Gamot sa Naiipit na Daluyan ng Dugo - Natural na Gulay

Medical Team
is a Medical expert in United States

Maaaring biglang bumara ang ugat ng lagusan ng dugo ng walang babala.
Maaaring dahil kumikitid ang daluyan ng dugo mula sa puso papunta sa paa, na dulot ng sakit sa puso, diabetes, paninigarilyo, katabaan o stress. Delikado pag naiipit ang lagusan ng dugo, dahil maaaring magdulot ng mapanganib na karamdaman, tulad ng stroke.
May mga gamot na rinereseta mga doctor dito, ngunit meron ring mga natural na halamang gamot na nakakatulong paluwagin ang baradong ugat ng dugo.
Narito mga halamang gamot na nakakatulong na paluwagin ang kumikitid na daluyan ng dugo:

1.     Siling Labuyo - May sangkap na capsaicin ang siling labuyo na nakakatulong sa pagdaloy ng dugo, at pagluwag ng mga ugat ng dugo. Di lang yan, nakakatulong din ang siling labuyo sa pagipon ng mga taba at kolesterol sa ugat ng puso.
2.     Sibuyas – Mayaman sa flavonoid antioxidants ang onion, na nakakatulong sa sirkulasyon ng lagusan ng dugo sa puso, kaya’t napapaluwag ang pagdaloy ng dugo sa puso.
3.     Fatty fish – Ang mga isda na mayaman sa Omega-3 fatty acids ay napatunayang nakakatulong sa pagandar ng dugo sa mga ugat, kaya’t naiiwasan ang tsansang magka-atake sa puso at magka-stroke.
4.     Bawang – Base sa mga pagaaral, mayroong sulfur compounds ang bawang, na nakakatulong sa pagbilis ng pagdaloy ng dugo at pag-relax ng blood vessels. Halimbawa, may isang experiment, ang mga kumain ng garlic powder ng dalawang beses sa isang araw ng 3 buwan ay mas mabilis ng pagdaloy ng dugo sa may puso.
5.     Luya – Ilang libong taon na ginagamit ang ginger sa India at Tsina bilang gamot, lalo na’t nakakatulong ang luya na pababain ang blood pressure at pagdaloy ng dugo sa katawan. Base sa isang pagaaral, ang mga kumain ng mga 2-4 grams ng luya bawat araw ay may pinakamababang tsansang magkaroon ng high blood pressure.
6.     Berdeng gulay – Nakakapagpalabnaw ng dugo ang mga berdeng gulay na nakakapagluwag ng lagusan ng dugo at mapabilis ang pagdaloy ng dugo sa katawan.
7.     Mga maaasim na prutas – ang mga maaasim na prutas tulad ng calamansi, kahel, at suha ay nakakabawas ng pamamaga sa katawan, na nakakatulong pababain ang blood pressure at paninigas ng mga ugat sa puso. Kaya’t lumuluwag at napapabilis ang pagdaloy ng dugo sa kawatan.
8.     Kamatis – Ang lycopene sa kamatis ay nakaka-protekta panlaban sa sakit sa puso. Ang sangkap na Vitamin K naman sa kamatis ay nakakatulong ma-kontrol ang pamumuo ng dugo.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.