Madalas nating marinig ang salitang “net worth” sa mga balita lalung lalo na sa pagdating sa mga politikong iniimbestigahan dahil sa kanilang hindi mapaliwanag na yaman. Ang net worth ay ang kabuuang pagmamay-ari ng isang indibidwal na naibawas na ang liability o ang kanyang mga pagkakautang. Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin kung ano ang estado ng isang indibidwal, kung sya ba ay mahirap, mayaman, o sobrang yaman.
Sa pag-aanalyze ng isang stock, kinakailangang malaman natin ang estadong pampinansyal ng isang kumpanya, kung sya ba ay may sapat na asset upang mapanatiling tumatakbo ang negosyo. Kinakailangan ma-analyze mabuti ang net worth ng isang kumpanya dahil dito rin matutukoy kung maayos ang takbo ng isang negosyo o kung ito ba ay malapit ng malugi.
Ngunit papaano nga ba sinusuri ang “net worth” ng isang kumpanya? Ito ay sa pamamagitan ng Statement of Financial Position.
Financial statements are probably the most important resource for any individual investor. All companies with stock trading on the Philippine Stock Exchange, the United States Stock Exchange (Dow Jones, Nasdaq, S&P, etc. are required to file financial statements with the Securities and Exchange Commission (SEC) each quarter.
Ano nga ba ang Statement of Financial Position?
Ang Statement of Financial Position o ang mas kilala sa tawag na “Balance Sheet” ay isang uri ng financial statement na nagpapakita ng tatlong elemento na bumubuo sa position ng isang kumpanya – ang Asset, Liability, at ang Equity.
Ito ay alinsunod sa accounting equation na: Asset = Liabilities + Equity.
Sa pamamagitan ng Balance Sheet ay natutukoy ang liquidity, solvency, financial structure, at ang capacity para mag-adapt ng isang kumpanya.
Ang Liquidity ang ang abilidad ng kumpanya na matugunan ang kanyang mga current obligations. Samantalang ang Solvency naman ay ang abilidad ng kumpanya na matugunan ang kanyang mga pang-matagalan (long-term) na mga obligasyon.
Mahalagang malalaman ang liquidity o solvency ng isang kumpanya upang matukoy kung sya ba ay may kakayahang matugunan ang kanyang mga hinaharap na obligasyon at kung sya ba ay may kakayahang suportahan ang kanyang pang-araw araw na operasyon.
Ang Financial Structure naman ay ang pinagkukunan ng financing para sa assets ng isang business. Ito ang nagdedetermine kung ilan sa mga assets ang nagmula sa hiniram na pondo (borrowed capital) o kung ito ba ay nanggaling sa mga owners (invested/ equity capital).
Mahalagang malaman ang financial structure upang matukoy kung ano ang source ng mga assets at kung papaano ito pinaghahatian sa pagitan ng mga creditors at owners.
Ang Capacity for Adaptation naman ay ang abilidad ng isang kumpanya na gamitin ang kanyang available cash para sa mga hindi inaasahang gastusin o para sa iba’t ibang mga investment opportunities.
Isang halimbawa nito ay ang paghahanda ng mga bangko pagdating sa mga litigation charges / expenses laban sa mga traders nito na kadalasang umaabot ng bilyong bilyong dolyar para lamang ma-isettle.
Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng Balance Sheet ng BPI para sa taong 2012.
Source: https://www.mybpimag.com/images/pdf/BPI_2012_Audited FS.pdf
Ano ang nilalaman ng isang Statement of Financial Position?
Ang unang bahagi ng isang Balance Sheet ay ang mga assets ng kumpanya. Mahalagang tandaan na ang asset ay nahahati sa dalawang bahagi – ang current asset at ang non-current asset. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
CURRENT ASSET
- Cash and Cash Equivalents – Dito nabibilang ang readily available cash ng isang kumpanya gaya ng pera nitong nakalagak sa bangko na pwedeng nyang i-withdraw anumang oras.
- Financial Assets at Fair Value (Trading Securities/ Other Investments in Quoted Equity Instruments) – Ito ang tawag sa mga assets na held for trading o yung mga securities na pagmamay-ari ng isang kumpanya na may intensyong syang ibenta sa loob ng maikling panahon at ang goal ay ang kumita sa pagbabago ng fair value ng security.
Halimbawa nito ay kung si Company ABC ay bumili ng stock ng Globe. Kung ang intensyon nya ay bilhin ito upang kumita sa pag-angat ng market price nito at wala syang intensyong panghawakan ito sa pangmatagalang panahon, ito ay maaari nyang ipresenta at ilagay sa Financial Assets at Fair Value dahil nasunod nito ang mga criteria na nakasaad sa IFRS para sa item na ito.
- Trade and other receivables – Dito nabibilang ang mga inaaasahang matatanggap ng isang kumpanya na pera sa loob ng isang taon o yung matatanggap sa loob ng operating cycle ng kumpanya, kung sino man ang mas mahaba.
Ang operating cycle ng isang kumpanya ay depende sa kung anong produkto ang ibinibenta nito. Ito ay kinabibilangan ng mula sa pagproseso ng raw materials para sa produkto hanggang sa ito’y tuluyang mabuo at readily available sa merkado hanggang sa maibenta ito hanggang sa ito’y makolekta. Halimbawa nito ay ang wine na may katagalan ang operating cycle na kung misan ay umaabot ng mahigit sa tatlong taon.
- Inventories – Dito makikita ang halaga ng mga produktong hindi pa naibenta ng kumpanya.
- Prepaid Expenses – Kapag sinabi nating prepaid ay ito’y kinabibilangan ng mga gastusing binayaran in advance gaya na lamang sa prepaid insurance na kadalasang binabayaran ng buo sa umpisa ng taon upang ma-cover ng insurance ang buong taon. Ito’y binayaran na in-advance pero hindi pa nagagamit.
Income statement
The income statement summarizes a firm's financial transactions over a defined period of time, whether it's a quarter or a whole year. This means the money the company gains/ earns from engaging yourself into productive activities. On the other hand, expenses are the amount of money required to meet the company’s basic needs and other important needs necessary to live to exist. The income statement shows you money coming in (revenues, also known as sales) versus the expenses tied to generating those revenues.
Cash flow statement
Cash flow statements report a company’s inflows and outflows of cash. This is important because a company needs to have enough cash on hand to pay its expenses and purchase assets. While an income statement can tell you whether a company made a profit, a cash flow statement can tell you whether the company generated cash. A company's sole reason for existing is to generate cash that can be distributed to shareholders. This dynamic is called a "positive cash flow."
Your financial statements are the basics of your financial literacy which in turn determines your level of financial intelligence. Financial intelligence is the foundation upon which you can create wealth. Whether you are a new investor, a small business owner, a manager, an executive, a non-profit director, or just trying to keep track of your personal finances, you need to understand how to read, analyse, and create financial statements so you can get a full and accurate understanding how much money there is, how much debt is owed, the income coming in each moth, and the expenses going out the door.
Abangan ang mga natitirang bahagi ng balance sheet sa ikalawang bahagi ng article na ito.