ipapaampon ang anak

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Magandang araw po.Ofw po ako sa Turkey, ang ate ko po ay may asawang amerikano.kasal po sila sa pinas. ang ate ko po ay may isang anak sa pagkadalaga. ang abayaw kong amerikano naman po ay may anak sa amerika,pero hiwalay na sila ng asawa nya. ipapampon po namin ng asawa ko yong nag iisa po naming 4 year old na anak na babae..ano ano po ang steps na pwede nming gawen..?? thanks po ng marame sa reply


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Naku, that falls under Inter-country adoption. kasi, dadalhin ang bata sa America. Mahigpit po kasi ang America at ayaw po nila na gamiting paraan ang pag-aampon para lamang makalusot sa immigration laws nila.

Hindi po komo't na-ampon na ang isang bata (kahit kamag-anak) ay papayagan na ng Amerikang pumasok bilang immigrant ang bata sa America.

Bukod dito, para maipa-ampon ninyo ang inyong anak, kailangan kayong dalawang mag-asawa ay pumayag, at dadaan kayo sa prosesong legal at sa mga husgado. Kasi po, OFW kayo, so, hindi ninyo problema ang kabuhayan-- kaya po hindi ninyo puedeng gamitin ang dahilan na kaya ninyo ipapa-ampon ang bata ay dahil sa mas mabibigyan ito ng magandang kinabukasan (OFW nga kayo, eh, so may dollars kayo, hindi maniniwala ang husgado sa dahilang iyon).

So, ano ang dahilan? Hindi ninyo maasikaso ang bata? Eh, kanino ninyo ito iniiwan habang kayo ay nasa Turkey? Ang kapatid ba ninyo ay nag-alaga sa anak ninyo? Tinrato ba niyang parang sariling anak na ang bata? Kung walang emotional ties ang kapatid ninyo sa bata, bakit niya ito aampunin? (hindi maniniwala ang Immigration Service ng US, mabubuo sa isip nila na kaya lamang ninyo pina-ampon ang bata ay para maka-rating ito sa US at pag-dating ng panahon, kayo naman ay kanyang ipe-petisyon para makarating din sa US -- ginawa na ito ng napaka-raming Pilipino, kaya nga po mahigpit na ang Amerika, dahil sa maraming kababayan natin ang sumubok nang gawin ito).

Isa pa, dahil sa kapay kayo'y umampon ng bata, ang bata ay nagiging tagapag-mana ninyo, kailangan ding pumayag ang dating asawa ay ang anak noong bayaw ninyon Amerikano bago ma-ampon ang bata. Ilang taong na po ang kapatid ninyo at ang kanyang asawang Amerikano? May age limit po kasi ang pag-aampon. Kung may sakit o may kapansanan ang aampon (halimbawa ay mayroong kanser o isang chronic disease, baka hindi din ma-approve).

Kailangang kumausap kayo ng abogado. Kailangan pong dumaan sa prosesong legal dahil sa baka makasuhan pa kayo ng human trafficking o child trafficking.
Darwin Mark
is a ofw in Turkey
Marameng salamat po sa pagsagot.. ate ko po ıs 48 yrs old samantalang bayaw ko po is 60....wala po sılang balak dalhın sa amerıka ung bata..
Darwin Mark
is a ofw in Turkey
hındı na po makakaanak ung ate ko so gusto po nıla ampunın anak ko..sa ate ko po sıya lumakı..malakı po ang emotıonal tıes ng bata sa ate ko po..
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Iyan ang isa sa pinaka-mahalagang bagay sa pag-aampon ng bata, ang emotional ties. Baka magkaroon ng problema iyong 60 year old na husband niya. Kasi, kapag ganoon na ang edad, mas malaki na ang chance na ma-reject. Kaso, joint naman ang adoption, at saka, adoption of a relative naman. Maaaring magtagumpay sila. Find a good lawyer. Good luck!

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.