Gamot sa Kidney: Panlinis ng Pantog, Bato, at Daluyan ng Ihi, Halaman at natural na medisina

Medical Team
is a Medical expert in United States

Kapag hindi gumagana ng maayos ang ating kidney, naiipon ang dumi sa loob. Nakakaapekto ito sa atay at ibang lamang loob at parte ng katawan, kaya’t pakiramdam natin ay pagod, masakit ang ulo o malaki ang tiyan. Kaya’t mahalagang maagapan at malunasan ang sakit sa kidney, lalo na’t nakakasanhi din ito ng high blood pressure at diabetes.

Pwera sa mga modernong gamot na nirereseta ng mga doktor, may mga halamang gamot na maaaring makatulong sa iilang sakit sa bato. Kahit matagal nang panahon ang nagdaan, may mga natural na gamot mula sinaunang panahon na patuloy pa ring ginagamit ng iba hanggang ngayon. Marami rin sa mga halamang ito ang napatunayan na sa maraming pag-aaral na epektibo at hindi lamang nakakagaling, kundi nakakapagpabuti din sa kalusugan.

Subalit, siyempre, mabuting wag gagamutin ang sarili, lalo na kapag di pa tiyak na natukoy ng doktor ang iyong sakit. Magpatingin muna sa doctor o nephrologist, upang matiyak kung ano ang iyong karamdaman at ang lunas dito. Ililista rin sa artikulong ito ang iilang mga karaniwang nireresetang gamot ng mga doktor para sa kidney, bilang batayan sa mga gustong makakuha ng dagdag na impormasyon.

Nasa ibaba ang balangkas ng artikulong ito, upang magsilbing gabay sa pagbasa at paghanap ng impormasyon:
I.               Tungkulin ng Kidney
II.             Signs ng may problema sa Kidney
III.           Sanhi ng sakit sa Kidney
IV.           Pag-iwas sa sa sakit sa Kidney
V.             Gamot sa Kidney
VI.           Komplikasyon
Paguusapan ng artikulong ito ang mga natural at halamang gamot sa kidney, at pati na rin mga gamot na madalas na i-reseta ng doktor (urologist o nephrologist). Ngunit bago ito tatalakayin, mahalagang mayroong pasimulang impormasyon tungkol sa kidney upang makatulong sa mambabasa sa pagunawa ng paksa, tulad ng kung ano gawain ng kidney, sintomas ng sakit sa bato, mga sanhi ng sakit sa kidney, at paano ito maiwasan.

Kung di interesado dito sa mga pasimulang impormasyon o sa mga ibang bahagi ng artikulo, at gustong direktang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga gamot sa kidney, maaaring dumiretso na kaagad sa bandang ibaba ng artikulo, kung saan tinatalakay mga gamot sa kidney o bato.
 
I.               Tungkulin ng Kidney
Tulad ng nabanggit, importanteng alamin muna kung ano ang tungkulin ng kidney sa katawan, dahil may kaugnayan ito sa lunas sa mga sakit na nararanasan sa kidney.
Napakamahalagang parte ang kidney sa ating katawan, kahit na kasing laki lamang ang kidney ng ating kamao at tumitimbang ng ¼ pound.
Matatagpuan ang kidney sa gilid ng ating gulugod, sa ibaba ng ating tadyang. Maraming mahalagang tungkulin ang ginagampanan ng ating kidney. Nililinis ng kidney ang ating dugo ng mga apatnapung beses sa isang araw.
Binubuo ng isang milyong nephrons ang kidney na nagsasala at nagtatanggal ng mga dumi at sobrang likido na nilalabas natin sa katawan tuwing tayo ay umiihi.
Pinapanatili din ng ating kidneys ang angkop na antas ng likido sa katawan. Tumutulong din ang kidneys sa pagkontrol ng presyon ng dugo, at pagpapanatiling malusog ang mga buto.

Sa sunod na bahagi, aalamin muna natin mga signs kung may sakit sa bato ba ang isang tao, para tsaka malaman kung kelangan magamot ito.


II.            Maagang signs ng sakit sa kidney
Bago nating pagusapan ang mga lunas at gamot sa kidney, kailangan muna matiyak kung may sakit sa kidney o wala. Kung wala pang budget magpa-konsulta sa doktor, pwede namang magpasuri sa mga libreng health center. Mahalaga ring magpa-blood test at urine test, upang masuri kung may sakit sa bato.

Pwera diyan, meron din mga maagang warning signs kung may sakit sa bato o kidney. Dahil madalas di natin pinapansin ang mga maagang warning signs ng sakit sa bato.
Mahalagang maagapan ito, dahil isa sa pinaka-karaniwang sakit sa mga Pilipino ang kidney disease. Kung hinayaan lang, pwedeng lumala at magka-komplikasyon. Pero wag magalala, dahil pag natukoy kaagad ang mga unang warning signs, maaaring magamot kaagad.

Narito ang iilang maagang warning signs ng sakit sa bato, para maagapan agad:
1. Matamlay o nanghihina – Kapag nahihirapan gumana ang ating bato o kidney, naiipon ang mga dumi sa dugo. Kaya’t pakiramdam mo ay nanghihina, matamlay at hirap maka-concentrate. Maaaring magkaroon rin ng anemia o kulang sa dugo. 
2. Namumugto ang mata – Kapag madalas namumugto ang mata ng walang dahilan, maaaring senyales ito na hindi gumagana ng maayos ang kidney, dahil naiiwan ang tubig at asin sa katawan.

3. Nanunyong balat o kaliskis – Tinatanggal ng ating kidneys ang mga dumi sa katawan. Kapag kulang sa nutrisyon at mineral ang duo, nagiging marupok ang mga buto, kaya’t nanunyo at nangangati ang balat.
4. Palaging naiihi  - Kapag palagi kang naiihi, lalo na sa gabi, maaaring may problema sa bato. Kapag di gumagana ng maayos ang kidney, maaaring mabilis maihi. Maaaring senyales din ito ng urinary infection o lumalaking prostate sa lalaki. 
5. Mabula ang ihi – Pag mabula ang ihi, lalo na kapag kelangan iflush ng ilang beses ang toilet bago mawala, maaaring indikasyon ito na maraming protina sa ihi.
6. Namumulikat – Nawawalang ng mineral at likido (electrolyte) ang katawan kapag di gumagana ng maayos ang kidney. Halimbawa, maaaring kokonti ang calcium sa katawan kaya’t madalas magka-pulikat.
7. Namamanas paa at bukong-bukong – Naiipon ang asin o sodium sa katawan kapag pilay ang kidney. Kaya’t maaaring mamaga ang paa at bukong-bukong dahil dito. Maaaring senyales din ito ng sakit sa puso o problema sa ugat.

8. Dugo sa ihi - Sinasala ng ating bato ang mga dumi sa dugo, para maging ihi. Pero kapag may problema ang pansala ng kidney, maaaring makapasok ang dugo sa ihi. Maaaring senyales din ito ng kidney stones o infection o tumor.
 
