Epekto ng Panay Inom ng Gamot ng Walang Reseta - Iatrogenesis

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas umiinom tayo ng gamot ng walang reseta o nag-se-self medicate. Ang di natin alam unti-unti na pala may nadadamay sa ating kalusugan.
 
Paguusapan sa videong ito ang masamang epekto ng sobrang paginom ng iilang karaniwang gamot na madalas natin inumin pag may nararamdaman, kasama na mga over the counter drugs at antibiotics.
 
Konektado dito, dapat din alamin na may sakit na tinatawag na hypochondria (o Illness Anxiety Disorder), kung saan wala naman sakit ang isang tao ngunit labis na nag-aalala na siya ay may seryosong sakit, at na-mi-misinterpret ang mga maliliit na sintomas na akala’y may malubhang karamdaman, kahit wala naman talaga. Ang problema, sa sobrang pag-aalala at pagiisip, baka tuluyan silang magkasakit. Parang parehas din ito ng "psychosomatic disorder" na tumutukoy sa isang kondisyon kung saan ang mga pisikal na sintomas, tulad ng sakit ng ulo, pangangati o pananakit ng katawan ay sanhi ng kaka-isip, tulad ng stress, pagalala at iba pang emosyonal na isyu.
 
Mahalagang malaman ito dahil maaaring kahit wala tayong sakit ay umiinom tayo ng gamot, na may side effects sa katawan.
 
Narito ang ilang halimbawa ng mga karaniwang gamot at ang posibleng side effects ng kanilang matagalang paggamit:
 
1.     Pain relievers tulad ng Ibuprofen at mefenamic acid. Kabilang sa mga brand ng pain relievers ang Advil, Ponstan at Alaxan – Ginagamit ang mga pain relievers hindi lamang para sa pagpapagaan ng sakit kundi pati na rin para sa pagbabawas ng inflammation (pamamaga) at pagpapababa ng lagnat. Ang mga Non-steroidal anti-inflammatory Drugs (NSAID) ay epektibo sa paggamot ng iba't ibang uri ng sakit, kabilang ang sakit mula sa arthritis, menstrual cramps, muscle strains, at iba pang mga uri ng acute pain. Ngunit ang sobrang paginom ng pain relievers ay maaaring maka-sanhi ng masamang epekto tulad ng:
Gastrointestinal Problems: tulad ng Ulcer at bleeding sa gastrointestinal tract.
Kidney Damage: Lalo na sa mga taong may existing kidney problems.
High Blood Pressure: Maaaring magpataas ng blood pressure.
Heart Problems: Ang matagalang paginom ng pain relievers ay maaaring magdulot ng mas mataas na tsansang magka heart attack o stroke.
 
2.     Paracetamol - Ang paracetamol, o kilala rin bilang acetaminophen sa United States, ay isang gamot na ginagamit para gumaan ang pakiramdam (analgesic) at para pababain ang lagnat (antipyretic). Ang sobrang paginom ng pain relievers ay maaaring maka-sanhi ng masamang epekto tulad ng:
Liver Damage: Lalo na kapag ginamit sa mataas na dosage o ng matagalang panahon, o kung umiinom din ng alak. Ang atay ang pangunahing organ na nagpoproseso ng paracetamol, at ang labis na paggamit nito—lalo na ang paglampas sa maximum recommended daily dose—ay maaaring magresulta sa serious liver damage. Mahalagang sundin ang mga gabay sa dosis na nakalagay sa packaging at hindi lumampas sa inirekomendang dami.
 
3.     Decongestants - Ang decongestants ay mga gamot na ginagamit para mabawasan ang congestion o baradong ilong. Ito ay karaniwang ginagamit para sa paggamot ng mga sintomas ng sipon, trangkaso, at allergic rhinitis. Ang iilang brands ng decongestants sa Pilipinas ay: Neozep, Bioflu at Decolgen.  Ang sobrang paginom ng pain relievers ay maaaring maka-sanhi ng masamang epekto tulad ng:
Pagtaas ng Blood Pressure: Kaya’t hindi inirerekomenda para sa mga taong may hypertension.
Heart Palpitations, Anxiety, at Insomnia ang decongestants.
 
4.     Antibiotics - Ang antibiotics ay mga gamot na ginagamit para gamutin at maiwasan ang mga bacterial infections. Binabawasan o pinapatay nila ang pagdami ng bacteria sa katawan at ginagamit para sa iba't ibang uri ng bacterial infections.
Ngunit ang hindi wastong paggamit ng antibiotics, tulad ng pag-inom nang walang sapat na dahilan o hindi tinapos ang pag-inom ng gamot ayon sa reseta ng doktor, ay nagdudulot ng antibiotic resistance, kung saan ang mga bacteria ay nagiging resistant sa mga gamot, na nagpapahirap sa paggamot ng mga impeksyon. At ang labis na paginom ng antibiotics ay maaaring magdulot din ng side effects, tulad ng pagkasira sa natural na balanse ng bacteria sa bituka.
Ang ilang antibiotics ay kilala rin bilang nephrotoxic, ibig sabihin, maaari maging sanhi ng pinsala sa bato o kidney. Kaya, mahalagang gamitin ang antibiotics lamang
kapag ito ay inireseta ng doktor.
5.     Laxatives -Ang mga laxatives ay ginagamit para sa pagtulong sa bowel movement at pagbawas ng constipation o hirap makadumi. Ang ilang kilalang brand ng laxatives na maaaring makita sa mga botika sa Pilipinas, Dulcolax at Lactulose. Ang sobrang paginom ng pain relievers ay maaaring maka-sanhi ng masamang epekto tulad ng:
Dependency: Ang matagalang paggamit ay maaaring humantong sa dependency, kung saan hindi na makadumi nang walang ginagamit o iniinom na laxatives.
Electrolyte Imbalance: Maaaring magdulot ng potassium loss na maaaring magpahina ng muscle function.
 
Mahalaga na gamitin ang mga gamot ayon sa inirekomendang dosage at tagal ng paggamit na nakasaad sa label o ayon sa payo ng doktor. Ang paggamit ng kahit anong gamot, kasama na ang mga over-the-counter (OTC) na gamot, ng matagalan o labis na dami ay maaaring magdulot ng iba't ibang side effects.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Medical Team
is a Medical expert in United States
<p>Kamusta ka na? Sa mga babae, ang pananakit sa may puson ay maaaring sanhi ng menstrual cramps o dysmenorrhea, ovarian cysts, nakunan, fibroids, endometriosis, pelvic inflammatory disease, o ectopic pregnancy.Pinakamabuting magpatingin ka sa iyong OB gyne o doktor. Sana bumuti ang iyong pakiramdam.</p>
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.