Gusto ko po sanang humingi ng advice. 21 years old po ako. Nakasal ako

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Gusto ko po sanang humingi ng advice. 21 years old po ako. Nakasal ako sa asawa kong japanese noong 2016 sa pilipinas. Isang taon na po kaming kasal. Sa ngayon po ay andito ako sa japan bilang isang tourist. Kasalukuyan pa pong pon process ang married visa ko. Sa loob ng isang taon naming kasal. Hindi po kami nawawalan ng pagtatalo ng asawa ko. Simula po ng kinasal kami ay hindi naging maayos ang pagsasama namin. 58 years old na po siya. Noong una ay nahuhuli ko siyang nakikipag chat sa ibat ibang babae, pero pinapalagpas ko po un. Kapag tatanungin ko siya ay duon na niya ako sisimulang awayin, sigawan at sinasabi niyang mag divorce na kami. Sinubukan ko pa pong isalba ang relasyon namin. Inintindi ko po siya sa pag aakala ko na baka magbago pa siya. Pero this time, maraming changes sa kanya. Palagi siyang wala sa mood, palagi siyang galit kapag kakausapin ako, hindi siya sumasabay sa pagkain, late umuuwi ng bahay at palaging nakasigaw kapag may itatanong ako oh may iuutos siya sa akin. Isang gabi po nakita ko yung cellphone niya na may nag text. Hindi ko maintindihan kaya pinicturan ko at pina translate ko sa kaibigan ko, kasi po may heart at kiss emoji kaya nag hinala ako. Hindi nga po ako nagkamali. Habang tulog siya ay binuksan ko ang cp niya at pinicturan ko ang ilang mga text nilang dalawa. Kinabukasan pina translate ko. Doon ko po nalaman na pinag tataksilan ako ng asawa ko. Kaya pala ganun siya sakin makitungo ay dahil sa may pinupuntahan at may sinasamahan siyang babae. Kinompronta ko po siya pero nag deny parin siya at sinabi na mg divorce na kami dahil isip bata daw po ako. Sa loob ng isang taon na nagsasama kami lahat ng pagtitiis ay ginawa ko. Hindi ako nagkulang bilang asawa sa kanya. Inaasikaso ko siya. Pero nagawa niya padin akong lokohin ng paulit ulit. Sa twing nag aaway kami ay sinusumbat niya lahat ng tulong na binigay niya. Sinisigawan niya ako at palaging sinasabi na mag divorce na kami. Wala akong hinihingi sa kanya dahil kapag humihingi ako ay palaging wala ang sagot niya. Hindi niya nirerespeto ang nararamdaman ko. Gusto niya siya ang nasusunod sa lahat. Gusto niya siya ang palaging tama kahit sobrang mali na. Hindi ko na po kaya na makisama sa asawa ko. Paano po ang gagawin ko? Wala po akong permanent visa. At gusto ko na din pong makipag hiwalay dahil nga sa mga panloloko niya sa akin. Sana matulungan nyo po ako. Sa ngayon po ay plano ko ng makipag hiwalay ngunit ni isang kusing ay hindi niya daw po ako bibigyan. Hindi ako nakapag tapos ng pag aaral dahil pinahinto niya ako. At ngayon ay naging magulo po ang buhay ko. Please help me po sobrang naguguluhan na po ako, sobrang bigat po ng kalooban ko.


 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Since you are in Japan, puede ka namang mag-sampa ng demanda laban sa iyong asawa dahil sa ang iyong dinanas ay maituturing na "abuse". Pangalawa, puede naman na ikaw ang humingi ng divorce. At ikaw ang humingi ng spousal support. Pangatlo, dahil sa may ebidensiya ka naman na siya ang may problema sa infidelity, at dahil sa siya ay Japanese national, kapag kayo ay nag-divorce na, ang divorce decree mo at puede mong ipa-rehistro sa Pilipinas para ang inyong kasal dito ay mapawalang bisa na rin.

I'd hate to say this, dahil sa ikaw ay hirap na ang damdamin. Mahirap talagang mag-asawa ng hindi mo masyadong kilala ang tao, lalo na't magkaibang-magkaiba kayo ng kultura. Sa kulturang Hapon kasi, ang mga babae ay very submissive. So ine-expect niya siguro na mag-mala-door mat ka. Kasi, ito ang nakasanayan niya.

Pangalawa, mahirap dahil sa hindi ka naman marunong mag-Hapon. So, medyo may communication gap kayo. Kung ang mag-asawa ay pareho ang linguwahe, nagkakaroon pa rin ng di pagkaka-unawaan, lalo pa ang mag-asawa na hindi pareho ang salita.

Pangatlo, ang asawa mo ay 58 years old. Maaaring ang kanyang pambabae ay bunsod ng mid-life crisis. O puede naman na talagang may age-gap kayo. Ito ay isang risk ng malayo ang age ng mag-asawa.

Suma tutal, you need advice from a lawyer there in Japan. Siguro dapat ay magreport ka sa pulis laban sa asawa mo kapag ikaw ay pinag-malupitan. Kung ikaw ay saktan niya, dapat ay pumunta ka sa hospital at mag-pa-check. Litratuhan mo ang sarili mo kung may mga pasa ka o galos. Always gather evidence para kung magdemanda ka o kaya ay ikaw ang i-demanda, mayroon kay ebidensiya.
Recommend Report abuse

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.