May pananagutan po ba ang doctor at hospital?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May pananagutan po ba ang doctor & hospital kapag ganito po ang nangyari? Naaksidente po ako sa barko. Inoperahan po ako sa balikat dahil sa rotator cuff tear. Pagkatapos po ng operasyon ginupit po ng nurse sa operating room ang gauze na nakabalot sa arm ko. Nasama nya pong nagupit ang kamay ko (sa bandang baba ng hinlalaki & hintuturo) na ang sukat po ay mahigit 1 1/2 inches ang haba.

Noong una po ay walang pakiramdam sa kabilang side ng sugat & masakit pag ibinuka ko ang palad.pinatherapy naman po ng insurance ang aking kamay kasabay ng balikat ko na inoperahan.pero ng pinatigil na po ng insurance ang gamutan & therapy dahil umabot na daw sa maximum days na pagpagamot nila sa akin.natigil na rin po ang therapy ng kamay ko.nagbigay na po ako ng complaint letter sa insurance & sa costumer service ng hospital.wla po silang feedback sa complain ko.nagkapeklat po(mahigit 1 1/2 inches ang haba) & minsan masakit pa rin pag ibuka ko ang aking kamay.almost a year na po mula ng mangyari yun & hangang ngayon wla pong feedback sakin ang insurance.sino po ang dapat ko ireklamo & saan po ako dapat magreklamo?thank you po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Dito po ba ito sa Pilipinas nangyari? Kasi po, kung ito ay dito sa Pilipinas nangyari, puede po kayong mag-file ng kaso in damages laban sa nurse at sa hospital. Kung ito po ay nangyari sa ibang bansa, sa US po, may time limits po ang pagpa-file ng kaso. At marami pong requisites.

Ang pinaka-maganda po, ay pumunta kayo sa isang abogado, ipakita ninyo ang lahat ng inyong records. kayo po ay pumunta doon sa hospital, kumuha kayo ng kopya ng inyong medical records. Kapag tatanungin kayo kung para saan, sabihin ninyo na magke-claim kayo laban sa employer ninyo o sa insurance.

Siguraduhin ninyong lahat ng records ninyo ay inyong ipa-certified true copy. Kailangan malaman ninyo ang pangalan ng nurse. Kailangan ay malaman ninyo ang pangalan ng attending physician at lahat ng detalye. At kailangan po ninyo ng radiologic studies at expert opinion ng isang specialist para maipakita kung bakit kayo'y in pain pa rin hanggang sa ngayon at laki ng pinsala sa inyo.

Magastos po ito. Ang isa pa, puede din kayong magreklamo sa PRC (para matanggalan ng lisensiya ang nurse) o kaya sa Philippine Nurses' Association, pareho ng mga doctor, sila ay dumidinig din (sa pagkaka-alam ko, ha) ng mga ethical at malpractice cases laban sa mga kahanay nila sa propesyon nila).

Makipag-usap sa isang abogado, para maliwanagan ninyo ag lahat ng inyong mg karapatan, at ipakita ninyo ang lahat ng inyong mga documents. Hindi ko kasi nakita ang inyong mga documents kaya hindi ako makapag-bibigay ng opinion.
Gomer Gao
is in the Philippines
Thanks po Atty Bimbi sa reply.Opo,dito po sa pilipinas nangyari.may mga mga medical records na po ako na certified true copies.alam ko na rin po ang name ng doctor & ng nurse.sa hospital po ba , sa nurse & sa doctor ako hihingi ng danyos perwisyo? pwede ko po ba malaman kung magkano magastos roughly?malaki po ba ang chance na panalo ang ganitong case?kahit anong especialty po ng abogado ang pwede kung lapitan?thanks po uli.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.