Buntis po ba ako? Kasi nagkamens po ako first week ng August tapos August 22 may nangyari po samin tapos nung August 25 dinugo po ako first day lang siya malakas tapos 2nd and 3rd day sakto nalang po

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Buntis po ba ako? Niregla po ako first week ng August tapos may nangyari po samin ng bf ko August 22 tapos po August 25 dinugo po ulit ako. First day malakas tapos 2nd and 3rd po sakto nalang tapos 4th day mahina na siya parang patak nalang. Bat dalawang beses oo akong dinugo? Dapat po regla ko first week ng September pero wala pa din po ako until now.  Nasstress na din po ako kakaisip kung buntis ba ako o hindi :(. Nagtry na po ako magpt pero parehas po negative. May kumalabas din pong white mens sakin. Buntis po ba ako? Pakisagot po. 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Kung ikaw ay nakikipagtalik ng walang proteksyon gaya ng condom o iba pang kontraseptibo, maaari kang mabuntis kahit pa ikaw ay nagreregla o hindi. Sa iyong edad at hindi pa talagang regular ang siklo ng iyong pagreregla. Maaaring magkasunod na naging aktibo ang iyong dalawang obaryo kung kaya't magkasunod ang iyong pagreregla. Maaari kang maghintay September 20-30, kung ikaw ba ay daratnan ng iyong regla sa buwan na ito. Ngunit kung hindi, maaari kang magpregnancy test muli upang malaman kung positibo ang pagbubuntis o hindi. Tandaan na kung hindi gumagamit ng condom o kahit anong kontraseptibo sa tamang paraan, ang isang babae ay maaaring mabuntis.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Normal lang po ba na dalawang beses ako niregla? Gano po ba kadami ang spotting? Kasi kagabi po niregla po ako madami dami po siya ang pagkakaalam ko po kask sa spotting is konti lang siya parang patak lang. Tama po ba ako? Atsaka kailan po nangyayari ang spotting,
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Gaano kahaba ang agwat ng bawat menses. Ang isang menstrual cycle kasi ng babae ay maaaring naiksi or mahaba. Dahil dito maaring 2 beses ka magmense sa isang buwan. Ilang beses ba ito nangyari? Kung isang beses lamang at walang ibang sintomas na kasama, maari na ito ay pahabol na menses lamang kahit tila unusual yung dami. Ngayon kung ang pagdurogo ay mas humaba at tuloy tuloy, ito ay maari mong ipasuri sa iyong OBGYN at magpagawa ng transvaginal ultrasound.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Ngayon konlang po naexperience na reglahin ng dalawang beses. Ngayon ping September nagkaron pi ulit ako September 14 po nagkaron ako until now meron pa din po pero parangvpahabol nalang siya. Nung 1st to third day po siya malajas. Di ko po alam kung implantation bleeding po ba to or regla. Kasi ang spotting naman po duba konti lang parang patak lang kaya di naman po siguro to spotting. Ano po ba ito?

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.