Hindi ko po kasi alam kung buntis po ako.
Kasi Noevember 21 po nagtalik kami ng may mens po ako. Wala pong proteksyon na gamit at sa loob po niya inilabas. Huminto po yung mens ko ng November 27.
Pagkatapos po ng 2 linggo mahigit mga 3 days po bago mag 3 weeks. Nakararamdam po ako ng madalas na hilo na minsan may kasamang pagsusuka (pero tubig lang po minsan lumalabas) , may oras na ayokong kumain, may oras naman na gusto kong kumain ng marami, tas may pagkaselan po ako minsan sa amoy ng pagkain. Kahit paborito ko inaayawan ko po dahil sa amoy. Tas may napansin po ako sa panty ko may basa po tas di ko po gusto yung amoy minsan pero kadalasan po walang amoy. Tas Mabilis na pagkapagod po kahit walang ginagawa.
tapos ngayon po sumasakit po yung dede ko yung pinaka nipple po.
Ano po ba ito? Paki-sagot po please.