakalawak na daan. walang traffic at halus 120kmph ang takbo ng mga sasakyan. Humihinto man eh sa tracffic signs lang. Napakasarap ng biyahe.Dumating kmi ng halus gbi na sa aming bagong apartment na titirahan.Mayrun etung dalawang security guards na nagpapalitan sa pagbabantay ng apartment. Hiwalay din ang apartment ng mga babae at lalaki. Nagsipag paalam na kmi sa aming mga kasamang babae at umakyat sa kanya kanyang kuwarto para ipahinga ang aming mga pagud na katawan sa biyahe. kinabukasan nagising kmi sa isang malakas na katok,, ung gwardiya pala ginising na kmi at kami ay pupunta sa head office para Ma orient. Dali dali kami nag sipag asikasu ng sarili, kumpleto sa gamit ang apartment na binigay sa amin,, may electric stove, washing machine bathtub at iba iba pang amenities. Halus puro pinoy din ang mga kasama nmin kaya ang home sick ay nababawasan din

After ng Orientation , binigay na ang aming mga uniform.lalo kming nagging excited kinabukasan kci mag start na kmi. Service Crew yan ang pinasok nming trabaho sa kuwait.Taga serve sa costumer taga luto ng burger at tagapaglinis ng rest. in short all around crew. ang offer sa aming sweldo ay 75kuwait dinar. ang palitan nuon ay 1K.d. equals to 180php,. Nasa 13,000 din yun at mahirap kitain sa Pinas. Bukod pa dun ang kuwait ay tax free kaya buo mu makukuha ang sweldo mu,, mayrun din kaming paid sick leaves basta may cert. ng company doctor , free housing and accomodation and free food allowance . Nagtagal din ako halus ng 7 years sa kuwait, bilang crew, Crew trainer and Manager. Naranasan ko sa kuwait na Duraan ng kostumer batuhin ng food tray, at hagisan ng barya. Ang mahirap lang kci mostly sa kanila ay ayaw ng mag aral, kci sustentado sila ng gov. nila may monthly allowance sila sa gov. Pabahay, pa kotse, libreng paospital at libreng Pag aaral. Mostly ng kabataan laging nasa mall or nasa restaurant. Yun ang kanilang kadalasang hobby.

Sa Kuwait ko rin nakilala ang aking butihing asawa. Dati ko syang trainee sa restaurant na aming pinapasukan. Sa bansang kuwait na rin kmi kinasal at bumuo ng mga pangarap.Naging maayus ang aming pag sasama kaya lang dumating sa punto na di na sapat ang aming kinikita. Siya ay may isang anak at ako nman ay tuloy pa rin ang suporta sa aking pamilya at 2 kapatid na nag aaral. Nilakasan ko ang aking loob na mag apply ulit ng ibang trabaho sa kuwait. Pero walang nangyari. Nag try na rin me mag apply sa ibang bansa katulad ng singapore, taiwan and U.K, pero wala pa rin. Hangang sa marinig ko ang Bansang Canada. Sinubukan ko Mag apply at sa awa ng diyos na schedule ako for intrerview pumasa at nabigyan ng work permit. Iniwan ko ang bansang kuwait para sa mas magandang oppurtnuity sa canada at mas magandang offer ng salary. Presently ako ay nasa canada na ngayun pero ang experience at aral na aking naranasan sa kuwait ang naging daan para mas maging matured individual ako. Sa kuwait ko natutunan magluto, maglaba , at time management. Isang napakagandang experience na hindi ko malilimutan magpakailanman.


Thus, when you start to write and involve yourself in the writing process devoted to sharing your life experiences, you begin to live an examined life. Living an examined life provides insight, healing and catharsis. In addition, as reflected in Eastern philosophy, when you heal and help yourself, you likewise heal and help others.

Do not employ writing as a stage to publicly embarrass those who have hurt or wronged you. Being able to take revenge and get back through written words may feel good in the short term, but it may backfire in the long run. While the practice of recording personal events may be a way of understanding enemies or people who have hurt us, it shows a level of immaturity ad comes at the price of distrust from other people who are going to work with us now and in the future, because they may fear getting the same treatment from you. It may be a better course to publicize these stories as a work of fiction. If someone asks what inspired the plot, the proper response could then just simply be a polite smile.

It is also important to remember that if an average person who reads your story, or sees it on a movie screen, television, etc., can identify with the people you are writing about, then you need this person’s written permission. But if the people in your story are not recognizable as specific individuals, because location, age, ethnicity, etc. are different, then obviously you have no need to secure anyone's permission to write and sell your story.

8 person likes this

About the author

MICHAEL TRINIDAD

TABLE TENNIS, BASKETBALL
Profession: Food Service Supervisor
McDonalds
Canada , British Columbia

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.