 
III.          Sanhi ng problema sa kidney
Importante ring malaman ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa kidney. Dahil ang pag-iwas ay mas madali kaysa sa paglunas. Kung alam mo kung ano mga dahilan na nagdudulot ng problema sa bato, mas madaling maiwasan kaysa gagastos pa ng pera at oras para magamot ito. (Pero kung nasuri ka na ng doktor at natukoy na may sakit sa bato, at gusto mo na lang malaman kung ano mga natural na gamot sa kidney, maaaring dumiretso nalang sa bandang ibaba ng artikulo tungkol sa gamot sa bato)

Kaya palaisipan kung bakit nga ba maraming pinoy ang nagkaka-sakit sa bato. Posibleng dahil sa mga kinakain, lalo na mga maaalat tulad ng sobra sa asin, toyo, patis, bagoong. Isa pa, dahil sa kahirapan ng buhay, maraming madalas kumain ng mababang kaledad na pagkain, tulad ng processed foods, delata, o instant noodles. Tatalakayin sa sunod kung ano sanhi ng mga karaniwang sakit sa kidney, tulad ng Chronic Kidney Disease at Kidney stones.
 
Sanhi ng CKD o Chronic Kidney Disease
Napakarami ang may Chronic Kidney Disease o CKD na isang kondisyon kung saan di na maayos na nasasala ng kidney ang ating dugo. Dahil dito, ang ibang dumi sa dugo ay nananatili sa katawan. Tinatawag itong “chronic” dahil pabalik-balik ito at unti-unti nitong sinisira ang kidney sa loob ng matagal na panahon. Ang pagdami ng dumi sa katawan ay nakakabahala at maaring magdulot ng sakit at atake sa puso. Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, isang Pilipino ang nagkakaroon ng CKD kada 40 minuto. Tinatayang isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ang Chronic Kidney Disease.

Upang maagapan ang paglala ng pagkasira ng kidney, mainam na kumonsulta sa iyong doctor na magsasagawa ng mga pagsusuri upang malaman kung ano ang dahilan ng iyong CKD.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng CKD ang isang tao, at narito ang iilang mga maaaring sanhi:
Ang sobrang asukal sa dugo ay nakapagdudulot ng pagkasira kidney. Habang tumatagal, pinapalala ng mataas na antas ng asukal ang bato, hanggang di na nito makayang masala ng husto ang dugo. Ilan sa mga sintomas ng pagkasira ng kidney dahil sa diabetes ay ang pagkakaroon ng protein sa ihi, pamamaga ng binti, at palaging pag-ihi sa gabi.

Ang high blood pressure o altapresyon ay maituturing na isa sa mga pangunahing sanhi ng CKD. Hindi makakagana ng maayos ang kidney ng taong may altra presyon dahil sinisira nito ang mga ugat. Ang kidney na di gumagana ng maayos ay hindi nakakasala ng dumi at sobrang likido. Ang pagkakaroon nito sa katawan ay higit pang nagpapataas ng presyon ng dugo, na lalong nakakalala ng sitwasyon.

Ang mga sakit na tumatama sa sistemang panlaban ng ating katawan o immune system ay maaaring sanhi rin ng CKD. Isa na dito ang Lupus kung saan bumubuo ang katawan ng mga proteins na umaatake sa mga laman loob, kasama ang kidney. Ang taong may lupus ay maaring makaranas ng dugo sa ihi, mataas na presyon, hanggang sa lumala at magdulot ng permanenteng pagkasira ng kidney.

Maari ka ring tamaan ng CKD kung ikaw ay mataba. Sa ilang pag-aaral na ginawa, nakumpirma na ang pagtaas ng BMI ay maaaring magresulta  sa pagtaas din ng posibilidad ng pagkakaroon ng CKD.

Ang paninigarilyo ay hindi lamang nakakasama sa ating baga, nakakasira din ito sa ating kidney. Kung ihahambing sa mga taong di naninigarilyo, higit sa apat na beses na maaring magkaroon ng CKD ang mga taong naninigarilyo. Maraming nakakalasong sangkap ang sigarilyo gaya ng nicotine na nakakataas ng presyon ng dugo, at pagkakaroon ng taba na bumabara sa mga ugat.

Ngunit hindi madaling matukoy kung ikaw ay may sakit sa kidney. Halimbawa, maaaring wala ka pa ring maramdamang sintomas, kahit sampung posyento nalang ng iyong kidney ang gumagana. Nalalaman lamang ito ng tiyak sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo at ihi. Kaya’t kapag may nararamdamang sintomas, mabuting magpatingin sa doktor o magpa-blood test.

Mahalaga ring bantayan ang uric acid level ng isang tao, dahil nakakasama ito sa kidney. Kapag mataas ang uric acid level ng isang tao, nahihirapan ang kidney na mailabas ang uric acid sa ihi. At kapag nangyari ito, maaaring bumuo at maging crystals ang uric acid, na pupunta sa kasukasuan, na nagreresulta sa pagkaroon ng gout o arthritis. Di lang ito masakit, kundi maaaring lumala at makadulot ng permanenteng pinsala sa buto at kasukasuan. Maaaring makasanhi rin ito ng ibang kidney disease at sakit sa puso.
 
Sanhi ng Kidney stones
Ang bato sa kidney ay maituturing isa sa mga kalimitang sakit sa sistemang pang-ihi. Bawat taon, higit sa kalahating milyon katao ang napupunta sa mga ospital dahil sa pagkakaroon ng bato sa kidney. Sa isang punto ng ating buhay, isa sa kada sampung tao sa buong mundo ang nagkakaroon nito.

Ang ating mga kidney ay responsable sa pagpapanatili ng tamang antas ng sodium, potassium, at calcium sa dugo. Kung malusog ang mga kidneys, nalilinis nila ng maayos ay ating dugo sa pamamagitan ng pagsasala sa mga dumi na nailalabas ng katawan sa ating pag-ihi.

Kung maraming dumi ang sumasama sa kakaunting likido sa ihi, may mga krystal na namumuo. Ang mga dumi ng katawan, gaya ng uric acid, at calcium oxalate na kung hindi mailalabas ay nagiging bato. Ang mga batong ito ay nagsisimula sa maliit, kasinlaki ng butil ng buhangin at maaring lumaki kagaya ng isang bola ng golf. Kahit gaano man ito kaliit, maaring makaramdam ng pagkirot tuwing lumalabas ito. Ito ay maaring bumaba sa ureter o ang tubo kung saan dumadaan ang ihi galing kidney papuntang bladder. Kung may bato na maiipit dito, binabara nito ang daloy ng ihi at magdulot ng pagdudugo.


