Ako po ay OFW dito sa Riyadh, Saudi arabia. Magiisang taon na po ako ngayong September 9, 2017. Nagtatrabaho po ako sa Salon.
Tanong ko po kung pwedi po ba ako makauwi ng Pilipinas? Kase po hindi po mabuti amo namin. Pinagbayad nya po kami ng Iqama, binawas nya po sa sweldo namin. Sa kontrata na ang employer po ang magbabayad.
Pati rin po 300 na alowance magiisang taon narin po nyang hindi nagbibigay sa amin. Nakalagay po sa kontrata 1875 po salary namin, yung 300 po hindi nya binibigay 1500 lang po sinusweldo namin. Sa housing po emty bigay nya. Pag dating po namin dito wala po kami higaan. Humingi nalang po kami sa ibang pilipino na nakatira malapit po sa tinitirahan namin. Tapos po wala sya provide aircon sobrang init na po.
Humingi po kami sa amo namin sabi nya lang ano daw ginagawa ng shop sa shop nalang daw kami matulog. Kami rin po nagbabayad kuryente at tubig. Kinausap ko po sya ng maayos at mahinahon about po sa iqama kase po pinapabayad nya po kami, nagagalit po sya agad ayaw nya po makipag usap. Magbabayad na naman po kase ngayong November kaya po gusto kopo sana umuwi nalang po. Hindi napo ako magbabayad ng iqama.
May problema din po sa kanya ang nanay ko na nagtatrabaho din po sa kanya bilang mananahe po. 10 years napo nagtatrabaho sa kanya uuwi napo pilipinas nanay ko pero ilang bwan napo hindi nya sinasakto sweldo, lagi po overtime si mama pero hindi po humihingi dagdag sa amo nagmamalasakit po sana sya sa amo namin pero masama po at nangiinsulto lang po amo namin. Ang gusto lang naman po ng nanay ko ibigay lang s kanya buo sweldo, pero ayaw po ng amo namin. Naging dahilan din po yun kaya natakot napo ako dito sa saudi dahil po sa mga pinapakita ng amo namin kaya po sana makauwi nalang din po ako pilipinas at sana po maibigay ng amo namin ang kulang n sweldo ng nanay ko. Humihingi po ako tulong na payo ano po pwedi namin gawin? Please po natatakot narin po kase ako gusto ko nalang po umuwi. Pwedi po ba ako makauwi?