Pwede pa ba makuha ng tunay ang baby na pina adopt?

Anna Pana
is in United Arab Emirates

Makukuha pa ba ng tunay na ina nag baby na pina adopt sa amin,may kasulatan po kme galing sa dswd na legal ang pag addopt ng bata.for in case po pag lumaki na ang at pilit kunin ng tunay na nanay..pede po makasuhan siya?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Alam mo, hindi ko maintindihan ang tanong mo.
Una, ang DSWD ay hindi pumapayag na basta kasulatan ang pag-aampon ng bata. Mayroon silang proseso. Ang bata ay kailangang iwanan sa kanila, at pinapa-pirma ng DSWD ang mga magulang ng consent o kaya, ng affidavit na hindi na nila kayang suportahan at itaguyod ang mga bata kaya't iniiwan nila ang bata sa pangangalaga ng DSWD para ang bata ay maaaring ipa-ampon sa iba.
Pangalawa, kung ang bata ay iniwan na ng magulang para ito ay for adoption, ang DSWD ay masusing nagsusuri sa mga prospective na mga aampon at mina-match ang bata sa mga aampon. May proseso din ito. Nagho-home visit ang mga DSWD, ini-interview ang mag-aampon, inaalam ang kanilang kakayanan na maging magulang, ang kanilang kakayahang pakainin, bihisan, paaralin ang bata at ito ay ipagamot kung magka-sakit.
Pangatlo, kung papasa ang mga magulang, DSWD ang kakausap sa mga biological parents ng bata upang sila'y kausapin na mayroon nang aampon sa mga bata, sila'y kakausapin kung willing silang ipa-ampon ang bata (dahil sa baka nanalo sila sa lotto, at mayaman na sila, gusto na nilang bawiin ang bata mula sa DSWD). So, papipirmahin sila ng consent sa adoption.
Pang-apat, may trial custody ang bata. Titira ang bata kasama ng mga aampon upang matikman nila ang hirap at tuwa na may anak na inaalagaan.
Pang-lima, haharap pa sa husgado. Doon sa husgado, haharap din ang mga magulang ng bata upang pagtibayin ang kanilang pasya na i-give up ang lahat ng kanilang ties at claims sa bata. Saka pa lamang magkakaroon ng order ang husgado na ang dating birth certificate ng bata ay palitan ng bago.
So, hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin na babawiin ng biological mother ang bata. Kung dumaan sa proseso, naku, mahihirapan na siyang kuhanin pa ulit ang bata. kasi, hindi niya masasabi na siya'y dinaya, o nilinlang o pinuwersa o pinilit, o pinangakuan ng kung anong bagay.
Best to talk to a lawyer para kayo ay mapanatag.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.