Mahelp nyo po ako.,ilang linggo ko na po kase iniinda ung sakit ko. Aka

Izza Tenorio
is a Secretary in United Arab Emirates Medical History

Mahelp nyo po ako.,ilang linggo ko na po kase iniinda ung sakit ko. Akala ko po buntis ako dec 28 ng gabi nag pregnancy test ako pero negative kinabukasan dec 29 at 5am ng cramps po ako sakit sa tyan at tagiliran ung sakit na ndi tulad ng my disminoria ako kase isang oras lng sya sumakit at nawala na.after nun my lumabas saken na color brown konti konti lng pag ng pupunas lng ako ng tissue sumasama whole day syang ganun dec 30 naging pink na ang kasama sa ihi ko. nagtaka po talga ako kase usually ang 2nd day ng mens ko ay sobrang lakas. pero nung araw na un mahina sya at kung ndi ako umiihi hindi sya nalabas. 3rd day naging red na po sya na my mga kasamang buo buong dugo. pero katulad din po ng mga nadaang araw nalabas lng sya pag kasama sa ihi ko ndi sya tulad ng mens ko na nalabas ng kusa kahit hindi ako na ihi 4th day my lumabas na po saken na malaking laman hindi nmn sya ganun kalaki mga kasing laki ng bilog kapag pinag dikit ang hinlalaki at hintuturo. pag katapos nun lumabas konti na lng ung dugo na lumabas saken hanggang nawala na din ng araw na un. pero ang hindi ko po maintindhan ngaun eh sumasakit pa din po yung tyan ko mostly sa tagiliran left side ung sa right side mild lng na sakit pero ung left lalo na sa gabi masakit po pati ung tagiliran ko sa likod at sa my taas ng pwet ko., ung sa my tagiliran ng puson my time na parang binabanat po sya kaya masakit at ngaun 2 nights ko nararamdamn na masakit ung pwerta ko akala ko my tumutusok na lalabas pero pag check ko wala naman. sana po mahelp nyo po ako nakakaranas din po ako ng shorthen sa paghinga lalo na sa gabi., lage ko din po nalalasahan na parang my acid sa tyan ko na tumataas sa leeg ko pero pag kumain po ako nababawasan ung acid hanggang sa mawala na.,hindi po ako makatulog ng nakatagilid kase masakit po talga ung tagiliran ko dito sa my balakang

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Kailan po ang unang araw ng inyong huling regla at kailan po ang inyong pagtatalik? Tungkol naman sa nararamdaman nyong pananakit sa balakang at tagiliran at hirap sa pag-ihi, nakakaramdam po ba kayo ng "burning sensation" or ubod ng hapdi sa tuwing kayo ay umiihi? naglalagnat po ba kayo?
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Para sa pagkakaroon ng acidic tiyan, una sa lahat iwasan po ang hindi pagkain sa oras. see to it na may snacks ka if you are busy at work or at school. Iwasan din ang pagkain ng matataba at maasim na pagkain at inumin as well as carbonated drinks and coffee. Nakaka-taas ng asido sa tiyan ang mga kape, juices, soda, chocolate drink, at maanghang na pagkain. Maari kang uminom ng antacids sa tuwing masosobrahan ang pananakit ng sikkmura.
Izza Tenorio
is a Secretary in United Arab Emirates Medical History
Thank you po sa time at response Dr. LJ., last ko po nag karoon ng november 26 na regular mens ko po pero ng bleed din po ako noong december 29 to nov. 1 dun po nag simula yung mga sakit na naramdaman ko sa katawan ko hanggang ngaun po.
Izza Tenorio
is a Secretary in United Arab Emirates Medical History
normally 3 days lng po mens ko ., Nagtalik po kami ng asawa ko December 3 , December 7, December 14 and december 23 po hindi po kami ng cocontrol kase gusto na din po namin mag ka baby
tungkol doon po sa pag ihi,.,hindi ko naman po nararamdaamn ung mahapdi., madaming beses po kase ako umiihi baka gawa na din po ng inum ako ng inum ng tubig. nilagnat po ako nong january 4 po.

Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Kung bibilangin, ikaw ay nakipagtalik sa araw na ikaw ay fertile ( December 7) at dahil dito, mataas ang chance na ikaw ay magbuntis. Ikaw ba ay nag PT na? Mainam na gawin ang test na ito 2 weeks adter ng iyong missed menstruation kung ikaw ay hindi dinatnan noong December. Actully, maari ka na din mag PT ngayon
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Also, mainam na ipatest mo din ang itong ihi kust to be sure na wala kang infection. Nbnggit mo na madalas ang itong pag inom at pag-ihi. Nkita ko na ikaw ay may history ng dibetes. Kindly have your blood sugar tested too :)
Izza Tenorio
is a Secretary in United Arab Emirates Medical History
Thank you so much po Dr. Lj, Nag PT po ako noong January 12 pero negative pa din po., kaya ng exercise na po ako nung thursday naisip ko po na baka kulang na din sa exercise at stretching ung mga buto ko kaya nanakit.,medy less na po ung pain ngaun pero planu ko po mg pa general check up na this week para po mas kampante ako.
Dr. LJ ok lng po kaya na mag pa PAP SMEAR Po ako kahit 25 pa lang ako?.,.ako po ba mg sasabi noon sa doctor o sila po ung mag aadvice saken?
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
I dont see any indication for a Paps smear. Though pwede mo naman sya irequest as a screening test for cervical cancer lalo na sa mga kababaihan na sexually active :)
Izza Tenorio
is a Secretary in United Arab Emirates Medical History
opo doc papa test po ako ng ihi at sugar ko po.

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.