Mayroong ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng bato sa kidney ang isang tao. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang mababang antas ng tubig sa katawan ay isa sa mga pangunahing dahilan ng bato sa kidney. Maaring ito ay dulot ng matinding na pag-eehersisyo, o ang di sapat na pag-inom ng tubig.
Kung kakaunti lamang ang iyong naiihi, nagiging mataas ang konsentrasyon ng dumi sa ihi. Tubig ang maituturing na pinakaepektibong likido na kelangan inumin na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng bato sa kidney. Malaking tulong ang pag-inom ng  di bababa sa 8 basong tubig araw-araw upang makapaglabas ng mga 6 na baso na ihi.
2. Ang pagiging mataba ay maaring makapagdulot din ng bato sa ating kidney, dahil kelangan mag-doble kayod ang kidney sa trabahong pagsala ng dumi. Maraming pag-aaral ang nag-uugnay sa mataas na timbang at bato ng kidney. Napag-alamang 90% ng mga babaeng may timbang na higit 100 kilo ay nagkakaroon ng bato sa kidney. Ang pagkain ng matatamis, maaalat, at pulang karne ay sinasabing nagpapataas din daw ng antas ng uric acid na maaaring maging bato sa kidney.
3. May malaking epekto rin ang mga kinakain natin sa pagdudulot ng bato sa kidney. Ang pagkain ng maalat na pagkain ay nakakataas ng antas ng calcium sa ating katawan. Ito ay maaring maging sanhi ng pagipon ng calcium na maaring makabuo ng bato.
Ang mga pagkaing sagana sa protein naman, gaya ng baka, manok, at baboy ay karaniwang nakakataas ng antas ng uric acid sa dugo. Sa isang pag-aaral na ginawa sa Univertisty of Chicago, napag-alaman na sa loob ng anim (6) na linggo na pagkain ng mataas sa protina ay nakakataas ng asido sa kidney, kaya tumataas ng posibilidad na magkaroon ng bato sa kidney.
4. Ilang kondisyon din na nagdudulot ng pagtatae gaya ng Chron’s Disease at operasyon sa bituka ay maaring magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng bato sa kidney.
Ang pagtatae ay maaaring makaresulta ng pagkawala ng tubig sa katawan at napapababa ng dami ng ating iniihi. Ang pagkakaroon ng Chron’s Disease ay nakakababa din ng kapasidad ng katawan na sumipsip ng taba, kaya tumataas ng tsansa na magkaroon ng bato dahil sa pagkaipon ng oxalate sa kidney.
5. May mga sakit na nakakapagdulot din ng bato sa kidney. Isa na dito ay ang kakaibang paglaki ng parathyroid gland na kumokontrol sa metabolismo ng calcium. Ang Distal Renal Tubular Acidosis ay isang kondisyon rin sa kidney kung saan hindi nasasala ng maayos ang acid na umiikot sa katawan. Itinatayang dalawa o tatlo sa sampung tao na may Autosomal Dominant Polycystic Kidney Disease (ADPKD) ay nagkakaroon din ng bato sa kidney. Ang mataas na antas ng calcium at acid dahil sa mga kondisyon na ito ay nagreresulta sa akumulasyon o pagbuo ng bato sa kidney.
6. May mga bato sa kidney na dulot ng impeksyon. Halimbawa dito ay ang bakteryang sanhi ng Urinary Tract infection (UTI). Ginagawang alkaline ng nasabing bakterya ang ating ihi dahil dinudurog nito ang urea sa ihi upang maging ammonia. Ang pagtaas ng alkaline ang sanhi ng pagipon ng magnesium ammonium phospate na nagiging bato sa kidney.
 
 
IV.          Pag-iwas sa Sakit sa Kidney
Mahalaga ring malaman ang mga maling nakasanayan upang makaiwas sa sakit ng bato. Dahil mas madali ang pagiwas kaysa sa paggamot.
 
Pag-iwas sa sakit sa bato
Upang maiwasan at maagapan ang Chronic Kidney Disease, nirerecommenda ng mga eksperto na:
a.     Mag-ehersisyo ng mga 30 minuto ilang beses sa isang linggo
b.     Matulog ng di bababa ng pito hanggang 8 oras kada araw
c.     Itigil ang paninigarilyo
d.     Kumain ng masustanyang pagkain
e.     Limitahan ang pag-inom ng alak
 

Pagkaing nakakasira ng kidney
Kaugnay sa pag-iwas sa kidney disease, importante ring tukuyin kung ano mga pagkaing nakakasama sa kidney. Ito ay dahil maraming nagkakasakit sa bato dahil sa mga maling nakasanayan tulad ng maling kinakain. Kaya’t mahalagang malaman mga kinakain na maaaring makasira sa kidney kapag naparami, para bumaba ang tsansang magkaroon ng sakit sa bato.

At delikado ito, dahil nakakasanhi ang sakit sa kidney ng high blood pressure, panghina ng mga buto, at pagbaba ng bilang ng dugo. Kaya’t di lang kidney ang nasisira, kundi maaaring magdulot din ito ng sakit sa puso at problema sa dugo.

Hindi ito napapansin agada agad, kundi unti-unting naiipon, hanggang humantong sa kidney failure, na nagagamot sa renal dialysis at kidney transplant.

Narito ang ilang nakakagulat na pagkain na maaaring makasira pala sa kidney kapag naparami:
1.     Red Meat o Pulang karne
Ang mga red meat ay mga karne na medyo maitim o mapula ang kulay, tulad ng karne ng baka at baboy. Kapag naparami ng kain ng red meat, maaaaring makataas ng tsansang magka-kidney disease. Dahil may mga protein sa red meat na nakakasira sa pagsala ng ating kidney kapag naparami.
2.     Sardinas – Masustansya ang sardinas dahil merong itong omega-3 fatty acids na nakakabuti sa kalusugan. Ngunit may mga isda tulad ng sardinas na mataas ang nilalaman na purines. Ang purines ay nakakasama sa kidney kapag naparami, dahil nagiging uric acid ito sa ihi na maaari maging uric acid stones. Kaya’t kapag masyadong napapadalas ang pagkain ng sardinas, mabuting bawasan ang pagkain nito, upang maiwasan ang pagtaas ng uric acid sa ihi at pagbuo ng uric acid stones. Maaari namang limitahan ang pagkain ng sardinas sa 1-2 beses sa isang linggo.
3.     Softdrinks – Base sa pagaaral ng mga siyentipiko, nakakataas ng tsansang magkaroon ng chronic kidney disease ang madalas na paginom ng softdrinks. Nahihirapan ang kidney na umaandar ng maayos kapag sobra ang asukal sa katawan.
4.     Alak Ang paginom ng mas marami sa 2 boteng beer o dalawang shot ng hard liquor sa isang araw ay maaaring makasanhi ng chronic kidney disease. Lalo na kapag naninigarilyo ka rin. 
5.     Salt – Mahalaga ang asin sa katawan, ngunit kapag napasobra ito, maaaring makapinsala ito sa katawan. Halimbawa, nakakasanhi ito ng mga sakit sa bato, dahil nasisira ang balanse ng asin sa katawan, at nahihirapan ang kidney na ilabas ang asin sa katawan. Nakakataas din ito ng blood pressure, na nakakasama sa ating kidneys.
6.     Mga Processed foods o Delata
Mataas sa sodium at phosphorus ang mga processed foods, na nakakadulot ng sakit sa bato kapag naparami. Maaaring kumain ng processed foods tulad ng delata, pero hinay hinay lang, at iwasan na palagi.
7.     Pagkaing mataas sa asukal
Nakakataba ang asukal, kaya’t nakakataas ito ng tsansang magkaroon ng high blood pressure at diabetes, na madalas sanhi ng sakit sa bato. Di lang mga desserts ang mataas sa sugar, kundi pati narin ibang inumin tulad ng softdrinks, at mga packaged food tulad ng biscuits.
8.     Painkillers – Normal lang na uminom ng painkillers pag may nararamdaman na sakit. Nabibili rin lang ito sa mga botika ng di kelangan ng reseta ng doctor. Ngunit may mga iba na madalas umiinom ng painkillers dahil meron silang ibang karamdaman na kelangan ito. May iba naman na mahilig lang talaga uminom ng painkillers, kahit kakaunting sakit lang ang nararamdaman. Pero masama ang painkillers o analgesics kapag naparami. Mga halimbawa ng analgesics ay  ang aspirin, ibuprofen, at acetaminophen. Kaya’t wag basta basta iinom ng madalas kapag walang konsulta ng doctor.

