Gamot sa Makalimutin: Di maalala, mabilis makalimot, Dementia

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madalas ka ba makalimot ng dapat mong gawin? O kelangan bilin? O dapat bayarin? O ng pangalan ng tao?
 
Unang una, para di makalimot, lubos na mahalaga ang pagiging organisado. At nagagawa ito sa simpleng pagsulat ng mga kelangan gawin o bilin, para di malimutan. At base sa siyensiya, mas naaalala mo rin isang bagay kapag sinusulat mo ito muna o tina-type. Dahil napipilitan ang utak na tandaan kahit papano ang sinusulat, at iniiisa-isa mo i-spell ang bawat salita. Kapag walang ballpen at papel, maaaring i-type sa cellphone.

E paano naman sa mga sitwasyon pag wala kang dalang ballpen o cellphone? O nasa biyahe ka? O may pinakilala sayong tao, at di naman maganda tignan kung bigla mong kukunin cellphone mo para isulat ang name niya. Sa halip, eto maaari mong gawin: Bigkasin ang pangalan ng kausap, para marinig mo sarili mo na sinasabi ang pangalan. Halimbawa: “Hello po, Marvin”. Mas mabilis mo matandaan ang pangalan pag narinig mo sarili mo na sinasalita ang pangalan. Maaari ring iugnay ang pangalan sa pangalan ng kilalang celebrity. Halimbawa, kapag may pinakilala sayo na Justin, maaaring isipin na mukang kahawig niya si Justin Bieber.
Pwede mo rin subukang iugnay ang pangalan sa isang bagay na kasintunog ng pangalan. Halimbawa, may pinakilala sayo na pangalan ay ‘Anton’, maaaring isipin na minsan siya ay ‘Antokin’, kahit di naman totoo. Siyempre nasa isip mo lang, para lang mas mabilis matandaan ang pangalan. Pag mas nakakatawa, mas mabilis matandaan. Subukan mo.
Mahalaga itong kakayahang makaalala ng mga pangalan, kahit maraming buwan na nakalipas, lalo na sa mga taong gustong magpa-impress sa boss o kasosyo o magpa-pogi points sa iba.
 
Bagamat di natin mapipigilan ang pagiging ulyanin habang tumatanda, may mga pwede tayong gawin upang makatulong na mapatalas ang memorya. Halimbawa:
1.     Gumalaw galaw o mag-ehersisyo – Nakakatulong sa pagdaloy ng dugo sa katawan kasama na ang utak ang paggalaw-galaw. 
2.     Magkaroon ng sapat na tulog – Mahalaga ang tulog sa memorya, kaya’t sikaping magkaroon ng di bababa sa 8 oras na tulog.
3.     Kumain ng tama – Masustansya sa utak ang mga isda, gulay at prutas
4.     Ihersisyo ang utak – Maglaro ng mga mental games tulad ng chess o board games. Mag solve ng mga crossword puzzles. Matutong mag-gitara. O mag-volunteer sa mga kawanggawa.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.