Paano po ba un tamang hakbang sa pagpaparehistro ng birth certificate ng bunso ko?
May asawa ako pero hindi pa po kami kasal. Pumunta sya sa Taiwan isang buwan bago ako manganak. Kaya lumalabas na nung nanganak ako ay wala na sya rito sa pinas. Isusubmit ko sana un birth ert ng anak ko sa sss para sa maternity benefit subalit hindi ko maipasa dahil hindi pa rehistrado. Nung dalin ko po ito sa malolos city para iparehistro ay ang sabi po ay ipadala ko sa taiwan un papel (birth cert) nun bata para maipanotaryo at iacknowledge ng asawa ko. Naisagawa na po namin yun naipadala na sa taiwan at napanotaryo n duon ng asawa ko. Pagbalik rito sa pinas ng papel muli ko itong dinala sa municipal ng malolos subakit ang sabi ay kaiongan ko pa itong dalin sa dfa at manila city hall para ipa red ribbon?gnito po ba talaga ang dapt gawin napakaraming hakbang at gastos samantalang inaayos ko lang din to para sa maternity ko. Maraming salamat po.