Ano po ang gagawin ko sa husband ko na isang OFW at may babae po sya sa Saudi? Kami po ay kasal at may 1 anak. Ang sabi nya po sa akin ihihinto nya daw po ang sustento sa anak ko kapag hindi ako pumayag sa kundisyon nya na ang pera ay babagsak sa pamilya nya.
Meaning na wala po ako mahahawakan na pera. Sabihin ko lang daw po sa pamilya nya mga needs ng anak ko. Tama po ba yun? Sabi po sa akin sa PAO wala daw po ako maikakaso sa husband ko dahil wala daw po dito sa Pinas. Ano po ang dapat kong gawin? Maraming salamat po.