Ang poblema ko ay.itong aking birth cerfificate.ang ginagamit ko po ngayon

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang poblema ko ay.itong aking birth cerfificate.ang ginagamit ko po ngayon sa lahat ng mga documento ko ay apilyedo ng aking ama. kasi lokal birth yung ginagamet ko dati. ng kailangan napo ng nso na birth ay apilyedo papo nang mama ko. kailangan po ng affidavit of legitamation ng papa ko. problema po ai ayaw nyang pumerma dahil nag away kami komleto napo sana yung requierments para maipasa sa nso ai binasa ng papa ko kaya hndi na magamit. so ngayon ayaw na nyang pumerma ulit ng affidavit. ano po magandang gawin? para maitama yung apilido ko sa nso.maliban sa pag perma ng papa ko?lokal birth po yung ginagamit ko ngayon ksi yun yung nakasanayan ko nagamit sa lahat ,diploma /nbi/pag ibig /phealheath ect. sa sss lang hold ako kasi kailangan ng nso, pwd po ba baptismal ang ipasa?


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, kailangan po kayong mag-sampa ng kaso. Kasi po, ganito iyon.

Ang recognition of paternity and filiation (pag-tanaw na anak sa isang tao) ay kailangan patunayan kung ang mga magulang ng bata ay hindi kasal sa isa't-isa. Kaya po sa likod ng birth certificate, naka-lagay ang affidavit or recognition.

Sa inyo po, dalawa po ang inyong birth certificate. Bawal po ang may dalawang birth certificate, sa totoo po. Ibig sabihin po kasi, ang isa sa dalawang iyan ay huwad or falsified. Hindi ko alam kung alin ang huwad.

Ngayon po, kung noong ipinanganak kayo ng magulang ninyo, hindi pa sila kasal, tapos, matapos kayong ipa-rehistro sa pangalan ng inyong ina, nagpakasal ang inyong mga magulang, Affidavit of Legitimation po ang dapat ninyong i-file sa PSA. Sa totoo po, ang mother po ninyo, kung siya ang pipirma, puede po iyon. Kasi po, ang proof naman ay ang birth certificate ng inyong mother, hindi ang pirma sa affidavit of legitimation ng inyong mga magulang.

Ang isa pa po, marami po kayong mga documents na nagpapa-tunay na kayo ay tinanaw na anak ng inyong ama kahit na hindi sila kasal ng inyong ina dahil sa ang mga school records ninyo, lahat, ay apelyido ng inyong ama ang inyong ginagamit.

Ang problema po, sa ilalim ng batas ngayon, ang puede lamang po na correction sa birth certificate ay iyong mga typographical or clerical errors. Ang pagpapalit po ng pangalan ng isang tao, lalo na ang paggamit ng apelyido ng ama, ito po ay hindi clerical error. Ito po ay isang substantive right. So, kailangan po itong dumaan sa husgado.

Hindi ko po masasabi (dahil sa hindi ko naman nakita ang mga documents) kung ano ang inyong dapat na gawin. Masasabi ko lamang po kung ano ang karaniwang ginagawa. Ang pinaka-mahusay po ay pumunta kayo sa Public Attorney's Office at kayo ay humingi ng payo sa kanila. Makakatulong po sila sa inyo.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.