Gumagamit kasi aq ng pills natatake ko po ito after ng men

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Gumagamit kasi aq ng pills natatake ko po ito after ng menstration ko . january 10 nagkaron ako inom ko ung pills ng january 12 nkainom pa po ako hnggng january 15 . janaury 16-18 hindi po ako nakainom may nangyari samin ng january 17 mabubuntis po ba ako?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Una sa lahat, ilang buwan ka ng umiinom ng pills? ito ba ang unang pagkakataon na ikaw ay uminom ng pills? Kung bibilangin, 4 na pills pa lamang ang iyong nainom. Usually, dapat ay iniiwasan ang pakikipagtalik sa loob ng 7 araw kapag nagsisimula pa lamang sa pagtake ng mga ito. Bukod pa dito, ang tamang pag inom ng pills ay sinisimulan sa unang araw ng huling regla at hindi pagkatapos ng pagreregla. Mula sa mga nabanggit ko, masasabing hindi pa lubos ang kakayanan ng pills na nainom mo upang maiwasan ang pagbubuntis.
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Typically ang Menstrual Cycle ng isang babae ay 25-32 days, average ay 28 days. Ang pagbilang ay mula sa unang araw ng iyong huling regla. Day 1-7 (madalas 3-7): pagreregla ng kababailhan Day 8-12: ang paghahanda at pangangapal ng matres para sa posibilidad ng pagbubuntis. Day 14 (day 12-16): ang ovulation o paglabas ng itlog mula sa obaryo. Ito din ang panahon kung saan ang babae ay matuturing na fertile o maaring magdalang-tao kung nakipagtalik sa mga araw na ito. Day 17 onwards: ito ang panahon kung saan maaring mangapal pa ang matres kung ikaw ay nabuntis OR ang panahon na ang namuong dugo ay magsisimulang numipis kung ikaw ay hindi nagbuntis at niregla. Kung bibilangin ang araw ng iyon pakikipagtalik, (Kung January 10 ang unang araw ng iyong pagreregla) ito ay naganap sa ika-7 na day ng iyong cycle. Ito ay labas sa iyong fertile period kaya mababa ang chance na ikaw ay mabuntis kahit na hindi gumana ang pills na iyong ininom. this is applicable kung regular kang dinadatnan

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.