Pwera dito, importante na alam natin ang mga pagkaing nakakataas ng uric acid, para maging malusog ang kidney. Dahil kapag mataas ang iyong uric acid, may mga gulay na dapat iwasan. Kahit na masustansya ang mga gulay, may mga gulay na nakakasama sa kidney, dahil nakakataas ang mga ito ng antas ng uric acid sa katawan.
Halimbawa ng mga ito ay:
- Spinach - Di mapagkakaila na masarap at masustansya ang spinach sa katawan. Mayaman ito sa nutrients, minerals at fiber. Ngunit mataas ang nilalaman na oxalate ng spinach, na nakakasanhi ng calcium oxalate o kidney stones.
- Nakakataas din ng uric acid levels ay mga kangkong, asparagus, peas at cauliflower.
- Sa kabilang banda, mayroon din naman mga gulay na nakakabuti sa kidney na nakakatulong upang pababain ang uric acid levels. Halimbawa, ay mga kamatis, broccoli, cucumber (pipino), kalabasa at kintsay o celery.
- Iwasan din ang mga red meat o pulang karne. Ang red meat ay ang mga karne na mapula kapag hilaw at parang kulay brown ang kulay. Halimbawa nito ay ang baboy at baka. Ang manok naman ay itinuturing na white meat, pwera sa hita, na mamula-mula, kaya’t ito ay itinuturing red meat. Nakakataas din ng uric acid ang sobrang paginom ng alak. Halimbawa, iwasan araw-arawin ang paginom ng alak, at limitahan sa dalawang boteng beer kada araw.

Ayon sa National Kidney Foundation sa Amerika, mahalaga din ang ehersisyo sa magandang pagandar ng kidney. Dahil nakakababa ang ehersisyo sa blood pressure, sa kolesterol at sa timbang. Nakakatulong din ito sa magandang pagtulog. Lahat ng ito ay nakakatulong na maging maayos ang pagtakbo ng kidney.
Upang malaman kung mataas ang iyong uric acid, maaaring magpakuha ng blood sample laboratory, at ipa-test ito kung ano ang antas ng iyong uric acid.
Pansamantala, maaaring uminom ng mas maraming tubig, na hindi bababa sa 8 basong tubig kada araw. Ngunit iwasan ang mga softdrinks na nakakasama.
 
 
V.              Gamot sa Kidney
Narito na ang pinaka-inaabangan nating bahagi ng artikulo, kung saan ipapaliwanag at tatalakayin ang mga itinuturing halamang gamot o natural na medisina sa kidney.
Iimbistigahan natin ang mga iba’t ibang pinaniniwalaang natural na gamot, base sa problema sa kidney.
 
Pampababa ng Creatinine
Ang creatinine ay isang tirang sangkap na sinasala ng kidney at nilalabas ng katawan tuwing tayo ay umiihi. Dahil ito ay isang dumi, ang pagdami ng antas nito sa ating katawan ay nakapipinsala sa ating kidney. Ayon sa mga eksperto, maituturing na normal ang level ng creatinine sa ating dugo kung ito ay nasa pagitan ng 0.8 – 1.3 mag/dL sa mga lalaki samantalang 0.6 – 1.1 mag/dL naman para sa mga kababaihan. Kung ang creatinine level natin ay mataas, ito ay nangangahulugan na hindi malusog ang ating kidney dahil hindi nito nasasala ng maayos ang creatinine na dapat sana ay nilalabas ng ating katawan. Maaaring makamatay ito, at kung hindi maaagapan, ay maaring magdulot ng uremia, isang kondisyon kung saan ang pagbubuo ng dumi sa ating dugo ay nakakapagdulot ng permanenteng pagkasira ng ating kidney. Ilan sa mga sintomas nito ay ang matinding sakit ng ulo, pagsusuka, pagkapagod, at pulikat.

Ang mataas na level ng creatinine ang kailangang maagapan bago pa lumala at magdulot ng kidney failure. Importanteng maging maingat tayo sa ating mga kinakain at siguruhing di mawawala sa ating hapag-kainan ang mga pagkaing sagana sa fiber, bitamina, at iba pang minerals na nagpapalakas at naglilinis sa ating kidney. Makakatulong din ang pagbabago sa ating nakasanayang pamumuhay gaya ng pag-iwas sa alcohol, pag-inom ng maraming tubig, at simpleng pag-eehersisyo upang mapanatili natin ang kalusugan ng ating kidneys.

Maraming paraan ang pwedeng gawin upang maiwasan ang komplikasyon sa ating kidney dulot ng mataas na creatinine level. Isa sa pinakamadali at pinakaepektibong paraan upang mapababa ang creatinine ay ang pagtutok sa ating kinakain. Masagana ang ating komunidad at palengke sa mga pagkaing mabisa sa pagcontrol at pagmaintain ng creatinine sa naayong antas.

Ayon sa maraming pag-aaral, ang pagkain na puno ng dietary fiber ay tumutulong sa pagpapababa ng creatinine lalo na sa mga taong may sakit na sa kidney. Ang mga pagkain gaya ng kamote, pechay, mansanas, at saging ay ilan lamang mga pagkain na masustanya at puno na fiber na maaaring makatulong na maiwasan ang CKD o Chronic Kidney Disease.

Ang cucumber o pipino ay isa sa mga gulay na kilalang nakakababa ng creatinine. Ang mataas na creatinine at sakit sa kidney ay pinapalala ng dehydration o kawalan ng sapat na tubig. Dahil ang pipino ay matubig na gulay, nakakatulong ito sa upang punan ang kakulangan ng tubig habang tinatanggal ang sobrang creatinine at uric acid sa katawan. Mayaman din sa Vitamin C, magnesium, at folate na tinuturing na mga tagalinis ng kidney.   
Bawal ang sodium at maaalat na pagkain sa mga taong may problema sa kidney, kaya nirerekomenda ang pagdadagdag ng iilang piraso ng sibuyas at bawang sa mga lutuin upang mapasarap ang pagkain na di na kinakailangan lagyan ng asin o betsin. Nakakatulong din mga ito lalong-lalo na sa mga taong may problema sa kidney dahil sa taglay nitong antioxidants, na maaaring makatulong sa pagpapababa ng creatinine at urea nitrogen (Blood Urea Nitrogen). Hindi lamang ito pinapasarap ang ating pagkain, mayroon din silang quercitin na ayon sa mga eksperto ay maaaring mabisa sa pagtatanggal ng mga dumi na nakakapinsala sa ating kidney.
Kilala rin ang carrots na nakakatulong ipababa ang creatinine dahil sagana ito sa fiber, iron, magnesium, at Vitamin B6. Mayroon din itong pectin, isang fiber na tumutulong upang ayusin ang ating pag-ihi. Naiiwasan nito ang pagka-ipon ng creatinine at urea nitrogen (BUN) sa ating dugo na maaring makapinsala sa kidney. Nagtataglay din ito ng beta-carotene, isa sa mga minerales na tumutulong mabawasan ang pamamaga ng mga daanan na makikita sa kidney.
Ang paglagay ng kahit isang kutsarang olive oil sa ating pagkain ay nakakatulong daw upang iwasan ang pagtaas ng creatinine. Maraming pagsasaliksik ang ginawa kamakailan ukol sa epekto ng olive oil upang mapanatili ang kalusugan ng ating bato.
Maituturing din na super food ng kidney ang tuna at salmon dahil sa omega-3 fatty acids na nakukuha dito. May mga pag-aaral na rin tungkol sa bisa ng pagkain ng mga isdang mayaman sa omega-3 fatty acids na nagpakita ng pagbaba ng creatinine matapos kumain ng mga isdang sagana dito.  
 
