Custody of Child

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Atty. sana po matulungan nyo ako sa tanong ko. Kasal na po ako at pareho kaming OFW same country.

Dati po may kinakasama ako sa pinas at meron kaming isang anak 4yrs old na po. Huling padala ko sa nanay ng bata Nov.2016. Nahinto po ang padala ko mula nang sabihin nung nanay ng anak ko na mangingibang-bansa sya at hindi ko na raw makikita pa ang bata at nagbanta rin itong papalitan ang apelyido dahil sakin nga ito nakapangalan. Bago po sya umalis nakiusap ako na iwan ang bata sa magulang ko para mas maalagaan ng mabuti kesa ibang tao mag-alaga, hindi po sya pumayag. Ngayon po mukang hindi naging maganda ang pakikipagsapalaran nya sa ibang bansa at umuwi na ng pinas. Ngayon po nanghihingi sya ng sustento ng bata, wala naman pong problema saking magbigay dahil obligasyon ko yon, pero meron akong mga kondisyon, gaya nang kelangan nyang dahil sa bahay ng magulang ko yung bata kahit twice a week lang, kahit diko man makita at least nakikita ng magulang ko kung maayos yung bata. Hindi po sya pumayag sa kondisyon ko bagkus panay lang ang hingi ng pera. Isinusumbat pa nya sakin ang gastos ng tatay nya sa bata nung mga time na hindi ako nagpapadala na dapat ko raw itong bayaran. Kung hindi raw ako magbibigay ng pera idedemanda nya raw ako pati ang asawa ko. Pati pamilya ng asawa ko dinamay nya sa problema namin. Wala pong trabaho ang nanay ng anak ko ngayon so wala syang capacity na buhayin ang bata. Hindi po ako makapagpadala ng pera sa bata nung time na nag abroad ang nanay nito dahil ayaw nya ring magbigay ng pwedeng kontakin ng time na iyon. Ang lagay po eh, Magpapadala ako pero parang wala akong karapatang makita ang bata, o kahit makita man lang sana ng magulang ko.

• May laban po ba ako na mapunta sakin ang Custody ng bata sa gayong wala naman syang trabaho?

• Maaari nya rin po bang kasuhan ang asawa ko?

• Oras po na kasuhan nya ako ng lack of support may laban po ba ako? Dahil sya rin ang may kasalanan kung bakit di ako makapagpadala, dahil sa ayaw niyang magbigay ng contact para makausap, makita at mabigyan ng support ang bata nung time na nasa abroad sya?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
I-save mo ang lahat ng mga text ng babaeng ito. Lahat ng email at lahat ng kanyang mga calls at messenger PM niya sa iyo. Kasi, extortion ang kanyang ginagawa.

Ang support ay ibinibigay kung kailangan ito ng bata, hindi noong dati mong kinakasama, lalo na kung siya ay may ibang kinakasama. Ngayon, ang mga grandparents ng bata ay mayroong karapatan na makita ang bata. Kung hindi niya pinapayagang makita man lamang ng grandparents ang bata, hindi nila malalaman kung nasa ayos na kalagayan ang bata.

So, ganito, sumangguni kayo sa barangay ay sabihin ninyo doon ang inyong problema (na nais makita ng mga lolo at lola ang bata, na nasa maayos na kalagayan ito dahil sa gustong malaman ng ama bago magpadala ng suporta. Reasonable request naman iyon.

Ngayon, kung ang babaeng ito ay pinababayaan ang inyong anak, may karapatan kayong kuhanin sa kanya ang bata, pero, kailangan dumaan kayo sa proseso. Kung halimbawa, noong umalis siya at kung kani-kanino lamang niya iniwan ang bata, ito ay kapabayaan pa rin.

So, ang mga magulang mo ba ay handang ipag-laban ang bata? Kaya ba ng sikmura nilang makipag-harap sa babae sa husgado? Kailangan kasi ay may lakas ng loob. Sa parte mo naman, ipag-bukas mo ng account sa banko ang bata, sa pangalan ng iyong mga magulan, at In Trust For sa bata. Sa gayon, makukuha lamang ang monthly support ng bata kung makikita nila ang bata at sila ang sasama sa bata para kuhanin ang suporta ng kanyang ama mula sa banko. Pag-tanda-tanda ng bata at marunong na siyang humawak ng allowance niya, puedeng ibigay na mismo sa bata ang ATM, ituro sa bata kung paano maglagay ng PIN at huwag sabihin sa kanyan ina ang PIN para siya lamang ang makaka-kuha ng kanyang suporta mula sa kanyang tatay lalo na kung ang ina ay may bisyo.
Ang pinaka-maigi ay dumulog sa abogado ang iyong mga magulang. Para hindi ka maidemanda ng hindi pagbibigay ng suporta, magbukas ka na ng account para sa bata sa pangalan ng iyong mga magulang na ITF account. Sa gayon, kung ihabla ka man sa husgado, may maisasagot ka na nagpapadala ka buwan-buwan, kaso, hindi makuha ng babae at ng bata dahil sa ayaw makipag-kita ng babae sa iyong mga magulang.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty. Recently lang po naka received ang parents ko ng letter (Demand for financial support) from PAO considered as a formal and final demand. Since nasa abroad ako ano po ang pwede kong gawin tungkol dito? Gaya po ng sabi nyo pwedeng ang parents ko ang lumapit sa barangay. Nalaman ko rin po na ginagamit ng dati kong kinakasama ang Social Acct. ng nanay ko.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Hello po. Bigyan nyo po sana ako ng kalinawan. May partner po ako at hindi kami kasal. Nakapetition po kasi siya sa US ng parents nya so pumayag po ako sa condition na hindi pa kami pedeng ikasal. Nagkaroon po kami ng 2 anak. Isang 4 at 3 yrs old. Sa tatay po nakasunod ang surname nila. Nagkaroon po kami ng misunderstanding after ko ipanganak ang bunso. At bigla na lng po hindi nagpakita ang father ng mga anak ko for 6 months. Wala din po natatanggap na kahit anong sustento noon ang mga bata galing sa tatay. At lumipas pa po ang panahon,nagkaroon po ako ng relasyon sa iba. Married po sya,hiwalay but not legally. Bumalik po ang tatay ng mga anak ko at alang alang po sa kanila,tinanggap ko po ulit. Wala na po kaming connection nung married man. Pero ngayon nagkaroon na naman kami ng away ng tatay ng anak ko. At nagdecide na maghiwalay. Ang sabi nya po kukunin nya sakin ang mga anak ko. Gagamitin nya daw pong grounds ang naging affair ko sa iba. Unemployed po ako ngayon at nag-aaral. May laban po ba ako sa tatay ng mga anak ko sa child custody? Salamat po

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.