May kinakasama po ako dati nung 16 yrs old palang ako at my an

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May kinakasama po ako dati nung 16 yrs old palang ako at my anak po kami isa. Nag hiwalay po kami 4yrs ago napo. Naghiwalay kami dahil gusto ko pong mag aral ulit at dahil ayaw nya po nag pasya po akong maghiwalay kami at naiwan po sa tatay ung anak namin na apat na taong gulang habang nag aaral po ako at nag part time job pero every week ends nasaakin po ung bata at ngaun po nag graduate napo ako ng college tapos ung bata gusto ko na pong kunin at gusto nadin po ng bata matagal na po. Ayaw po ibigay ung bata na ngaun 8 yrs old napo .,ilang araw napilit ko din po sya na ako napo ang mag aalaga ng bata. At ngaun may kanya kanya na po kaming pamilya na may tig isang anak sa present at na saakin na din po ung anak ko sa ex ko., Tanong po .pwede po ba akong humingi ng child support sa ex ko para sa anak namin? My work po kaming pareho, sya regular ako contractual po., Magkano po ang makukuha ko sa monthly support para sa bata kung monthly income ng tatay nya is 18,000? Thank you.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Sa ilalim ng batas, ang ama ay may obligasyon na magbigay ng suporta para sa kaniyang anak. Tanong ko lang, ang bata ba ay rehistrado at ginagamit ang apelyido ng kanyang ama? Kung ang sagot mo ay oo, mas malaki ang tsansa mo na magtagumpay.

Isa pa, ang hindi pagbibigay ng suporta sa anak ay isang form of child abuse kaya, puede mo siyang ihabla kung siya'y ayaw magbigay ng suporta.

Ngayon, ang suportang ibibigay ng ama ay dedepende sa pangangailangan ng bata, sa kakayanan ng ama. Usually kasi, kayong dalawa ay dapat maghati sa suporta para sa bata. Ngayon, mas maliit ang suweldo mo kaysa doon sa ama ng bata, kaya dapat mas malaki ang share niya. Pero, kailangan mo ding isipin na baka may iba siyang anak na kailangan suportahan. Kailangan din niya mamasahe, kumain, magbayad ng renta sa bahay, mag-ipon kung sakaling siya'y magkasakit.

Ang pinaka maigi ay gumawa ka ng listahan ng mga pangangailangan ng bata, wari, tuition sa bawat buwan o pamasahe sa eskuwela, o kaya ay gatas at pagkain. Itong mga amount na ito ang practical na basehan para sa kung magkano ang dapat mong hingin sa asawa mo para sa bata.

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong para gumawa ng demand letter, sumadya ka sa tanggapan ng Public Attorney's Office, makakatulong sila sa iyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.