Pagkaing pampababa ng Uric acid
Maaaring makasanhi ng maraming sakit ang mataas na antas na uric acid sa katawan  o Hyperuricemia, tulad ng gout, arthritis o pananakit sa kasukasuan. Maaaring makadulot rin ito ng kidney stones.

Pwera sa pagbawas sa mga pagkaing mataas sa purines na nakakasanhi ng uric acid, maaaring makatulong rin ang iilang pagkain upang mapababa ang uric acid sa katawan. Narito ang limang natural na pagkaing nakakababa raw ng uric acid:
1.     Maasim na prutas o Citrus fruits
Ang mga citrus fruits tulad ng calamansi o oranges ay mayaman sa vitamin C at citric acid. Nakakalinis ito ng mga sobrang uric acid sa katawan.
2.     Saging o Banana
Nakakatulong ang saging na pababain ang uric acid level sa daluyan ng dugo, lalo na sa mga taong may gout. Natural din na mababa sa purines ang saging.
3.     Kape o coffee
Base sa mga pagaaral sa Estados Unidos, nakakababa ng tsansang magka-gout ang paginom ng kape. Ngunit mahalagang magkonsulta muna sa doctor kung gano karaming kape ang maaaring inumin, dahil baka may side effects o ibang karamdaman na hindi makakabuti sa iyo ang kape, lalo na kapag napasobra.
4.     Mansanas o Apples
Mayaman ang fiber ang mansanas, na nakakababa ng antas ng uric acid sa katawan. Dahil sinisipsip ng fiber ang uric acid sa daluyan ng dugo at nililinis ang mga labis na uric acid sa katawan. Isa pa, mayaman sa malic acid ang mansananas, na pangontra ng uric acid sa katawan.

5.     Green tea
Hindi lamang iniinum ang green tea para sa pagpapapayat o pagbawas ng timbang. May mga pagaaral din na nagpapatunay na nakakababa ng uric acid sa katawan ang green tea. Kaya’t nakakatulong ang paginom ng green tea sa pagbawas ng uric acid sa daluyan ng dugo.


Maaari ring uminom ng mas maraming tubig, dahil nakakalinis ng uric acid sa kidney ang paginom ng maraming tubig.

Maaari ring bawasan ang pagkain ng mga pagkaing nakakataas ng uric acid. Mataas ang antas ng purines sa mga pagkain at inumin tulad ng: red meat o pulang karne, mga laman loob ng hayop tulad ng atay, sobrang matatamis na pagkain, tulad ng softdrinks, syrup, at processed food, at ang sobrang paginom ng alak.
Siyempre, makakatulong ang pagbabago sa buhay para magamot ang gout at ibang sakit na dulot ng mataas na uric acid sa katawan. Ngunit hindi ito pwedeng ihalili sa gamot na binigay ng doctor o sa pagkonsulta sa doctor. Kapag mayroon kang karamdaman, kelangan ipagsama ang tamang pagkain, ehersisyo at pagkonsulta sa doctor, upang magamot ito.
 
Panlusaw ng bato sa kidney
Nakakatulong ang paglinis ng kidney sa pagproseso ng kinakain natin at pagsipsip ng mga nutrisyon nito, para di mawalan ng lakas o manghina. Nakakatulong din ang pagbanlaw o paglinis ng kidney para maiwasan na magkaroon ng impeksiyon at sakit sa pantog. Makakatulong din ang paglinis ng ating bato sa pagkakaroon ng kidney stones at para maiwasan mga tumutubo sa balat tulad ng pantal, rashes o tagyawat.
Narito ang iilang mga natural na gamot na panlinis ng bato o kidney:
1.     Pakwan – Nakaka-ihi ang pakwan o watermelon. Matubig ang pakwan kaya’t nakakalinis ito ng bato. Mayaman din ito sa lycopene, na nakakabuti sa kalusugan ng puso at maayos na pagandar ng kidney. Nakakatulong din ang watermelon na maiwasan ang pagbuo ng bato sa kidney. Sa katunayan, mabuti sa kalusugan ng kidney ang pagkain ng pakwan.

2.     Calamansi o lemon juice - Nakakabawas ng pagka-acid sa ihi ang lemon juice, kaya’t napipigilan magbuo ng mga kidney stones. Nakakasala din ng dumi sa dugo ang lemon o calamansi juice. Ang paginom ng tubig na may lemon juice ay makakatulong maiwasan mamuo ang bato sa kidney at nakakatunaw din ng mga namumuo na bato.
3.     Apple cider vinegar – Nabibili ang Apple cider vinegar sa mga supermarket at groceries. Pinapatibay ng apple cider vinegar ang kidney o bato.  Nakakatulong din nito pababain ang blood sugar, at blood pressure. Dagdag pa rito, mayroong citric acid ang apple cider vinegar na nakakatunaw ng kidney stones. Nakakalinis ng bato ang madalas na paginom ng apple cider vinegar. Maaaring ihalo ang 2 kutsarang apple cider vinegar sa isang basong tubig at unti-unting inumin sa loob ng isang araw. Maaari rin ihalo ng diretso ang apple cider vinegar sa salad.
4.     Basil – Isang diuretic o nakaka-ihi ang dahon ng balanoy o basil leaves. Nakakatanggal din ito ng kidney stones. Nakakabawas din ng uric acid sa dugo ang basil, kaya’t mabuti ito sa ating kidney. Maaaring ihalo ang dahon ng balanoy sa mainit na tsaa.
5.     Tubig - Mahalaga ang paginom ng maraming tubig para maiwasan ang pagbuo ng kidney stones. Nakakapagpalabnaw ng mga namumuong bato sa ihi ang paginom ng tubig. Ngunit hindi nangangahulugan na nakakatulong ang lahat ng klaseng inumin. Halimbawa, ang softdrinks o soda ay maaaring makasanhi ng pagbuo ng kidney stones.
6.     Bawasan ang Asin o Maaalat na pagkain - Kapag maraming asin ang napapasok sa katawan, nakakasanhi ito ng pagbuo ng kidney stones. Limitahan ang paglagay ng asin sa pagkain at iwasan ang maaalat na pagkain.
 
Gamot sa Impeksiyon sa Bato o Kidney
Hindi biro ang magkaroon ng impeksiyon sa bato o kidney. Minsan naguumpisa ang impeksiyon sa urinary tract o tinatawag na U.T.I. (Urinary Tract Infection) o kaya naman bladder infection sa pantog. Maaaring makaranas din ng pananakit sa pagihi. Maaaring delikado ito, dahil nakakamatay kapag di naagapan. Mas mainam na magpatingin agad sa doktor, upang masuri at mabigyan ng tamang payo at gamot. Minsan ay magreseta rin ang doctor ng antibiotics. Bilang pandagdag sa mga reseta ng doktor, maaari ring gumamit ng  mga home remedies o natural na halamang gamot, ngunit mas pinapayong wag umasa lamang dito, dahil maaaring malubha ang kidney infection na kinakailangan ng patnubay ng eksperto.

