Ano pwedeng ikaso sa hindi nagbayad ng utang na nasa Dubai?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nabasa ko po sa internet yung mga nagtatanong at binibigyan nio po ng sagot na mga kababayan po natin na hindi po masyado aware sa mga laws po natin ngayon tulad ko po.

Ano po ang pwede ko gawin? Ganito po kasi problema ko po. Galing po kasi ako ng Dubai,umuwi po ako dito sa pilipinas for good po 1 year and 4 months ago. Bago po ako umuwi dito sa pinas may kaibigan po ako na nanghiram po ng pera sa akin, usapan po namin Atty. babayaran nia po ako monthly kahit po tubo po muna. Pumayag po ako na tubo po muna kasi po kaibigan ko naman po at nagtiwala po ako sa kanya. Mga ilang buwan (2-3 months) po ok pa po ung pagbabayad nia atty. Pero ng tumagal na po hindi na po sia naghuhulog. Nagmemessage po ako sa facebook sa kanya po pero next month po siya ng next month hanggang sa tumagal na po ng isang taon ung utang nia po. Pwede ko po ba sia kasohan atty.? Ano pong kaso pwede ko po ifile sa knya po? Pwede ko po ba sia kasohan kahit nasa Dubai po sia ngaun? Sana matulungan nio po ako sa problema ko po.. thank you Gumagalang po, kareen

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Puede naman siyang kasuhan. Ang problema mo lamang ay, mahihirapan kang patunayan kung wala kayong kasulatan. Wala ka kasing nabanggit na may kasulatan kayo.

Pangalawa, mahihirapan kang sila'y habulin kung sila'y wala sa bansa. Ang paniningil sa perang ipina-utang ay isang personal action. So, ito ay puede lamang isampa sa mga husgado ng Pilipinas kung ang iyong kaibigan ay nandito din sa Pilipinas. Kung siya'y wala dito sa Pilipinas, mahihirapan kang sila'y mapanagot dito sa husgado sa Pilipinas.

Ang pinaka-maganda, pa-sulating mo siya ng promissory note. Sa ganoon, puede mo siyang habulin doon sa promissory note. O kaya, hingan mo siya ng prenda. At ibenta mo ang kanyang iprinenda sa iyo.

Mahirap ang mag-tiwala sa tao basta't pera ang pinag-uusapan. Kailangang may kasulatan lagi. Kung iyon ngang may mga kasulatan, nagkakalabuan, eh , di , lalo na ang mga utangan na walang kasulatan.

Ang pinaka maganda ay komunsulta ka sa isang abogado na malapit sa inyo. Ipakita mo sa kaniya ang mga kasulatan ninyo kung meron. Siya ang makapag-sasabi sa iyo kung may laban ka.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.