Ihi ng ihi pag gabi ano gamot o sanhi?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Pag patulog na ako lagi kong nararamdaman na para bang ihing ihi na ako, parang puputok na pantog ko. Pero pag naka ihi na ako konti lang naiihi ko minsan naman sobrang dami. Kahit kakagaling ko lang sa banyo makalipas ng ilang segundo minsan minuto ramdam ko na naman na para bang kailangan ko na naman bumalik sa banyo para umihi.. And so on ganun lagi ang nangyayari. Di ko alam bakit ganun hindi naman ako ganito dati,  inom naman ako ng inom ng maraming tubig pero bakit ganito nararamdaman ko. Hindi lang 5 beses ako pabalik balik sa banyo para umihi.
Kailangan ko talaga ng advice.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Lalz Go
is a Nurse in the Philippines
Maaring may impeksyon ka sa pagihi dahil sa sintomas na iyong nabanggit. Maari din na may bato ka saiyong daluyan ng ihi kaya kahit na madalas ka maihi ay onti lang ang iyong naiihi. Maganda na makapagpaurinalysis ka at iba pang laboratoryo para makumpirma ito.
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Una sa lahat, meron ka bang nainom na kape or buko, o di kaya gaano karami ang nainom mong fluids bago ka matulog. Meron ka bang bagong gamot na iniinom? maari kasing side-effect ito ng ibang gamit. Next, gaano katagal na itong nangyayari? At may iba pa bang sintomas bukod sa madalas na pagihi?

Meron ka bang ibang sakit tulad ng sakit sa bato, mga impeksyon o di kaya diabetes. Naoperahan ka ba dati, tulad ng pagtanggal ng tonsils. Maraming sanhi kasi ang madalang na pagihi. Ito ay maaring senyales ng ibang sakit tulad ng diabetes. Ikaw ba ay lalaki o babae? anong edad? meron kasing sakit sa mas matatandang lalaki yung "benign prostatic hyperplasia" na maaring magppresenta ng inyo sintomas.

If hindi cya bumalik sa normal na pagihi mas maigi na magpakunsulta sa isang urologist na spesyalistyta sa daanan ng ihi.

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.