Gaya ng ipinaliwanag ko sa nakaraang kong article, madalas na ginagamit ang candlestick ng mga technicians sa pag-analyze dahil madaling makita rito ang relasyon ng opening and closing prices ng mga stocks na madalas gamitin pagdating sa technical analysis.
Ang sumunusunod ay ang ilan sa halimbawa ng mga candlestick reversal patterns na senyales ng isang Bearish market.
1. Bearish Engulfing
Ang bearish engulfing ay binubuo ng dalawang candlesticks – ang una ay ang white at ang pangalawa ay ang black. Kaya ito tinatawag na engulfing o paglamon ay pinapakita nito na nilalamon ng black na candlestick ang white na candlestick. Kinakailangang ang white candlestick ay di hamak na mas maliit kaysa sa black candlestick. Sa katunayan, kapag mas malaki ang black ng di hamak, mas mataas ang pagkabearish ng merkado.
Pagkatapos ng advance (mas maraming white kaysa sa black), ang pangalawang black candlestick ay nagsisimula na sa pagbuo dahil sa buying pressure na nagiging dahilan para ang presyo ay magbukas (open) ng mas mataas kaysa sa nakaraan nitong pagsara. Subalit, ang mga sellers ay biglang papasok dahil sa opening gap na ito at magsisimulang pababain ang presyo. Pagdating sa pagtatapos ng araw, ang pagbebenta ay sobrang taas na ang presyo ay nagsasara ng mas mababa kung ihahambing sa nakaraang pagbubukas. Kailangangn matuloy-tuloy ang ganitong pattern para masabing ito’y isang bearish market gaya ng nasa chart sa ibaba.
2. Bearish Harami
Ang Bearish Harami naman ay binubuo ng dalawang candlestick gaya ng nasa chart sa ibaba. Ang una ay mas malaki ang katawan o body at ang pangalawa ay may maliit na katawan o body. Gaya ng ilang mga chart patterns, bago magsimula ang harami formation ay kakikitaan muna ang chart ng isang upward o advance trend. Ang harami ay may possibleng apat na kombinasyon, ang black/black, white/black, black/white, at white/white. Ang pinaka-bearish na combination ay ang black/white at black/black combination. Inirerepresenta nito ang biglaan at tuloy-tuloy na pagtaas sa selling pressure. Ang maliit na candlestick ay nagpapahiwatig ng consolidation bago ang continuation. Ang white/black at white/white combination naman ay maaari ring maging senyales ng isang bearish harami at senyales ng isang bullish reversal. Ang unang mahabang white candlestick ay senyales ng matibay na buying pressure o excessive na bullishness. Ang susunod nito ay ang gap down sa open nito nag nagrerepresenta ng biglaang shift sa mga sellers at ang potential na reversal.
Ang sumunusunod ay ang ilan sa halimbawa ng mga candlestick reversal patterns na senyales ng isang Bullish market.
1. Bullish Engulfing
Ang bullish engulfing naman ay kabaliktaran ng bearish engulfing. Ang chart sa ibaba ay nagpapakita na ang unang candlestick ay itim ang kulay at sinusundan ito ng white candlestick. Ang black candlestick ay kinakailangang mas maliit kaysa sa white para ito’y magawang lamunin ng white. Kapag mas malaki ang white candlestick ng di hamak sa black ay mataas ang senyales ng pagkabullish nito.
Pagkatapos ng decline (mas maraming black kaysa sa white), ang pangalawang white candlestick ay nagsisimula na sa pagbuo dahil sa selling pressure na nagiging dahilan para ang presyo ay magbukas (open) ng mas mababa kaysa sa nakaraan nitong pagsara. Subalit, ang mga buyers ay biglang papasok pagkatapos ng pagbubukas at magsisimulang pataasin ang presyo ng higit sa nakaraang opening nito nag magdudulot ng matibay na pagtatapos at ang posibleng short-term reversal. Kailangangang matuloy-tuloy din ang ganitong pattern para masabing ito’y isang bulish market gaya ng nasa chart sa ibaba.
2. Bullish Harami
Ang bulish harami naman ay kabaliktaran lamang ng bearish harami. Ang Bearish Harami naman ay binubuo ng dalawang candlestick gaya ng nasa chart sa ibaba. Ang una ay mas malaki ang katawan o body at ang pangalawa ay may maliit na katawan o body. Ang harami ay may possibleng apat na kombinasyon, ang black/black, white/black, black/white, at white/white. Gaya ng ilang mga chart patterns, bago magsimula ang harami formation ay kakikitaan muna ang chart ng isang downward o declining trend. Ang pinaka- bullish na combination ay ang white/white at white/black combination. Inirerepresenta nito ang biglaan at tuloy-tuloy na pagtaas ng buying pressure. Ang maliit na candlestick ay nagpapahiwatig ng consolidation. Ang black/black at black/white combination naman ay maaari ring maging senyales ng isang bullish harami Ang unang mahabang itim na candlestick ay senyales ng matibay na selling pressure o capitulation. Ang susunod nito ay ang gap up sa open nito nag nagrerepresenta ng biglaang shift at pagtaas sa buying pressure at ang potential na reversal.
Abangan ang iba pang klase ng mga chart patterns sa susunod kong mga articles.