Narito iilang natural na gamot na maaaring makatulong maiwasan ang impeksiyon sa bato at mapalakas ang pagandar ng kidney:
1.    Sambong - Isa sa karaniwang halamang gamot na nakikita sa ating bakuran ay ang sambong. Mayroon itong kakayahan na nakakalinis ng sugat at kilalang lunas sa pagtatae, rayuma, at ubo. Nirerekomenda ng Philippine National Kidney and Transplant Institute ang pag-inom ng tsaa galing sa dahon ng sambong upang mapaayos ang pag-ihi at mailabas sa katawan ang dumi at bato sa kidney. Upang makagawa ng tsaa, hiwain sa maliit na piraso ang hinugasang dahon ng sambong. Ilagay ang hiniwang dahon sa isang litrong kumukulong tubig sa loob ng sampung minuto. Palamigin at inumin apat na beses sa isang araw.

2. Parsley juice – Ang parsley juice ay katas na galing sa halaman na parsley. Isang diuretic o nakaka-ihi ang parsely juice, kaya’t napaparami ang ihi at nalilinisan ang mga bacteryang naiipon sa kidney. Kung di mahilig sa lasa ng parsley, maaaring maghalo ng ibang masarap na prutas tulad ng manga o saging. Pag walang juicer, maaaring gumamit ng blender.

3.     Vitamin C - Mayaman sa antioxidants ang Vitamin C, na nakakatulong mapanatiling malusog ang kidney, tulad ng pagiwas sa pangangapal at paninigas na dulot ng acute kidney infection. Maaaring kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C, tulad ng calamansi, broccoli, at kamatis.

4.     Probiotics – Napanatili ng probiotics na may good bacteria ang katawan, na prumoprotekta sa mga germs na nagdudulot ng impeksiyon sa kidney. Ang mga halimbawa ng probiotics ay yogurt at atsara.

5.     Mansanas o Apple juice – Di lang mayaman sa nutrisyon ang mansanas, kundi mataas din ito sa acid content, na maaaring makapigil sa pagdami ng bacteria. Mayroon ding anti-inflammatory properties ang mansanas, na makakatulong sa paghilom ng kidneys na naimpeksiyon.

6.     Cranberry juice – Matagal ng ginagamit ang cranberry juice bilang lunas sa UTI at bladder infection, dahil may pagaaral na nagsasabing maaaring makatulong ito sa pagiwas sa U.T.I. Ngunit iwasang uminom ng cranberry juice na may halong asukal. Mas mainam ang mga cranberry juice na puro. May nabibiling cranberry juice sa mga supermarket, dahil kadalasang nabubuhay lamang ang cranberry tree sa malamig na lugar.


7.     Uminom ng maraming tubig – Ang paginom ng maraming tubig ay nakakalinis ng dumi at bacteria sa katawan, kasama na ang daluyan ng ihi. Mabuting uminom ng hindi bababa sa 8 basong tubig kada araw.

8.     Warm compress – Maaari ring gumamit ng warm compress o hot pad upang makaginhawa o mabawasan ang sakit, lalo na’t habang inaantay na umepekto ang gamot na ininom. Maaaring ilagay ang warm compress sa apektadong lugar ng mga 15 minutos.

Iwasan din ang kape at alak. Nakakahadlang sa paghilom ng impeksiyon sa kidney ang alak at coffee, dahil kailangan ng karagdagang kayod sa kidney ang pagsala ng alak at kape palabas ng katawan (filter waste).
 
Natural na gamot sa kidney 
Maraming sinaunang sibilisasyon ang gumagamit na ng mga lunas upang gumaling sa mga sakit sa kidney. Isa sa maituturing na pinakaepektibo, libre, at madaling gawin na lunas sa mga sakit sa kidney ay ang paggamit ng mga halamang gamot. Sa iba’t-ibang sibilisasyon, ginagamit ng mga tradisyunal na manggagamot ang mga halaman na madaling makita sa kanilang kapaligiran. Kahit matagal nang panahon ang nagdaan, ang mga halamang gamot na ito ay patuloy pa ring ginagamit hanggang ngayon. Marami rin sa mga halamang ito ang napatunayan na sa iilang pag-aaral na maaaring may mabisa at minsan hindi lamang nakakagaling, kundi nakakapagpabuti din sa kalusugan.

Halimbawa, ang mga sibilisasyon sa Meso-America gaya ng Aztec, Maya, at Olmec ay may mahabang kasaysayan na sa paggamit ng halamang gamot. Bago pa dumating ang mga Kastila, ginagamit na nila ang tanim na kakaw (Cacao) at buhok sa mais sa paggamot ng sakit sa kidney. Iniinom nila ang mga pinagpakuluan nito upang tanggalin ang mga bato sa kidney. Isang halaman na sagana din sa Meso-America ay ang Chanca Piedra (Phyllantus niruri). Ang pagnguya daw nito ay nakakatulong tumunaw sa bato sa kidney.

Ang sibilisasyon naman ng mga Persyano na nasa kasalukuyang ay Iran, ay may gumagamit pa rin ng sinaunang pamamaraan upang gamutin ang pamamaga ng kidney. Pinapakuluan ng ibang taga-Iran ang chamomile (Anthemis nobilis), dilaw na melimot (Melilotus officinalis), at Persian Violet (Exacum affine) at pinapainom sa maysakit. Minamasahe nila ang bahagi ng katawan sa bandang kidney hanggang mawala ang pamamaga. Hinahalo din nila ang camel thorn (Alhagi maurorum) at gatas ng kamelyo para inumin ng mga taong may nararamdaman sa kidney. Nagtataglay daw kasi ito ng mga sangkap na nagpapababa ng antas ng asukal sa dugo at hinihilom ang pamamaga ng kidney. Ang kintsay din daw ay nakakatulong upang protektahan ang sakit sa kidney.

Ginagamit rin ng mga sinaunang Tsino ang mga halamang gamot sa pagpapagaling ng mga sakit sa kidney. Nagtataglay ang pulang sambong (Salvia miltiorrhiza) ng mga katangian na umaayos at kumocontrol sa lebel ng nitrogen at protina sa ating ihi.

Ang tinatawag na Kampo Medicine na nagmula sa Hapon ay tinuturing nang gamot sa bato mula ng isang libong taon na nakalipas, bago ito pinalitan ng mga modernong gamot natin ngayon. Ang salitang “kampo” ay nangangahulugan ng “pamamaraan galing sa Han o sinaunang Tsina”. Ang paggamit ng mga halamang gamot na binabanggit dito ay naaangkop daw sa pangmatagalang gamutan ng mga sakit sa kidney dahil wala itong kaakibat na masamang epekto sa katawan. Ang mga natural na gamot na ito ay pinaghalong dalawa o higit pa na mga halamang gamot. Ang takusha at kagusuo ay halimbawa ng pinaghalong sangkap ng Alisma orientale at Prunella vulgaris L. na mabisa sa pagpapababa ng antas ng calcium at pagpigil ng pag-ipon ng sodium sa katawan na palalain ang sakit sa kidney.

Ang halamang horsetail (Equisetum arvense) ay isa rin mabisang remedyo sa mga sakit sa kidney. Ito ang ginagamit na kahit noong panahon ng mga sinaunang Romano at Griyego upang tumulong sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng kidney. Pinapakuluan ang sariwa o tuyong horsetail at iniinom upang mapababa ang antas ng uric sa katawan na siyang nagdudulot ng bato sa kidney.  Ito ay isang halaman na nakapapapadalas ng pag-ihi dahil sa taglay nitong mga antioxidants. Para sa mga taong may karamdaman sa kidney, ang palagiang pag-ihi ay nakakatulong upang mabawasan ang sobrang likido at asin na nakakasama sa katawan.

