Ang Philippine Real Estate at ang mga Lisensya nito

Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines

Patok ang negosyo ng real estate sa ngayon lalong lalo na at maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Kaliwa’t kanan ay makikita natin ang mga tinatayong mga condominiums at mga community houses ng mga malalaking real estate companies gaya ng Megaworld, Ayala, at SM sa bansa lalong lalo na sa Metro Manila.



http://commons.wikimedia.org/wiki/File:Metro_manila_rp.jpg


Sa katunayan, ang mga real estate constructions na ito ay ang nagtataguyod sa paglago ng ating GDP na pumalo na sa 7.8% nitong first quarter ng taon – ang pinakamataas sa Asya na sinundan ng China at Indonesia. Kaya naman, kaliwa’t kanan rin ang mga naglilipanang mga flyers ng mga condominiums at apartments pag tayo’y bumibisita sa mga malls at iba pang mataong lugar.


Ngunit natanong nyo ba sa inyong mga sarili kung magkano ang kinikita ng mga real estate brokers sa bansa?


Ang mga real estate brokers ay kadalasang nakakatanggap ng commission na ang range ay nasa 3% hanggang 5% ng selling price. Sa makatuwid, kung ang presyo ng condominium na iyong binili ay nasa mga 3.5 Million pesos, ang mapupunta sa broker ay mga nasa 105,000 pesos gross. Ito ay masasabing malaki para sa mga ordinaryong Pilipino kung ikaw ay makakabenta kahit na sa isang unit lamang kada buwan.


Kung ikaw ay nagka-interes bigla dahil sa laki ng maaari mong kitain dito, may isa ka pang hakbang na kailangang suungin kung gusto mong pasukin ang pagbenta ng real estate. Ito ay ang pagkuha ng mga lisensya sa pagbenta nito. Ito ay dahil sa Real Estate Service Act (RESA) Law na isinabatas noong 2009 ay nililimitahan lamang ang real estate practice sa mga lisensyado nito na may uunting exemptions lamang.


Ano-ano ba ang mga lisensya na maaari kong kunin upang makapag-benta ng real estate?


May iba-ibang license ang maaari mong kunin pagdating sa real estate at ito’y kinabibilangan ng mga sumusunod:


1. Real Estate Consultant

2. Real Estate Appraiser

3. Real Estate Assessor

4. Real Estate Broker


Pero sa bahaging ito, akin munang pagtutuunan ng pansin ang mga kinakailangan mong gawin upang maging isang lisensyadong Real Estate Broker. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Magparehistro sa isang accredited real estate service training provider at kunin ang kinakailangang 120 credit units ng continuing professional education (CPE). Ilan sa mga providers nito ay ang mga sumusunod na kadalasang nagkakahalaga ng 18,000 pesos para sa buong seminar:


a. Pasay Makati Realty Board Inc.

b. PAREB Local Boards (Pasig Real Estate Board Inc., Marikina Valley Real Estate Board Inc., City of Taguig Real Estate Board Inc. (CTREB)

c. Paranaque Las Pinas Alabang Realtors Board Inc. (PLAREB)


2. Magparehistro para sa PRC Board Exam at magbayad ng kaukulang examination fee. Ang examination para sa Licensed Real Estate Brokers ay kadalasang ibinibigay lamang isang beses (1) sa loob ng isang taon. Ang mga requirements para makakuha ng exam ay ang mga sumusunod:


a. Citizen ng Pilipinas

b. Holder ng bachelor’s degree na nakuha mula sa isang unibersidad na kinikilala ng CHED.

c. Nakakuha ng 120 units of real estate subject at training mula sa mga accredited providers

d. Good moral character at hindi nahatulan ng kasong criminal o moral turpitude


Ipasa lamang ang mga sumusunod na mga requirements:


a. Original at Photocopy ng NSO Birth Certificate o Philippine passport na magpapatunay ng iyong citizenship

b. Original at Photocopy ng Transcript of Records o Diploma na may kasamang scanned picture

c. Original at Photocopy ng notarized Certificate of Employment (COE) at Professional Identification Card

d. Original at Photocopy ng NBI clearance

e. Original at Photocopy ng notarized na accredited seminar o training certificate

f. Community Tax Certificate

g. 4 colored passport size pictures (white background) na may kasamang nametag.


Ayon sa Real Estate Service Act (RESA) o RA 9646, ang Real Estate Broker’s exam ay kinapapalooban ng mga sumusunod na mga topics:


1. Fundamentals of property ownership;

2. Code of ethics and responsibilities;

3. Legal requirements for real estate practice;

4. Real estate brokerage practice;

5. Subdivision development;

6. Condominium concept and other types of real estate holdings;

7. Real estate finance and economics;

8. Basic principles of ecology;

9. Urban and rural land use;

10. Planning, development and zoning;

11. Legal aspect of sale, mortgage and lease;

12. Documentation and registration;

13. Real Property Laws and Taxation;

14. Any other related subjects as may be determined by the Board.


Ngayong alam mo na kung papaano lisensyadong Real Estate Broker, maghanda na para makamit mo na ang inaahasan mong maginhawang buhay!

Real estate that generates income or is otherwise intended for investment purposes rather than as a primary residence. It is common for investors to own multiple pieces of real estate, one of which serves as a primary residence, while the others are used to generate rental income and profits through price appreciation. The tax implications for investment real estate are often different than those for residential real estate.

Real estate is one of the few investment vehicles where using the bank's money couldn't be easier. The ability to make a down payment, leverage your capital, and thus increase your overall return on investment is incredible.


Some properties just require way too much time and management to make them smart investments. Examples include vacation rentals, low quality properties in bad areas, college rentals, etc. Nice boring properties rented for as long as possible to decent credit profile tenants seem to take the least time to manage.


About the author

Almario Jr Mendoza

Currently working in one of the biggest Investment Banks in the world. Has extensive experience in accounting, finance, and investments ranging from Bonds, Money Market, and the Stock Market. A member of Philippine Institute of Certified Public Accountants. A graduate of Ateneo Graduate School of Business and University of Santo Tomas.
Profession: Certified Public Accountant & Certified Securities Specialist (Philippine Stock Exchange)
Philippines , Metro Manila , Taguig City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.