Buntis po na ako?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Possible na na buntis ako?, December 7 po ung last day Ng menstruation ko at December9 ngtake ako Ng pills, December 10 at 11 ngkaroon Kami Ng contact Ng asawa ko..December 15 Ng stop na po akong mgpills... December 18 dinugo po ako...lagi pong nanga2sim ung sikmura ko sa ngaun at parang pagod ako...salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
kailan ang unang araw ng iyong huling regla?
Maria Montallana
is a Ofw in Hong Kong Medical History
December 2 po
Maria Montallana
is a Ofw in Hong Kong Medical History
December 2 po ako niregla at December 7 po ako natapos mgregla
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Typically ang Menstrual Cycle ng isang babae ay 25-32 days, average ay 28 days. Ang pagbilang ay mula sa unang araw ng iyong huling regla. Day 1-7 (madalas 3-7): pagreregla ng kababailhan Day 8-12: ang paghahanda at pangangapal ng matres para sa posibilidad ng pagbubuntis. Day 14 (day 12-16): ang ovulation o paglabas ng itlog mula sa obaryo. Ito din ang panahon kung saan ang babae ay matuturing na fertile o maaring magdalang-tao kung nakipagtalik sa mga araw na ito. Day 17 onwards: ito ang panahon kung saan maaring mangapal pa ang matres kung ikaw ay nabuntis OR ang panahon na ang namuong dugo ay magsisimulang numipis kung ikaw ay hindi nagbuntis at niregla. Kung bibilangin ang araw ng iyon pakikipagtalik, ito ay hindi pa halos pasok sa iyong fertile period kaya naman mababa ang chance na ikaw ay magbuntis. Nabanggit mo na ikaw ay natake ng pills, ngunit sa loob lamang na halos isang linngo. ang mga ito ay tinetake ng buong buwan upang umepekto dahil sinasabayan nito ang iyong monthly cycle. Ngayon, kung ikaw ay nag-iisip na hindi na mabubuntis dahil nagpills ka na nung panahon na ikaw ay nakipagtalik, hindi. ang full effect ng pills ay maappreciate mo kung ito ay naiinom ng tuloy tuloy. Nabanggit mo na ikaw ay dinugo noong 18. Ito ba ay kasing lakas ng iyong regla? supposedly kasi, hindi pa ito ang schedule ng iyong dalaw. Most probably ito ay epekto ng pag-inom at biglaang pagtigil mo ng pag inom ng pills
Maria Montallana
is a Ofw in Hong Kong Medical History
Hindi po xia ganun kalakas pero umabot din po xia Ng 5 days na pgdudugo...maari po bang buntis na ako?...lagi po kasing maasim ang aking sikmura kahit akoy busog
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Napupuno ba ang iyong napkin sa mga araw na ito? ilang napkin ang nauubos mo kada araw? Ang December 18 kasi ay pasok pa sa panahon na ikaw ay nag-oovulate. Maaring ang pagdurugong ito ay Ovulation or di kaya naman ay implantation bleeding kung sakaling ikaw ay buntis. Ang implantation bleeding ay usually nagaganap sa mga unang araw ng pagbubuntis Dahil nagaganap ito sa mga araw na malapit magregla ang mga kababaihan, it is understandable that it is confused with menstruation. However, these 2 are different in many ways. Typical menstruation typically lasts 5-7 days and is bright red to dark red in color. Ang flow din nito ay mas malakas naa nakakapuno ng napkin. On the other hand, sa implantation bleeding, ito ay usually nagtatagal lamang ng hrs to 3 days max and is light pink or dark brown in color. Also, ito ay hindi malakas na flow kundi parang discharge lamang. Alin sa mga ito ang naganap sa iyo?
Maria Montallana
is a Ofw in Hong Kong Medical History
Good morning po, may time po na napupuno xia Kasi d ako ganun kadalas mgpalit Ng napkin at wala po xia ung tinatawag Ng "apple-apple"...naging masaya po ako noong dinugo ako Kasi iniisip ko d ako buntis not until po noong binalik na ako dito sa trabaho ko na laging nanga2sim ung sikmura ko...parang lagi akong gutom...kahit busog ako maasim parin xia, yon na po ung time na napaisip ako baka Mali ung pgtake ko ng pills?..first time ko pong gumamit nun Kaya wala akong idea Kung paano?, Itinigil ko na xiang inumin Kasi iniisip ko wala Ng mangyayari sa amin since babalik na po ako abroad...sa ngaun po nakakaramdam po ako ng hirap sa pgdumi, panay ihi ko po, masakit po ung balakang ko at maasim po lagi ung tiyan ko...dapat Kasi may menstruation na ako last January 1-2 kaso till now wala pa xia...medyo Ng aalala Lang po ako...salamat po
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Pede na po na akong mgPT ngaun?..Kasi Hindi po ako mapalagay dito sa trabaho ko...thank u po
Maria Montallana
is a Ofw in Hong Kong Medical History
NgPT po ako ngaun...ung result po nasa positive side ung red niya...d po xia line...parang kinolor po niya ung side Ng positive Ng red...medyo nalilito po ako Kung anong ibig sabihin niyan?
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Certainly, mali ang pag-inom mo ng pills dahil itinigil mo ito just after 1 week. Based sa kwento mo, ikaw ay dinugo na which means hindi ka buntis. However, ang problem dito ay hindi pa ito ang schedule ng regla mo. Maaring nasira ang cycle mo dahil sa maling pag-inom mo ng pills. For now you may observe... Kung hindi ka dinatnan ngayong first week of January, do a pregnancy test after 2 weeks to be sure. Masasabi mong positibo ito kung may lalabas na 2 pulang linya. if iisa lamang ito, ito ay negative.

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.