Ginagamit din sa sinaunang India ang ugat, dahon, at tangkay ng halamang Moringa oleifera o malunggay bilang panlunas sa mga sakit sa kidney. Ang balat ng puno nito ay pipapatuyo at ginagawang pulbo. Hinahalo ang ilang kutsaritang pulbo nito sa pinapakuluang tubig at iniinom. Sa isang pag-aaral na ginawa sa India noong 2014, napatunayan ang epekto nito panlaban sa mga pangunahing sintomas ng Urinary Tract Infection (UTI).

Ang mga halaman ay matagal nang nagbibigay lunas sa iba’t-ibang karamdaman sa loob ng mahabang panahon. Karamihan sa mga gamot na iniinom sa kasalukuyang panahon ay galing sa mga katas o tuyong bahagi ng mga halamang gamot na natuklasan at ginamit ng mga sinaunang tao. Tunay na kamangha-mangha na sa kabila ng ilang siglo na nagdaan, ang mga halamang ito ay patuloy pa rin na ginagamit hindi lamang mga simpleng tao na nais ang epektibo ngunit abot-kayang remedyo sa kanilang karamdaman, kundi may iba rin na ginagamit ng mga pharmaceutical companies.

Babala:
Maaaring gumamit ng mga natural na gamot bilang supplement o pandagdag sa gamot na rineseta ng doctor. Ngunit binabalaan na wag gamutin ang sarili, lalo na kapag di mo alam ang iyong sakit. Pumunta muna sa doctor upang matiyak kung ano ang iyong karamdaman at ang lunas dito.
Mahalagang magpatingin sa doctor kapag mayroong kidney infection. Kapag di nagamot o naagapan, maaari itong lumala o magkaroon ng pinsala pangmatagalan. Nakakamatay ang kidney infection, kaya’t magpatingin kaagad sa doctor kapag may nararamdaman. 
 
Mga Gamot na maaaring ireseta ng doktor para kidney
Di kumpleto ang listahan na ito ng mga gamot na pwedeng ireseta ng doktor para sa sakit sa kidney, ngunit karamihan sa mga ito ay madalas nirereseta ng doctor para sa mga pasyente ng may kidney disease. Subalit di nangangahulugan na porket nasa listahan dito ang gamot ay dapat ireseta ito sa iyo ito ng doktor. Sa kabilang banda, di rin nangangahulugan na kung wala dito sa listahan ang gamot ay di dapat ireseta ito sa iyo ng doktor.  
1.     Azathioprine – Immuno-suppresant na maaaring ireseta pagkatapos ng kidney transplant
2.     Co- Trimoxazole – antibiotic na maaaring ireseta pagkatapos ng kidney transplant
3.     Isoniazid – Maaaring nirereseta pagkatapos ng kidney transplant
4.     Prednisolone – Steroid tablet na immuno-suppressant
5.     Cyclophosphamide – Immuno-suppressant na maaaring makatulong maayos ang pagandar ng kidney
6.     Ciclosporin – Immuno-suppressant na maaaring ireseta pagkatapos ng kidney transplant
7.     Mycophenolate - Immuno-suppressant na maaaring ireseta pagkatapos ng kidney transplant
8.     Sirolimus - Immuno-suppresant na maaaring ireseta pagkatapos ng kidney transplant
9.     Tacrolimus - Immuno-suppressant na maaaring makatulong maayos ang pagandar ng kidney
10.  Ibang antibiotics pagkatapos ng Kidney transplant: Nystatin solution, Valganciclovir
11.  Gamot para sa pagkontrol ng anemia o para makatulong pataasin ang blood count: Ferrous Sulphate, Intravenous, Erythropoiesis Stimulating Agents (ESA)
12.  Antihypertensives o pampababa ng blood pressure: Calcium channel blockers, Alpha blockers, Beta blockers, Blood pressure tablets, Ace inhibitors (Angiotensin Antagonists), Hydralazine, Aliskerin, Moxonidine – Aluminum Hydroxide, Calcium Carbonate chewable tablets, Calcium Acetate, Sevelamer, Lanthanum, Sucroferric Oxyhydroxide
13.  Diuretics - Pampa-ihi, upang mabawasan ang tubig at sodium (asin) sa katawan. Nakakatulong din ito mabawasan ang pagmamanas (edema).
 
 
VI.          Komplikasyon
Maraming maaaring maging masamang komplikasyon dahil sa kidney disesase, tulad ng pagipon ng tubig sa katawan, o fluid retention, na maaaring makasanhi ng pagmamanas ng paa, kamay at tubig sa baga, high blood pressure, mahinang immune system, at sakit sa puso.
Kapag di na kaya ng kidney na magsala ng dumi at magtanggal ng tubig sa katawan, kelangan na ng mag-dialysis. Kadalasang nangyayari ito, kapag mga 10-15 porsyento (10-15%) nalang ang nagagampanang trabaho ng kidney.

Dialysis
Sa Pilipinas, isang Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa komplikasyon sa kidney. Tinatayang 35,000 na Pilipino ang sumasailalim sa dialysis noong 2020. Sa nakalipas na sampung taon, tumaas ng labinlimang porsyento ng mga kaso ng pagkapinsala ng kidney
Ang dialysis ay ang proseso kung saan sinasala ang dugo at tinatanggal ang dumi ng katawan gamit ang makina. Hindi lang nito nililinis ang dugo, sinisigurado din ng dialysis na balanse ang mga kemikal na nasa katawan gaya na potassium. Dahil ang di makontrol na pagtaas ng potassium ay maaring magdulot ng mga sakit sa puso.

Bakit kailangan ang dialysis?
Kapag nasa maagang yugto o early stages pa lang ang Chronic Kidney Disease, di naman kailangang mag-dialysis. Ngunit kapag di na umaandar ng maayos ang kidney, pinapayo ng doktor na sumailalim sa dialysis, o kaya ay magpa-kidney transplant. Ganoon din sa mga may Acute Kidney Injury (AKI), na di pa kelangan mag-dialysissa umpisa, kapag di pa naman malala.

Sa CKD, ang pagkasira ng isa o parehong kidney ay kadalasang permanente at hindi na maaring manumbalik sa dati. Maaaring makaramdam din nang pasyente ng pagkahilo, matinding pagod, hirap sa paghinga, dugo sa ihi, at palagiang pag-ihi.

Ang AKI naman ay ang kondisyon kung saan biglaang tumigil gumana ng maayos ang kidney. Karamihan sa insidente ng AKI ay dulot ng kakulangan ng sapat na dugo na dumnadaloy sa kidney. Ang ilan sa mga dahilan nito ay sakit sa puso, sepsis, labis na kakulangan ng tubig sa katawan, o pamamaga ng mga ugat sa katawan. Ang dialysis sa mga pasyenteng may AKI ay ginagawa lamang sa maikling panahon, hanggang gumaling at manumbalik sa dating kaayusan ang kidney

Mayroong dalawang klase ng dialysis: ang Haeomodialysis at Peritoneal Dialysis.
1.     Ang Haemodialysis ay gumagamit ng makina na nagsisilbing artipisyal na kidney. Ang makinang ito ang magsisilbing tagasala ng mga dumi ng dugo. Kinakailangan sumailalim sa operasyon ang pasyente upang palakihin ang ugat, kalimitan sa braso para mapasok ang catheter. Matapos masala at malinis ang dugo, binabalik ito sa katawan ng pasyente. Ang Haemodialysis na ginagawa sa mga ospital ay tumatagal ng apat (4) na oras at ginagawa ng tatlong beses sa isang linggo.
2.     Samantala, ang peritoneal dialysis naman ay ginagamit ang peritoneum, ang tisyu na pumapalibot sa tiyan. Pinapasok ang catheter sa tiyan, at dito dinadaan ang dialysate. Ang likidong ito ay hinahayaan sa loob ng katawan ng mga apat o anim na oras. Kinukuha ng likidong ito ang mga dumi at sobrang tubig sa katawan. Sa puntong ito, ang dialysate ay nagiging parang ihi at dumadaan sa catheter palabas ng katawan. Patuloy na inuulit ang proseso at nagtatagal ng 30 - 40 minuto sa bawat cycle. Ang peritoneal dialysis ay maaaring gawin sa bahay, subalit kinakailangan munang sumailalim sa pagsasanay mga miyembro ng pamilya ang tamang paraan upang gawin ito ng maayos at maiwasan ang posibleng komplikasyon o impeksyon.

