Gustong makihati ng mga kapatid sa pinamanang bahay

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

May itatanong lang po ako tungkol sa ipinamang bahay sa akin ng yumao kong tatay. May tatlo po kasi akong kapatid, gusto nila ngayong makuha ang share nila sa bahay na ipinamana sa akin ng tatay ko. Merong kasulatan ginawa ang tatay ko na sa akin lamang nya ipinamamana ang bahay at walang sinuman sa mga kapatid ko ang may karapatan dito. Ngunit ang kasulatang ito ay ipinasulat lang nya sa akin, pero sa dulo isinulat nya ang pangalan nya, date at pumirma sya. Valid pa din ba yun? At may karapatan ba ang mga kapatid ko sa bahay na ipinamana sakin kahit ako naman ang lahat ng gumastos para sa bahay na ito at pumirma din silang tatlo sa extrajudicial na may nakalagay na ako lamang ang may karapatang makakuha ng titulo ng bahay? Thanks in advance po sa makakasagot.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Actually, hindi valid iyon.
Kasi, sa Pilipinas, ang mga huling habilin (last will and testament) ay strito ang mga requirements. Kung ito ay isang last will and testament na sulat-kamay, kailangan na sulat-kamay ito ng mismong tatay mo.
Pangalawa, ang batas natin sa Pilipinas ay pinoprotektahan ang lahat ng mga anak ng isang tao. Hindi kasi puedeng sa iisang anak lamang iiwan ang lahat ng kabuhayan o ari-arian ng isang namatay at pabayaan ang ibang mga anak. Lahat ng anak ay mayroon share o hati doon sa mga iniwan ng namatay na magulang. Ang tawag dito ay legitime.
Kalimitan, share and share alike ang lahat ng magkakapatid. So, pantay-pantay ang hatian. Kung apat kayo, tig 25% kayo.
Ngayon, puede naman na ibenta ang bahay at ang pinagbentahan ay hati-hatiin sa inyong apat. Puede din naman na kung magkano man ang zonal valuation ng bahay o fair market value ng bahay, bayaran mo na lamang ang iyong mga kapatid para ang bahay ay sa iyo na lamang.
Kailangan mo ng abogado kasi, for sure, lalaban ang mga kapatid mo. Unfair ang ginawa ng tatay mo. Kahit ikaw ang pinaka-mahal niya sa mga anak niya, hindi niya puedeng pabayaan ang ibang kapatid mo, kasi, anak din naman niya sila. They have a right to the properties that your father left behind.
Ngayon, kung may iba siyang properties at pinag-bibibigyan na niya ang mga kapatid mo, kaya ang bahay ay sa iyo na, ibang usapan din iyon. Mahihirapan ka pa rin na ipa-rehistro ang lupa at bahay sa pangalan mo kasi, wala kang pinanghahawakan kundi iyong sulat ng tatay mo. Pag-isipan mong mabuti, komunsulta sa abogado, kahit sa PAO.
Kobe Santos
is a NONE in the Philippines
Eh di balewala lang po pala yung extrajudicial of settlement na pinirmahan naming apat at saka yung special power of attorney na sakin na po nila pinagkatiwala lahat lahat ng nayarin para makuha ang titulo?
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Tignan mo ang iyong unang pinost, puede? Wala ka namang binanggit na may extrajudicial settlement kayo, ah. Ang tanong mo lang sa akin ay kung valid ang huling habilin sa iyo ng tatay mo.
Katulad ng sinabi ko sa iyo, komunsulta ka sa abogado. Hindi ko nakita ang mga documento mo. Paano kita mapapayuhan ng lubos?
Kobe Santos
is a NONE in the Philippines
Ah paumanhin po baka po di niyo nabasa ng buo yung tanong ko po. Nasa last sentence ko po yung tungkol sa extrajudicial baka di niyo po nakita. Salamat na lang din po. Kokonsulta na nga lang po ako sa abogado.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.