Yung anak ko po 3 years old turning 4 bigla pong nagkaroon ng allergy. Pantal pantal po katawan nya after nya kumain ng ginataang crab na may gulay. Pati po sinigang na hipon. Magkasunod po nya kinain yun umaga saka gabi. Then kinabukasan nagkaroon sya mga pantal, kaya di po naman sure saan sya magkaallergy.
Niresetahan po sya ng pedia ng Antihistamine. Nawala naman po mga pantal. Nagkaroon lang po ulit after ilang weeks, kumain kasi sya bread na may palamang mayonnaise at boiled egg. Konting konti lang po kinain nya pero nagpantal pa rin sya. Ngayong gabi naman po may pantal na naman sya, inulam nya nung tanghali sweet and sour fried bangus.
Saan po kaya sya may allergy? Anything na malansa? Mawawala po kaya yun paglaki nya or hanggang sa pagtanda nya may allergy na sya? Enough na po ba magintake lang sya ng antihistamine every time na magkakapantal sya or need po sya magpalaboratory tests? Salamat po sa sasagot.