Kapag tuluyan ng huminto ang iyong kidney at hindi na ito nakakasala ng dumi, ang tawag sa kondisyong ito ay renal failure.

(Medically reviewed by doctors and medical experts, August 2022)

References / Sources:
Ansari, A., Singh, S., Khinchi, M., Shama, P., & Mahaver, M. (2017). A Brief Review On: Kidney Stone. Asian Journal of Pharmaceutical Research and Development, 5(2), 1-9. Retrieved from http://www.ajprd.com/index.php/journal/article/view/333
 
Bagheri, F., Gol, A., Dabiri, S. and Javadi, A. 2011. Preventive effect of garlic juice on renal reperfusion injury. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21525580/
 
Barr WG. Uric Acid. In: Walker HK, Hall WD, Hurst JW, editors. Clinical Methods: The History, Physical, and Laboratory Examinations. 3rd edition. Boston: Butterworths; 1990. Chapter 165.
 
Boero R, Pignataro A, Quarello F. Salt intake and kidney disease. J Nephrol. 2002 May-Jun;15(3):225-9. PMID: 12113591.
 
Castelino, R. L., Saunder, T., Kitsos, A., Peterson, G. M., Jose, M., Wimmer, B., Khanam, M., Bezabhe, W., Stankovich, J., & Radford, J. (2020). Quality use of medicines in patients with chronic kidney disease. BMC nephrology, 21(1), 216.https://doi.org/10.1186/s12882-020-01862-1
 
Centers for Disease Control and Prevention. Chronic Kidney Disease in the United States, 2019. Atlanta, GA: U.S. Department of Health and Human Services, Centers for Disease Control and Prevention; 2019.
 
Cleveland Clinic. (2020, December 19). Chronic Kidney Disease. Retrieved from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15096-kidney-disease-chronic-kidney-disease
 
Dąbrowska-Bender, M., Dykowska, G., Żuk, W., Milewska, M., & Staniszewska, A. (2018). The impact on quality of life of dialysis patients with renal insufficiency. Patient preference and adherence, 12, 577–583. https://doi.org/10.2147/PPA.S156356
 
Dhanokar, A. 2022. What Foods Help Repair the Kidneys. https://www.medicinenet.com/what_foods_help_repair_kidneys/article.htm
 
Herrera, R., Orantes, C. M., Almaguer, M., Alfonso, P., Bayarre, H. D., Leiva, I. M., Smith, M. J., Cubias, R. A., Torres, C. G., Almendárez, W. O., Cubias, F. R., Morales, F. E., Magaña, S., Amaya, J. C., Perdomo, E., Ventura, M. C., Villatoro, J. F., Vela, X. F., Zelaya, S. M., Granados, D. V., … Aparicio, C. E. (2014). Clinical characteristics of chronic kidney disease of nontraditional causes in Salvadoran farming communities. MEDICC review, 16(2), 39–48. https://doi.org/10.37757/MR2014.V16.N2.7
 
Icer MA, Gezmen-Karadag M. The potential effects of dietary food and beverage intakes on the risk of kidney stone formation. Rev Nutr. 2019;32:e190029. http://dx.doi.org/10.1590/1678-9865201932e190029
 
Jha V. (2010). Herbal medicines and chronic kidney disease. Nephrology (Carlton, Vic.), 15 Suppl 2, 10–17. https://doi.org/10.1111/j.1440-1797.2010.01305.x
 
Mitchell, T., Kumar, P., Reddy, T., Wood, K. D., Knight, J., Assimos, D. G., & Holmes, R. P. (2019). Dietary oxalate and kidney stone formation. American journal of physiology. Renal physiology, 316(3), F409–F413. https://doi.org/10.1152/ajprenal.00373.2018
 
Little, M. H., & Kairath, P. (2016). Regenerative medicine in kidney disease. Kidney international, 90(2), 289–299. https://doi.org/10.1016/j.kint.2016.03.030
 
Mayo Clinic. (2022 June 3). Kidney Stones. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kidney-stones/diagnosis-treatment/drc-20355759
 
Mitchell, T., Kumar, P., Reddy, T., Wood, K. D., Knight, J., Assimos, D. G., & Holmes, R. P. (2019). Dietary oxalate and kidney stone formation. American journal of physiology. Renal physiology, 316(3), F409–F413. https://doi.org/10.1152/ajprenal.00373.2018
 
National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. (2007, December 31). Kidney Disease. Retrieved from https://www.niddk.nih.gov/health-information/kidney-disease
 
Palella TD, Kelley WN. Purine and deoxypurine metabolism. In: Kelley WN, Harris ED Jr, Ruddy S, Sledge C, eds. Textbook of rheumatology. 2d ed. Philadelphia: W.B. Saunders, 1985;337–52.
 
Peng, A., Gu, Y., & Lin, S. Y. (2005). Herbal treatment for renal diseases. Annals of the Academy of Medicine, Singapore, 34(1), 44–51.
 
Peretz A, Decaux G, Famaly JP. Hypouricemia and intravenous infusions. J Rheum. 1983;10:66–70. 
 
Saldana, T. M., Basso, O., Darden, R., & Sandler, D. P. (2007). Carbonated beverages and chronic kidney disease. Epidemiology (Cambridge, Mass.), 18(4), 501–506. https://doi.org/10.1097/EDE.0b013e3180646338
 
Singh, K., Purohit, D., Sai Ramya, G.L. In Vitro Studies on Synergistic Effects of Limonia Acidissima And Apple Cider Vinegar on AntiUrolithiatic Activity. International Journal of Pharmacy and Biological Sciences.
 
Turner, J. M., Bauer, C., Abramowitz, M. K., Melamed, M. L., & Hostetter, T. H. (2012). Treatment of chronic kidney disease. Kidney international, 81(4), 351–362. https://doi.org/10.1038/ki.2011.380
 
Webster, A. C., Nagler, E. V., Morton, R. L., & Masson, P. (2017). Chronic Kidney Disease. Lancet (London, England), 389(10075), 1238–1252. https://doi.org/10.1016/S0140-6736(16)32064-5
 
Zhang, Y., Peloquin, C. E., Dubreuil, M., Roddy, E., Lu, N., Neogi, T., & Choi, H. K. (2015). Sleep Apnea and the Risk of Incident Gout: A Population-Based, Body Mass Index-Matched Cohort Study. Arthritis & rheumatology (Hoboken, N.J.), 67(12), 3298–3302. https://doi.org/10.1002/art.39330

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.